CHAPTER SIX

6 2 0
                                    

"Lola, saan ka papasok sa Highschool? Sama ako!"

Napatingin ako kay Reese na noon ay nakaupo sa pilapil, pinaglalaruan 'yung mga damo. Nandito kami ngayon sa bukid, naghahanap ng gagamba. Niyaya ba naman ako. Ang ganda ng tulog ko sa bahay tapos magpupunta 'don para lang yayain ako sa bukid at maghanap ng kuhol.

"Malapit na pasukan, hindi mo pa alam kung saan ka papasok? Anong ginawa mo buong bakasyon?" Hindi mapigilang tanong ko. Ngumuso naman siya saka tinigil ang paglalaro at tinapon ang tangkay na hawak niya. Nagpagpag pa siya ng kamay saka humarap sa akin.

"Eh, kasi hindi mo naman sinasabi sa akin kung saan ka papasok. Dapat kasi sinabi mo sa'kin! Basta. Kung saan ka, doon na lang din ako. Magbestfriend tayo kaya dapat hindi tayo magkahiwalay." Saad niya. "Pinky promise." Napairap naman ako. Naisipan ko tuloy na takutin siya.

"Alam mo ba na ang ibig sabihin ng pinky promise?" Tanong ko saka namewang. "Kapag may isang hindi tumupad sa pangako niya, puputulin ng pinangakuan ang pinky finger niya."

"Weh?" Mukhang natakot siya pero desidido din na tumupad sa pangako. "Sige na! Promise, hindi ako susuway sa pangako. Hindi kita iiwan. Atsaka kapag ikaw naman ang sumuway uhmm...hindi ko puputulin ang daliri mo! Kunwari ano...kunwari tinupad mo!" Mahina akong napatawa saka nakipag-pinky sa kanya.

"Pinky promise. Walang iwanan."

Lumipas pa ang mga araw at kailangan ng mamili ng gamit para sa school. Nakapa-enroll na din naman kami ni Reese. Sa'kin pa talaga siya sumabay. Ayos lang naman. Nakakairita siya minsan. Isang beses lang pinapunta sa bahay, naging sunod-sunod na. Hindi naman kasi kalayuan 'yung bahay nila. Isang kanto lang ang pagitan.

"Ang sarap talaga ng luto mo, Pa! Bukas pupunta ulit ako dito. Gusto ko ng tortang talong." Isang araw, nakikain na naman siya sa bahay. Tuwang-tuwa naman si Papa sa kanya habang ako ay halos durugin na ang kutsara dahil kinain niya 'yung hita ng manok!

"Hindi ka naman kaya pagalitan ng magulang mo dahil lagi ka na lang nandito?" Natahimik sandali si Reese saka tumawa.

"Hindi naman po nila ako pagagalitan. Lagi naman silang wala. Kaya nga nakakapunta ako dito."

Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung totoo 'yun pero parang oo kasi bakit naman siya magsisinungaling? Dahil 'don, hindi ko na masyadong dinamdam ang pang-aagaw niya sa hita ng manok. Sige. Pagbigyan, kawawa naman, eh.

"Kailan po kayo bibili ng gamit? Sasama po ako!" Sa hindi mabilang na pagkakataon, umirap na naman ako.  Kahit kailan talaga. "Lola, sama ako, ha?"

"Bukas. Bukas kami bibili."

At katulad nga ng sinabi niya, sa amin siya sumabay. Hinatid lang siya ng isang ginang dito at ibinilin kay Papa. Senyorito 'yarn? Marunong kaya maghugas ng pinggan 'to?

"Tingnan mo! Pambura na Doraemon." Tiningnan ko ang sinasabi niya saka napailing. "Maganda 'yun."

"Hindi ko gusto 'yun. Mas gusto ko ang malinis na pambura." Hinahanap ko pa rin kung saan nakalagay ang Stadler. "Ikaw. Bilihin mo kung gusto mo."

"Ayoko. Dapat magkapareho tayo." Inirapan ko na lang siya ulit. Sumunod siya ng sumunod sa akin. "Ako na maghahanap ng ballpen natin."

"Ayoko ng may design. Kulay black dapat. HBW o Titus lang. Kapag hindi, 'wag ka ng magpakita sa'kin." Tinawanan niya lang ako saka nagsimulang maghanap ng mga ballpen.

Nang mahanap ang pambura, agad akong tumingin ng mga notebook. Nakakairita nga ang mga notebook nila, eh. May picture ng Ang Probinsiyano lahat. Kung hindi man, ibang palabas naman. Inirapan ko na lang lahat ng notebook sa kinuha ang mga ColorNotes brand. Saka notebook na tahi ang kailangan ko, hindi spring. Naghanap na din ako ng intermediate pad. 

HS3: Bestfriend Rule No. 1Where stories live. Discover now