CHAPTER TWENTY-FIVE

7 2 0
                                    

"Hoy, tanga bumalik ka dito!"

Napailing na lang ako at sinimulang habulin si Jaylen. Tangina talagang lalaki na 'to, parati na lang akong iniiwan.

"Dalian mo, Lola! Mamaya nandiyan na 'yung matanda na 'yun." Tumawa ako at sinubukang habulin siya. Tarantado talaga kahit kailan. Paano kung marinig siya na tinatawag lang na matanda 'yung next prof namin? Though, matanda naman talaga siya.

Hindi namin alintana ang mga mata na tinitingnan kami habang tinatakbo namin ang daan papuntang classroom. Grabe, mga Education students pa man din kami tapos ganito kami umasta. Deserve.

Pagkapasok namin sa loob, tumingin naman kaagad sa'min ang mga tao do'n. 'Yung iba ay walang pakeng umiwas ng tingin habang ang iba naman ay malisyoso talaga kahit kailan. Umirap lang ako sa hangin saka pumunta sa upuan ko.

Magkatabi kami ni Jaylen ng upuan kaya nang tumabi siya sa'kin ay kinurot ko ang braso niya. Para 'yun sa pang-iiwan niya sa'kin kanina.

"Aray ko!" Nagawa niya pang tawanan ako pagkatapos no'n.

Si Jaylen ang anak ng may-ari ng tinutuluyan ko ngayon kaya lagi kaming magkasama. Plus the fact na pareho pa kami ng course at classroom. Ewan ko ba dito. Dati naman naghahatid lang siya ng pagkain sa unit ko tapos nagising na lang ako isang araw, palagi na siyang nakadikit sa'kin.

Simula nang dumating ako sa Maynila, naghanap na kaagad ako ng puwedeng tirahan at mabuti na lang mabait ang nanay ni Jaylen kaya hindi ako nahirapan.

Akala ko nga snob 'tong hayop na 'to dahil sa nakaka-intimidate 'yung medyo may kahabaan niyang bago saka makapal niyang kilay. Kaso makapal rin pala ang mukha niya, walang hiya.

"Malungkot ka pa rin ba?" Napatingin ako sa kaniya nang bumulong ito. Tiningnan pa nito saglit ang guro sa harap bago bumalik ang mata sa'kin.

"Ayos lang." Natanggal kasi ako kanina sa trabaho. Nag-cost cutting kasi 'yung bakery na pinagt-trabahuhan ko and since ako lang ang working-student do'n, ako na lang ang pinili nilang tanggalin.

Nakakainis at nakakapanghinayang. Ginawa ko naman ang best ko para hindi matanggal pero dahil lang hati ang oras ko, tatanggalin na ako? Pero naiintindihan ko din naman kaya hindi ko na pinalaki pa. Ang kaso, saan ako hahanap ng bagong trabaho para may pambayad ako sa upa ko? At sa pagkain ko at baon? Maghahanap na lang siguro ako. May ipon pa naman ako kaya kaya pa 'yan.

"'Wag kang mag-alala, tutulungan kita maghanap ng trabaho mo. Marami akong koneksyon." Nginisian niya pa ako kaya umirap lang ako sa kaniya "'Wag ka ng malungkot. Sayang ganda mo."

"Wala akong piso, Jaylen, tantanan mo 'ko." Tinawanan niya lang ako at muling bumalik sa pakikinig sa guro namin.

Sa ilang taon na pananatili dito sa Manila, unti-unti na rin akong nasasanay. Ang hirap no'ng nagsisimula pa lang ako kasi hindi ako sanay na iasa sa sarili ang lahat, pati pagkain ko. Wala rin masyadong tumatanggap sa'kin na trabaho kasi ang bata ko pa daw. Nakakainis.

Kinailangan ko pang huminto ng isang taon sa pag-aaral no'n kasi nahirapan din ako maghanap ng scholarship pero buti na lang may nahanap din ako sa susunod na taon kaya naka-pasok ako.

Aaminin kong may mga oras na iniisip kong sumuko na lang sa lahat dahil sa totoo lang, malayong-malayo ang independence sa totoong buhay kesa sa mga nababasa ko sa aklat. Para kasing ang dali kung i-describe nila ang buhay do'n.

"Hoy, akin 'yan, ang kapal talaga ng mukha mo!"

Ang tanginang Jaylen, kung hindi nang-iiwan, nang-aagaw naman ng pagkain. Sarap ipadamba sa elepante ampota. Pasakmal ko siya sa tigre, 'e.

HS3: Bestfriend Rule No. 1Where stories live. Discover now