CHAPTER TWENTY-EIGHT

6 2 0
                                    

"Kailan ka ba libre?"

Gustong-gusto ko nang irapan si Reese sa harapan ko dahil ang kulit-kulit niya. Mabuti na lang at walang masyadong customer kaya walang naaabala. Pinaglalaruan niya ang kamay niyang nasa estante habang pinipilit akong magsalita.

"Sinabi ko na sa'yo, hindi ko alam." Tumingin ako sa baba nang makitang nahulog 'yung isang plastic kaya kinuha ko 'yun. "Marami akong ginagawa sa buhay ko."

Bumuntong-hininga siya pero wala sa mukha niya ang pagsuko. Napatingin naman ako kay Jaylen na noon ay tahimik lang din habang naghihintay ng dadating na tao. Binigyan niya pa ako ng maliit na ngiti out of nowhere.

"Hihintayin na lang kita."

Sabado naman ngayon kaya balak kong mag-full time, so bale, ang time lang na maio-offer ko sa kaniya ay lunchtime. Bakit ba kasi 'to yaya nang yaya lumabas? Wala ba siyang kaibigan? Wala ba siyang pasok?

Dapat busy siya, ah!

Dahil nga sinabi ni Jaylen na hindi siya makakasabay ngayong tanghalian sa'kin, napilitan akong sumama kay Reese. Kung kailan naman kailangan ko ng tulong ni Jaylen, saka pa ako iniwan sa kumag na 'to.

"Puntahan mo na. Kanina pa siya naghihintay diyan, oh. Hindi ka ba naaawa?"

Basta na lang umikot ang mata ko nang maalala ang sinabi ni Jaylen. Hindi ko naman sinabi na hintayin niya 'ko diyan buong umaga, ah! Bakit ako maaawa? Choice niya 'yan, maawa siya sa sarili niya.

Nasa loob ako ng sasakyan ni Reese habang tinatahak namin ang daan papunta sa isang kainan. Sure akong iba na naman ang kakainan na 'to. Galante na ang gago, kung saan-saan na lang kumakain.

This time, sinigurado ko na na may pambayad ako ng sarili kong pagkain. Lagi na lang niya akong nililibre, which is somehow reasonable dahil lagi niya din akong ginugulo.

Pero ayoko namang magmukhang walang pera kaya ngayong tanghali, sisiguraduhin ko nang ako ang magbabayad ng pagkain ko. Duh, hindi ako naghihirap 'no! Ganda ko lang.

"Sabi ko naman sa'yo, ako na magbabayad." Tiningnan ko siya pero ko pinansin ang sinabi niya. Nagpatuloy lang ako sa paglalaro sa baso na may tubig sa lamesa ko at pinapanood niya lang ang bawat kilos ko.

Medyo nakakaramdam ako ng ilang dahil sa tingin niya pero hindi ko ipinahalata sa kaniya. Ayoko namang maisip niya na ang laki ng epekto ng presensiya niya sa akin, kahit na totoo naman.

"May tanong ako do'n sa kaibigan mo." Umangat muli ang tingin ko sa kaniya nang magsalita siya. Bahagyang tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

Kailan pa 'to nagkaroon ng interes kay Jaylen?

"Sa tingin mo, posibleng magkagusto siya sa'yo?" Napatigil ako sa paglalaro nang itanong niya 'yun. Naramdaman ko nalang ang dahan-dahang pagkunot ng noo ko habang hindi makapaniwalang tiningnan siya.

Si Jaylen? Magkakagusto sa'kin?

Girl, no way! Magkaibigan lang kami no'n 'no! Para ko na nga siyang nakababatang kapatid, at sa tingin ko nama'y gano'n din siya. Never siya nagpakita ng interest sa'kin, like as in no, no. Sure, may time na nawe-weird-uhan ako sa kaniya at sa paraan niya ng pakikitungo sa'kin pero weirdo naman kasi talaga siya ever since.

"Paano mo naman nasabi?" tanong ko sa kaniya at tiningnan siya deretso sa mata.

"Instincts," simpleng sagot niya at nakipagtagisan ng tingin sa'kin.

"Malabo. Sa tingin ko nga'y may nililigawan na 'yun, 'e. Lagi kasing nakangiti." Inalala ko pa 'yung mga panahon na parang ang saya-saya niya lagi. Inspired ba, gan'on.

HS3: Bestfriend Rule No. 1Where stories live. Discover now