CHAPTER TEN

6 2 0
                                    

"Estudyante nga ako dito, Kuya. 'Yung I.D. ko, bibit ng magaling kong kaibigan."

Irita kong hinarap muli ang security guard. Gusto ko pa naman na maayos ang unang araw ko as grade 10 tapos gaganto-ganto 'tong guard na'to? Tangina, principal? Nakakapag-init ng ulo. Idagdag mo pa si Reese na hindi ko alam kung saang impyerno pumunta kaya nawala. Bakit ko kasi pinabitbit sa kanya 'yung ID ko, eh.

"Edi hintayin mo na lang 'yung kaibigan na sinasabi mo. Nasa regulation ng school na hindi magpapapasok ng estudyanteng walang ID." Palihim ko na lang siyang inirapan saka sumandal sa pader. Hindi ko pa man din natatali ang buhok ko kaya ang init-init.

"Lola!" Sumimangot ako nang matanaw si Reese sa kabilang kalsada, ang kapal pa ng mukha niya na kawayan ako! Hindi niya ba nakikita ang sitwasyon ko dito? Hah! "Sorry. May nakalimutan kasi akong bilhin kaya bumili muna ako d'yan sa Mayb's." Pinasadahan niya pa ng daliri ang buhok.

"'Yung ID ko?"

"Ay oo nga pala. Kaya pala hindi ka pinapasok, hehe." Ewan ko ba kung nang-aasar lang siya nang sabihin niya 'yun pero ayoko ng dagdagan pa ang init ng ulo ko. Baka buong school year, mainit ang ulo ko. "Good morning, kuya!"

Walang imik akong pumasok sa school. Hindi ko na binati ang principal slash security guard namin. Nakakapag-init sila ng ulo, jusko.

"Huy, Lola, galit ka ba? Sorry na nga. Nakalimutan kong bumili ng illus kahapon, eh." Sumabay pa siya sa'kin sa paglalakad pero hindi ko pa rin siya pinapansin.

Hindi naman sa galit ako sa kanya, naiinis lang ako kasi hindi niya ako sinabihan na bibili pala muna siya edi sana ako na lang ang nagbitbit ng ID ko. Hindi pa sana ako napahiya sa gate kanina.

Tahimik akong naupo sa upuan na una kong nakita. Sana naman kami ang mamimili ng upuan namin. Kaumay kapag iba ang katabi mo. Parang nakakapanibago. 'Wag nilang idahilan na para maging close kami kasi kaya namin maging close kahit hindi magkakatabi!

"Ililibre na lang kita, Lola. Sorry na nga, eh." Inabot ko sa kanya 'yung ipit ng buhok ko. Kinuha niya naman 'yun saka inipitan ang buhok. "Bati na tayo, ha?"

"Oo na. 'Wag ka ng maingay."

Naramdaman kong umupo siya sa tabi ng upuan ko. As usual, tatabi na naman siya sa akin. Nasanay na ako na lagi siyang gan'yan para guluhin ako. Hindi ko na lang masyadong pinapansin. Napaisip lang ako. Sa college kaya, ganito pa din kami? Malamang ay magkaiba ang kukuhanin naming course. Hindi pa din malinaw sa akin ang kukunin kong course.

Practicality versus dream.

"Ano ngang ite-take mong course sa college?" Tanong ko habang nakapikit.

"Ah, hindi ko pa alam. Basta, gusto ko mag-doctor." Tumango na lang ako.

"Ayos 'yun. Alam mo na gusto mo." Ngumiti pa ako habang nakapikit pa din. "Saka bagay sa'yo magdoctor. Bagay sa penmanship mo." Pang-aalaska ko dito. Hindi ko man makita ang mukha niya, alam kong sumimangot na naman ito.

"'Yan ka na naman sa penmanship ko. Ang perfect ko kasi masyado kaya penmanship ko na lang ang pinapansin mo." Navi-visualize ko na agad ang mukha niyang nakangisi.

Umismid lang ako saka nagmulat. Sakto namang nagtama ang paningin namin. Habang nakatingin sa mata niya, nakaramdam ako ng takot. Takot na baka dumating ang panahon, muling magsasalubong ang landas namin pero sa panahong 'yun, hindi na namin kilala ang isa't isa.

Agad kong pinilig ang ulo ko saka siya inirapan. Aaminin ko, mahihirapan ako sakaling matigil ang pagkakaibigan namin dahil nasanay na ako sa presensiya niya. Alam ko namang darating ang panahon, magkaibang landas na ang dadaanan namin dahil hindi naman kami pareho ng pangarap na aabutin. Hindi naman pwedeng isakripisyo ng isa sa amin ang pangarap namin para makasama ang isa't isa.

HS3: Bestfriend Rule No. 1Where stories live. Discover now