CHAPTER TWENTY-SEVEN

8 2 0
                                    

"Nagpuyat ka ba?"

Ngumiti muna ako sa isang customer saka bumaling kay Jaylen na noon ay kasalukuyang gumagawa ng kape. Akala ko tuloy hindi ako 'yung kausap niya kung hindi pa siya tumingin sa'kin. Tinaasan niya pa ako ng kilay kaya bahagya akong natawa.

"Bakit? Iiyak ka ba kapag oo?" Pabalang na sagot ko saka muling humarap sa tao. "Ang haba kasi ng report, kinailangan ko pang i-cut 'yung iba."

Sanay naman na akong mapuyat, duh! Jusko, baka nakakalimutan niyang college na kami?

"Sana kinatok mo ako sa kuwarto ko para natulungan kita. Tingnan mo, ang laki na ng eyebags mo." Tinuro niya pa 'yung mga itim sa ilalim ng mata ko. Tiningnan ko naman sa salamin 'yun at hindi naman halata! Unless, titingnan mong mabuti.

"Baka wala akong matapos kapag sumama ka pa. Matutulog na lang ulit siguro ako mamaya sa klase, meron naman sigurong vacant," sagot ko na lang para manahimik na siya.

Naging abala na din naman kami matapos no'n dahil madami ng dumdating na tao. Buti na lang hindi ako inaantok ngayong umaga kasi baka may sumigaw na lang bigla sa'kin diyan at sabihing ayusin ko ang trabaho ko.

"One Capuccino and Latte, miss."

Hindi na ako nagulat nang makita ulit si Reese do'n, pero anong tinawag niya sa'kin? Miss ampota. Ang weird naman pakinggan no'n galing sa kaniya.

Napatitig ako sandali sa mukha niya. Parang wala pa siyang tulog, ah. Kasi naman, maputla kasi ang labi, tapos malalim pa 'yung mata niya, tanda na hindi pa nga siya natutulog.

Napabalik lang ako sa sarili ko nang peke itong umubo. Tinaasan pa talaga ako nito ng kilay nang tingnan ko siya. Nilabanan ko ang sarili ko na irapan siya dahil baka mamaya i-report niya ako sa may-ari na masama ang ugali ko!

"One Capuccino and Latte." Inabot ko sa kaniya 'yun at tinanggap ang bayad. Nakita ko pang tinitingnan niya 'yung mga tinapay sa baba kaya tinanong ko kung may gusto ba siya. Sinimulan ko ng kunin ang lahat ng tinuturo niya. Ang hindi lang ata nagbago sa kaniya ay ang pagiging matakaw niya. Para siyang halimaw sa dami ng itinuro niya! Natataranta pa ako pero mukha namang nage-enjoy lang siya sa pinaggagawa niya.

"Thanks," Nakita ko pa ang pang-aasar sa ngiti nito kaya peke lang akong ngumiti. Buwiset pa rin talaga siya hanggang ngayon.

Tumingin pa siya kay Jaylen na noon ay nakatingin lang din sa kaniya. Nagsukatan sila ng tingin na dalawa at promise, ako ang na-awkward-an sa ate gurl sa likod. Nakaharang kasi si Reese sa kaniya kaya hindi siya makasingit. Mukhang highschool student lang siya. Nakakahiya talagang patabihin ang college.

"May tao sa likod mo." Sa wakas, umiwas na ng tingin si Reese. Tumingin siya sa likod niya at mukhang napahiya pa siya nang makita ang babae. Bumaling naman siya sa'kin saka tumango.

"Una na ako."

Wala namang kakaibang nangyari no'ng araw na 'yun dahil pagkatapos ng pagkikita namin sa coffee shop, hindi na ulit kami nagkita. Bukod do'n ay naging tahimik na din si Jaylen. Hindi ko nga alam ang nangyari dito, 'e.

"Ayos ka lang ba? Kulang ba kinain mo sa McDo? Sabi naman kasi sa'yo, dagdagan mo, 'e."

Habang naglalakad kami papunta sa room, hindi ko mapigilang tanungin siya. Dahil nga hanggang balikat niya lang ako, kailangan ko pang tumingala sa kaniya. Nang makita niya ang hitsura ko, marahan siyang tumawa.

"Oo naman, mukha ba akong hindi okay?" Nilagay niya pa 'yung kamay niya sa ulo ko. Para tuloy niyang dinadakot 'yung ulo ko! Hinayaan ko na lang siya sa kung anong gusto niyang gawin. Gloomy kasi ang paligid kaya malamang, na-apektuhan 'yung mood. Gan'on naman talaga minsan.

HS3: Bestfriend Rule No. 1Where stories live. Discover now