CHAPTER TWENTY-NINE

7 2 1
                                    

"Wow, nakangiti ka na naman, ah. Inspired na inspired ka na ba sa buhay mo?"

Tinawanan ko na lang si Jaylen nang tanungin ako nito. Sa shop na kami nagkita. Para tuloy hindi kami nakatira sa iisang building. Lagi na lang akong iniiwan ni Jaylen sa umaga kaya kailangan kong pumasok mag-isa!

"Tanga ka, lagi naman akong nakangiti, ah!" Pumasok ako sa loob para magpalit ng damit at magsuot ng apron. Paglabas ko, may inaasikaso na siyang customer kaya pumwesto na rin ako. "One Macchiato for Rozhel."

Hindi na kami nakapag-usap ni Jaylen dahil naging busy na kami sa pagtatrabaho. Mabuti nga 'yun para hindi na siya mag-usisa pa.

Pagkatapos no'ng sinabi ni Reese kagabi, hinayaan ko na lang siya. Naisip ko ring hindi naman na kami bumabata. Saka marami na din kaming napagdaanan. Ano pa bang pumipigil sa'min? Pareho na kaming maayos, kaya hindi na siguro masamang sumubok, 'di ba?

Saka aminin ko man o hindi, alam ko sa sarili ko na siya pa din. Siguro, masyado akong naging busy para maisip ko pang kalimutan ang nararamdaman ko sa kaniya. Hindi ko sinubukang pakawalan ang natitirang pag-asa na baka isang araw, muling magkukrus ang landas namin kaya hindi ko din pinakawalan ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Reese:
hindi ako makakapunta ngayon, busy ako :-*

babawi na lang ako bukas o mamayang gabi sorry talaga (^_^メ)

Mahina lang akong tumawa saka nagreply sa message ni Reese. May emoticons pa ampota. Hanggang ngayon, isip bata pa rin ba siya?

"Hindi ata pumunta si Reese?" Mayamaya pa'y bigla siyang nagsalita. Ngumiti muna ako sa customer saka siya binalingan.

"Busy daw siya, 'e." Simpleng sagot ko.  "Nagtext siya sa'kin. Bakit? May kailangan ka ba sa kaniya? Ako na magsasabi."

"Hindi na 'no, baka iba ang makarating sa kaniya." Nang-aasar pa siyang ngumiti sa'kin na siya namang ikinairap ko. "Close na kayo? Sabagay, bestfriend nga pala kayo dati. Mabuti naman at nagkaayos na kayo."

Dapat ko bang sabihin sa kaniya na nililigawan ako ni Reese? I mean, anong point? Pero dahil matagal-tagal na rin kaming magkaibigan, reasonable naman siguro kung ipapaalam ko sa kaniya.

"Actually, sinabi niya kagabi na liligawan niya na daw ako." Grabe, nararamdaman ko na naman 'yung naramdaman ko kagabi habang magkausap kami. 'Yung para akong excited na something. Ang hirap i-explain ng feeling kahit na naramdaman ko na mismo. Basta, masaya sa pakiramdam.

"T-Talaga?" Mukhang nagulat pa siya sa sinabi ko. Well, sino ba namang hindi magugulat, 'di ba? Ako nga din nagulat no'ng una.

Hindi ko pa rin maproseso sa utak ko na sinabi niya talaga 'yun. Para tuloy akong highschool student na napansin ng crush niya dahil sa reaksyon ko. Lola, grow up, jusko.

"Good for you, then." Maliit pa siyang ngumiti sa'kin. "Sana maging successful kayong dalawa. Bagay pa naman kayo." Napangiti na lang din ako sa sinabi niya.

Pagkatapos no'n ay hindi na ulit kami nag-usap dahil naging busy kami sa pag-asikaso sa mga bumibili. Napansin ko ding medyo nanahimik na siya matapos ng sinabi ko, pero inisip ko na lang na baka naapektuhan na naman ng panahon 'yung mood niya.

Nagiging moody na siya lately, ah.

Nang yayayain ko na siyang maglunch, ang sabi niya'y may gagawin pa daw siya. Humingi pa siya ng sorry saka sumakay sa jeep. Wala na akong nagawa kundi ang mag-isang kumain. Hindi na ako kumain sa McDo at diyan na lang sa maliit na eatery kasi wala naman akong kasama.

Sa bawat araw na nagpapatuloy, naging mas malayo si Jaylen pero hinayaan ko na lang siya kasi baka kailangan niya lang ng space. Magsasabi naman siya sa'kin kung may problema siya. Though, magkasama pa rin kami sa trabaho, tipid lang siya sumagot sa'kin.

HS3: Bestfriend Rule No. 1Where stories live. Discover now