CHAPTER THIRTY

13 2 0
                                    

"Okay ka lang ba?"

Nakaupo ako ngayon sa pagitan ng hita ni Reese habang sinusuklay niya ang buhok ko. Bumisita ako sa kaniya nang makahanap ng pagkakataon. Sinilip niya 'yung mukha ko saka ako binigyan ng ngiti.

"Oo naman," sagot ko at sinandal ang sarili sa may dibdib niya. Naririnig ko ang tibok ng puso niya, at ang sarap nito sa tainga. Sana puwede kaming ganito na lang habang-buhay.

"May plano ako pero gusto muna kitang tanungin tungkol dito." Umalis ako sa pagkakasandig at humarap sa kaniya. Tumingala pa ako kasi matangkad talaga siya. Nilagay niya ang kamay niya sa ulo ko at pinatong ang baba doon.

"Ano 'yun?" tanong ko sa kaniya. It somehow send butterflies in my stomach that he think of me before doing something. "Alam mo namang support lang ako sa kung anong plano mo sa buhay."

"Plano kong bumisita ulit sa Nueva Ecija kasama ka, kung okay lang sa'yo?" Natahimik ako dahil sa sinabi niya.

Biglang sumagi sa isipan ko si Papa. Sa loob ng madaming taon, simula no'ng umalis ako do'n, hindi ko na siya nabisita. Feeling ko tuloy ang sama-sama kong anak.

Naging duwag akong harapin ang katotohanan, dahil aaminin kong hanggang ngayon ay masakit pa rin kapag iniisip ko. Hindi siya madaling pakawalan.

Kaya siguro kino-consider muna ni Reese ang desisyon ko dahil alam niya ang pinagdaanan ko sa lugar na 'yun.

"Pero okay lang naman kung ayaw mo. Hindi kita pipilitin. Tinanong ko lang para alam mo." Hinawakan niya pa ang pisngi ko gamit ang dalawa niyang kamay saka hinalikan ang noo ko. "Dito ka ba matutulog? Dito ka na matulog, please."

Nang tumango ako, muli niya akong niyakap. Pinikit ko ang mata ko at hinayaang damhin ang antok sa katawan. Unti-unti, binalot na ng kadiliman ang paligid ko.

"Mahal kita..."

Kinabukasan, nagising ako na wala na siya sa tabi ko. Bumangon ako at niligpit saglit ang higaan niya katulad ng nakasanayan kong gawin. Nakaamoy ako ng mabango kaya ipinagpalagay ko na nagluluto si Reese.

Wow, first time ko lang siya makitang magluto, ah.

"Good morning!"

Mukhang nagulat pa siya nang sumigaw ako kaya malakas akong tumawa saka kumuha ng stool at umupo do'n. Nangalumbaba ako habang pinapanood siyang magluto. Minsan, ay umiiwas pa siya dahil prito ang niluluto niya. Gosh, takot pa rin sa mantika hanggang ngayon.

What a kid. Chos.

"Good morning." Nagsimula na din kaming kumain pagkatapos no'n. "Sa Sabado ko pala plano pumunta, pero puwede kong baguhin kung hindi ka available no'n."

"Okay na 'yun. Puwede muna akong mag-off sa trabaho ko, or mag-leave ng ilang araw. Ilang araw ba tayo do'n?" tanong ko sa kaniya.

"Three days will do. May kailangan din kasi akong asikasuhin agad dito, gusto ko lang talagang mabisita 'yung magulang ko, saka si Papa." Tumango na lang ulit ako sa plano niya saka nagpatuloy sa pagkain.

Hinatid niya na din ako sa trabaho ko pagkatapos naming kumain. Hindi na nagtatrabaho si Jaylen do'n kaya medyo nami-miss ko siya. Ang huling sabi niya sa'kin ay magf-focus na lang muna siya sa pag-aaral.

Tama nga naman siya. Dapat mas magfocus siya sa pag-aaral dahil kaya naman niyang mag-aral kahit hindi siya nagta-trabaho.

"To move on, we have to stop assuming things first. Avoiding the event or person won't help, since you will just end up missing her. To move on, we have to accept things. Those chances we couldn't have, and those should have that will never happen. With that, moving on will be less hassle."

HS3: Bestfriend Rule No. 1Where stories live. Discover now