CHAPTER FOUR

12 2 0
                                    

"Sige lang. Kumain ka lang d'yan."

Tinigil ko ang pagkain ko dahil hindi din kumakain si Papa. Kung ayaw niya kumain, edi hindi na lang din ako kakain. Tumingin naman siya sa akin saka tumawa. Susuko na 'to. Alam niyang hindi ako kakain kapag hindi din siya kumain. Hindi uubra sa akin 'yang 'busog pa si Papa' line na 'yan kasi palagi ko na 'yang nadidinig.

Sa murang edad, kilala ko na ang kilos ni Papa. Dalawa lang naman kami sa buhay kaya hindi mahirap sa akin na kilalanin siya.

Siya 'yung tipo ng tatay na okay lang na magutom siya, 'wag lang ikaw. Magpapanggap siya na kaya niya pero hindi naman talaga. Tatawa siya kapag may kaunting ulam pero alam kong sinasaksak na ang dibdib niya. Alam ko 'yun. Dahil tatay ko siya. Kaya nga pinipilit kong galingan sa klase para kahit papaano, maging proud siya sa akin. Lagi niyang sinasabing proud siya akin pero gusto kong mabigyan siya ng something na maipagmamalaki.

"Akala mo Pa mai-scam mo ako sa mga ganyan mo, ha? Ako long 'to, Pa!" Sabay kaming tumawa. Sa wakas ay kumain na din siya! Akala ko magpipilitan pa kami, eh. " Hayaan mo, Pa, kapag mayaman na ako, bibili ako ng maraming sardinas para hindi na tayo maubusan ng ulam." Biro ko pa.

"Loko ka talagang bata ka." Inilingan niya lang ako. "'Wag mong pangaraping yumaman ka para sa akin. Pangarapin mong yumaman para hindi mo na kailangang pagdaanan ang buhay na 'to. Atsaka, h'wag ka lang mangarap ng mangarap. Dapat umaksyon ka 'din. Hindi lumalapit ang palay sa manok."

Hindi ko masyadong inintindi ang sinabi ni Papa. Basta. Kaya ako nangangarap, kasi gusto kong sabay kaming umahon. Na kasama ko siya kapag nakabili na ako ng sarili kong bahay. Bibilhan ko din siya ng kanya pero dapat magkapit bahay kami. Tapos magsisigawan kami sa terrace. Tapos tatawa na parang wala kaming ibang kapitbahay.

Masyado ko na yatang in-enjoy ang pagde-daydream ko ng mga bagay kaya nakalimutan kong may hugasin pa pala ako. Ayan.

"Babye, Lola!"

Tinanguan ko lang si Serafina nang magpaalam ito sa akin. Nasa school kami ngayon at ngayon din ang alis nila para sa Provincial Meet. Nakaka-excite na nakakalungkot. Ito namang si Reese, kanina pa nagpaalam, hindi pa rin sumasakay.

"Hindi ka pa sumasakay. Ano pang ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya at hinarap siya. Tumingin naman ito sa akin saka bumuntong hininga at bumaba ang tingin.

"Wala lang. Gusto ko lang dito. Saka hindi pa rin naman aalis 'yang sasakyan na 'yan, eh." Sabi niya saka pinaglaruan ang bitbit niyang raketa. May bitbit siyang bag na malamang ay lalagyanan ng mga gamit niya. Pinabitbit niya pa sa akin ang mga feather shuttlecock niya. Ang kapal talaga.

"Mauubusan ka ng upuan 'dun, shunga ka?" Mas lalong humaba ang nguso nito kaya naman kumunot ang noo ko. Napaka-arte.

"'Y-Yung ibang kaibigan, nag-goodluck. I-Ikaw hindi." Hindi ko ipinahalata ang pagkagulat ko sa sinabi niya. Seryoso? "Saka kay Sera! Nagpaalam ka sa kanya! Akala ko ba ako ang bestfriend mo?"

"Isip bata! Grade six ka na, pang-Grade One pa din utak mo." Umiling na lang ako. Nagdadabog pa ito sa harapan ko kaya lalong nangunot ang noo ko. Aba! Papalag na ang Reese na 'to, ah! "Edi goodluck! Bye-bye! Ingat sa byahe!"

"Wala bang mas sincere?"

"Wala! Kaya umakyat ka na 'don bago pa kita hampasin ng raketa at batuhin ng shuttlecock!" Tinuro ko pa ang bus. Inikutan lang ako nito ng mata saka inagaw ang bitbit ko at tumakbo sa bus. "Galingan mo! Ililibre mo ako kapag natalo ka! Kapag nanalo ka, magpahanda ka, oki?" Kumaway pa ako dito kaya kumaway din ito pabalik.

Pinanood lang namin na makaalis ang players at agad na din kaming bumalik sa kanya-kanyang classroom. Syempre naman 'no! Players lang ang exempted. Kaming mga hindi, makikipag-sapalaran na naman sa Ap at Math. Sama mo na Mapeh.

HS3: Bestfriend Rule No. 1Where stories live. Discover now