CHAPTER TWO

27 2 2
                                    

"Nakadala ka ng pinapadala ni Ma'am?"

Kinukulit na naman ako ni Serafina tungkol 'dun sa walis tambo na pinapadala ni Ma'am. Nakakainis naman kasi! Magpapadala pa ng walis tambo eh titirintasin lang naman 'yun ng sunod na Grade 6. Sayang lang sa pera.

"Kailan ba ang pasahan? Hindi pa ako nakakabili. Hindi pa ako nakakahingi ng pera kay Papa."

Sa totoo lang, pwede naman akong humingi kagabi kaso nakita kong andaming resibo sa lamesa niya kaya hindi na lang muna. Siguro sa susunod? Hindi pa naman ata kailangan 'yun? Second quarter pa lang naman, eh. Hanggang Graduation naman ang pasahan.

"Sabagay. Nakabili na kasi ako. Ipapasa ko na lang mamaya." Hindi ko alam kung bakit sinabi niya 'yun kahit hindi ko naman tinanong. Pero hinayaan ko na lang din. Baka naman kasi excited lang siya kasi siya ang unang magpapasa. Kung ako man ay gan'on din ang mararamdaman. "Sige na. Babalik na ako sa upuan ko. Sabay ulit tayo kakain mamaya, ah?"

Tumango na lang ako kasi pumasok na ang teacher namin. Hala, ang dami na namang hawak na manila paper. Pagsusulatin na naman kami nito ng mga hindi naman importanteng notes.

Ang hilig pa naman niyang magpasulat sa notebook tapos hindi niya naman ituturo. Lalo na sa Araling Panlipunan. Paulit-ulit na lang kami sa mga bayani ng Pilipinas pero 'yung pinapasulat niya sa amin nasa Digmaan sa Mactan na.

"Ayan na naman siya sa walang katapusang pagpapasulat niya. Ubos na tinta ko dahil sa kanya, eh." Reklamo ni Sera na umupo ulit sa tabi ko.

"Kopyahin niyo 'yan, ah? 'Wag kayong maingay, may gagawin lang ako sa office." Umalis na din ito pagkatapos. Sunod-sunod na reklamo naman ang nangyari pero wala kaming magagawa kasi che-check-an niya daw.

Wala namang masyadong nangyari 'nung araw na 'yun. Kasabay na naman namin si Reese na nag-iingay na naman sa lamesa namin. Pareho sila ni Sera. Pareho pala kaming tatlo na maingay. Kung hindi pa kami aawayin ng kabilang table, hindi pa kami mapapaaway.

"Ang ingay-ingay niyo d'yan! Akala niyo kayo lang ang estudyante!" Sigaw sa amin ng nasa kabilang table. Tumawa naman ang magpinsan kaya natawa din ako.

"Hindi ka naman mukhang estudyante, eh!" Banat ni Reese na ikinainis naman ng kabila. "Atsaka wala ka namang ambag sa school na 'to. Kalat lang."

"Kapal ng mukha mo, Reese! Akala mo naman may ambag ka." Tiningnan naman ako 'nung kaaway nila kaya natahimik ako. Ako na naman. "'Yung kaibigan niyo ang walang ambag! Basura lang sa school 'yan." Mariin kong tinikom ang bibig ko. Nagsisimula na naman sila, ah.

"Aplis hindi palamunin sa bahay! Ikaw nga, wala ka na ngang ganap sa school, wala ka pang ambag sa bahay! Sana naging butiki ka na lang." Muling sagot ni Reese. Tiningnan niya naman ako saka tinanguan, paraan na pagsasabing okay lang 'yan. "Tigilan niyo nga 'tong kaibigan ko. Mas may utak pa 'to kesa sa inyo, eh. Ha? Ikaw nga sumasayaw ng Boom-Boom ng Momoland."

"Hoy tama na 'yan. Ikalma mo, insan." Tumawa pa si Serafina. "Wala ka namang makukuha sa mga iyan, eh. Hindi na ipinag-aaksayahan ng oras ang mga bagay na 'yan at ang mga taong ganyan. Makapagsalita akala mo kayang bilihin ang Pilipinas."

"Kaya nga. Tara na." Pinilit kong ipakita na hindi ako naapektuhan sa pinagsasabi nila. I mean, dapat naman talagang hindi. Wala naman silang alam. At 'yun ang masaklap. Wala silang alam pero kung magsalita, akala mo meron.

Sarap punasan ng vicks sa mata.

"Kumusta ang school, Lola?"

Parang hindi na nagsasawa si Papa sa tanong niyang 'yan. Minsan nga, gusto ko na lang gayahin 'yung sinasabi niya kasi nasasaulo niya. Sinagot ko lang siya ng tawa sa umangkas sa motor.

HS3: Bestfriend Rule No. 1Where stories live. Discover now