CHAPTER SEVENTEEN

9 2 0
                                    

"Hello mga pinagpalang anak ni Marites!"

Habang nagpapalipas ng oras sa may corridor kasama si Xia, dumaan sila Hershey kasama si Tiffany at Fiona. Nauna pang bumati si Fiona kesa sa dalawa. Nagawa pa ngang umupo ni Fiona sa gitna namin ni Xia na akala mo'y ang tagal na naming magkakakilala.

"Bakit kayo nag-aaral? Hindi 'yan pwede dito sa school, ano ba kayo! Itago niyo 'yan, bilis." Pinandilatan niya pa kami ng mata, akala mo ay seryoso sa sinasabi niya. "'Di, joke lang. 'Wag kayong mag-aral, hindi naman kayo tatakbuhan ng mga 'yan."

"I'm wrong when I thought that you're cold and snob." Natawa ako sa sinabi ni Xia. Masama nga lang talaga ang araw nung time na makilala niya kami kaya gan'on siya kasungit.

"Saan pala kayo pupunta?" tanong ko. Napatingin naman sa'kin si Fiona saka ngumiti ng malapad.

"Magbo-boy hunting? 'Di ba, 'te?"

"Siraulo." Inirapan siya ni Tiffany saka namewang. "Manghihiram kami ng walis. Kabobohan ng mga kaklase namin, kung saan-saan nilagay 'yung walis."

"Hoy, sama ako!" Tumayo ako para sumama sa kanila. Tinatamad na ako umupo, gusto kong gumala.

"Hindi naman mabigat 'yung walis, sis, bakit ka pa sasama?" Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Fiona.

"Aba, bakit? Sinong nagsabing tutulungan ko kayo? Sasama lang ako," sagot ko na ikinairap niya naman. Napatingin ako kay Xia na noon ay nakatingin lang din sa'min. "'Di ka sasama, beh? Tanga, sama ka para masaya. Gan'on ang bonding."

"Mainit." Hinila ko siya patayo para lang mapilit siyang sumama. "I don't have anything to do there. I'm staying here."

"Gago, dali na. Hindi ka ba tinatamad sa buhay mo? Puro ka na lang aral. Hindi ka niyan padadalhan ng kape kapag namatay ka," sabi ni Fiona. Bumuntong hininga naman ang babae saka napipilitang tumayo.

"'Wag lang tayong magtatagal, ah. Male-late ako." Tiningnan niya pa kami isa-isa.

"Depende kung may pogi---aray. Joke lang, 'e." Binawi niya agad ang sinabi niya nang sabunutan siya ni Tiffany. "Oo naman. Mabilis lang. Walis lang naman ang hihiramin, hindi natin bubuhatin 'yung buong room."

Sabay-sabay kaming umalis. Umangkla pa sa braso ko si Fiona na akala mo'y sobrang tagal naming magkakakilala. Hinayaan ko na lang siya. As if may magagawa pa ako sa kakulitan niyan.

"Tingnan mo, beh, oh. Makatingin akala mo gustong mang-away." Napatingin ako sa tinituro ni Fiona at nakita ang babaeng nakataas ang kilay habang nakatingin sa'min.

"Hayaan mo na 'yan. Walis ang kukunin natin, hindi buhay ng babaeng 'yan." Tumawa kami sa sinabi ni Hershey. Magtropa nga silang dalawa.

"Where are we heading again?"

"Sa Sapphire."

"Walis lang, ang layo pa ng pupuntahan natin." Kumamot pa siya sa ulo niya pero sa huli ay wala din siyang nagawa kundi magpatuloy.

"Hello po," Pagkadating namin, si Fiona na ang nagpresintang manghiram ng walis. "Nandito po ba si Wally Bayola? Char. Pahiram kami walis, 'te."

"Hoy, walis daw."

"Pres, walis daw."

"Hawak ko?"

"Chics pre, oh."

"Peram daw ID, 'te, bago walis."

"Bilihin ko na lang, 'te, baka mawala ID ko. Hindi katiwa-tiwala mukha mo. Charot, wait lang." Humarap siya sa dalawa niyang kaibigan para manghiram ng ID. "Ito, akin na walis saka 'yung may hawak ng walis, ehe."

HS3: Bestfriend Rule No. 1Where stories live. Discover now