CHAPTER NINETEEN

8 2 0
                                    

"'Yung contribution daw, pinapa-kolekta ni President."

Napairap na lang ako nang bumungad ang treasurer sa harap ko. Kingina, hindi ko pa nga nalalapag ang bag ko sa upuan, contribution agad ang binungad sa'kin. Nasa pinto pa lang ako, take note.

"Magkano ba 'yan? Hindi kita tatakbuhan, padaanin mo 'ko. Maka-salubong akala mo hindi magbabayad." Hindi ko siya pinansin at pumasok na lang sa loob.

"Bente daw."

Kita mo na, bente lang naman pala. Parang ang laki ng pagkakautang ko. Psh.

"Oh." Saksak mo sa ngalangala ng president. Chos.

Nilapag ko ang bag ko sa upuan saka dumeretso sa lalagyanan ng walis. Naka-assign kasi kami maglinis ngayong araw. Ayoko namang sabihan na tamad, duh! Baka masampal ko pa sila.

"Hoy, cleaners. Maglinis nga kayo, tulungan niyo si Lola. Hindot, maglinis ka, tatakas ka na naman."

"Kapal mo, magtatapon ako ng basura. Beh, samahan mo 'ko."

"Asus, magtatapon ng basura tapos pagbalik may naka-bulsa ng biscuit. Para-paraan ka na naman."

"Pake-alam mo? Inggit ka lang, 'e."

Hindi ko na pinansin ang pag-iingay nila at pinagpatuloy na lang ang paglilinis. Hindi na naman kami sabay ni Reese dahil kaninang dumaan ako sa kanila, ang sabi ni Tita ay natutulog pa daw. Hindi ko na siya nahintay dahil baka malate lang ako. Malaki na siya, alam niya na naman na mag-isa pumasok. Saka, hindi naman ito ang unang beses na hindi kami magkasabay.

"Hoy, Lola, nasaan si Reese? 'Di ba lagi kayong magkasabay? Magc-computer kami." Nilapitan ako ni Mark, isa sa mga tropa niya.

"Malay ko. Dinedemonyo mo na naman si Reese mag-computer," maikling sagot ko at nilampasan sila.

"Paanong hindi mo alam, 'di ba dapat lagi mong alam kasi may gusto ka sa kaniya?" Napairap na lang ako sa pinagsasabi niya. "'Yan, Lola, nagkakagusto sa kaibigan."

"Kuwento mo sa tainga mong may pingas," pabalang na sagot ko. "Mama mo may gusto sa kaibigan."

"Aba---oh, Reese! Tara, sa computer shop! Pustahan!"

Napatingin ako sa pintuan kung nasaan si Reese. Saglit niyang tiningnan ang mga kaibigan bago dumapo ang mata sa'kin.

"Pass. May test mamaya, mag-aaral pa ako." Naglakad siya papunta sa upuan niya at nilapag ang gamit. "Saka alam ko namang matatalo ka na naman. Baka umiyak ka lang," pabiro niyang sabi.

Nakita ko namang kumuha din siya ng walis saka naglinis sa tabi ko. Wala naman siyang nalilinis kasi winawalis niya lang din 'yung nawalis ko na. Parang tanga lang.

"Doon ka nga. Wala ka nang mawawalis d'yan," puna ko sa kaniya.

"Ang aga-aga, nagsusungit ka na naman. Good morning din, madame." Hindi ko pinansin ang pambubuwiset niya. "May assignment pa naman ako, pakokopyahin sana kita."

"May assignment din ako, pake ko sa assignment mo."

"Wow, totoo ba ito? May assignment si Lola?"

"Wow, totoo ba ito? May assignment si Lola?" Ginaya ko ang sinabi niya sa nakaka-asar na paraan. Kaya naman nakita ko ang pagkunot ng noo niya at pag-simangot. Mahina lang akong tumawa.

Akala niya, ha.

Mayamaya lang ay pumasok na ang aming adviser kaya naman kaniya-kaniyang kuha ng panglinis ang mga kaklase ko. Napailing na lang ako sa pagiging plastik.

"Very good naman nung mga tumayo lang nang makita ako." Bakas sa boses ni Ma'am ang pagiging sarkastiko. Nadinig ko naman ang mahinang pagtawa ng mga non-cleaners.

HS3: Bestfriend Rule No. 1Where stories live. Discover now