CHAPTER TWENTY-SIX

7 2 0
                                    

"Lola, okay ka lang? Ito na 'yung Americano mo, thank you."

Hindi ko magawang iiwas agad ang tingin ko kay Reese na noon ay bumalik sa pagiging dull ang mukha. Hindi katulad ng dating Reese, mas kaunti ang emosyon sa mukha niya ngayon.

Mas nagmature na din ang ibang features niya sa mukha 'di katulad no'ng huli naming pagkikita. Umikli na din ata ang buhok niya. May nakalagay pang puting coat sa braso niya nang tingnan ko 'yun.

So, pinursue niya talaga ang pagdo-doctor? Napangiti ako sa loob-loob ko. Dati pa man, 'yun na ang pangarap niya at unti-unti na niya na itong tinutupad.

"Sanders! Tara na, hinihintay na tayo do'n." Nabaling ang tingin ko sa isang babae na lumapit sa kaniya. Sa tingin ko'y mas matangkad lang siya ng ilang centimeter sa'kin. Hanggang balikat ang buhok nito at mas maputi siya sa'kin. Hanggang balikat lang siya ni Reese pero matangkad na siya no'n.

"Saglit lang, magbabayad pa ako." Bumaling siya sandali sa babae saka kumuha ng pera. Nataranta pa ako ng kaunti nang iabot niya sa'kin 'yun, at nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo niya dahil sa reaksyon ko.

"T-Three hundred fifty p-pesos. Thank you for coming!" Awkward pa akong ngumiti sa kaniya. Hindi niya ako pinansin at kinuha ang sukli niya. Napahinga ako ng malalim nang maglakad siya paalis kasama 'yung babae.

"You look tense. Kilala mo ba 'yun?" Napatingin ako kay Jaylen nang tanungin ako nito. Nakataas ang kilay nito sa'kin pero hindi na ako nakasagot dahil may dumating na customer.

Nararamdaman ko pa din ang mabilis na tibok ng puso ko hanggang ngayon pati ang pangangatal ng kamay ko. Pero sinubukan ko pa ding maging professional sa trabaho ko kahit papaano. Ayoko namang ma-disappoint 'yung tita ni Jaylen.

Nandito na nga talaga si Reese! Hindi pa din ako makapaniwala na nagkita na kami, mata sa mata. Pero parang hindi na siya katulad ng dati.

Hindi na expressive ang mata niya na siyang una kong hinangaan. Hindi na din siya maingay, dala na din siguro ng paglipas ng taon. Madami ng nagbago sa kaniya, at hindi na siya kasing-payat ng dati. Mas nagmature na ata ang posture niya.

"Napansin kong natahimik ka no'ng makita mo 'yung lalaki kanina." Umupo sa tabi ko si Jaylen, mukhang magb-break din muna. Pinatong niya ang braso sa lamesa at tiningnan ako ng masinsinan. "Kilala mo ba siya?"

Paano ko ba sasabihin sa kaniya? O, dapat ko bang sabihin sa kaniya? Hindi naman siguro big deal kung iku-kuwento ko sa kaniya.

"Bestfriend ko siya no'ng highschool kami," Panimula ko. Mukha namang napukaw no'n ang atensiyon niya. "Actually, since grade school. Si Reese. Hindi ko siya na-kuwento sa'yo noon kasi pinipigilan kong ma-miss siya."

"Bakit naman ayaw mong ma-miss siya? Saka sure kang mag-bestfriend kayo? 'E parang hindi ka nga niya kilala base sa reaksyon niya kanina."

Wow, wala man lang filter, Jaylen. Salamat sa pagpapaalala, ha.

"Basta, mahabang kuwento. Mauubos ang oras natin kung sasabihin ko sa'yo lahat ng nangyari." Umiwas ako ng tingin at tumayo. "Babalik na muna ako do'n. Ikaw?"

"Dito muna ako..."

"Okie. Oh, paano? Dito na muna ako."

Iniwan ko siya doon sa isang table at sinimulan na ulit ang trabaho ko. Sinubukan kong um-aktong normal ulit sa trabaho at pilit na kinalimutan ang unexpected encounter namin kanina.

Saan kaya siya nag-aaral?

Karamihan ng pumupunta ditong estudyante ay nag-aaral sa Caivar College, kaya malaki ang posibilidad na nando'n din siya. Nakapagtataka naman na ngayon lang nag-krus ang landas namin, 'e hindi naman gan'on kalayo ang school namin sa isa't isa. Hindi na rin siguro siya palalabas ng school kaya gan'on.

HS3: Bestfriend Rule No. 1Where stories live. Discover now