CHAPTER FOURTEEN

9 2 0
                                    

"Pero, 'di ba, nilagay mo 'to dito, tapos 'to, dito. Pa'no mo siya nakuha?"

Gulong-gulo na ako habang nagpapaturo kina Xia at Blake. Pakiramdam ko, tatakasan na ako ng utak ko anytime. Ang hirap intindihin ng lesson. Sana hindi na lang ako nag-aral.

Muli na naman nilang pinaliwanag sa'kin ang mga bagay-bagay. This time, siniguro ko nang nakikinig ako para naman hindi ako makakuha ng eglot mamaya sa test. Sinubukan ko ang formula na sinasabi nila at parang gusto ko na lang humimlay nang makuha ko ang tamang sagot.

"'Di ba, madali lang? Sabi ko sa'yo, 'e. Hindi ka lang talaga nakikinig sa'kin kaya gan'yan." Inirapan ko lang si Reese dahil sa sinabi niya.

"Hindi ka lang talaga magaling mag-explain," sagot ko. Hindi niya pinansin ang sinabi ko't basta na lang ako hinagisan ng Combi. "Bastos, oh. Sampalin mo nga, Xia."

Inubos na lang namin ang natitirang oras sa canteen. Syempre, ako na naman ang bida kasi ayaw nilang mag-talk. Masyado silang seryoso sa buhay. Panahon na para palitan sila bilang kaibigan.

Char.

"Hoy, tumigil nga kayo! Hindi na kayo nag-mature! Aray ko, tangina, sinong nagbato?"

Rinding-rindi na ako sa mga kaklase ko na nagbabatuhan ng papel. Parang sila lang ang tao sa classroom kung maglaro. Mga walang respeto sa kaklase.

"Si Mark ang nagsimula! Palibhasa, mayaman sa papel, wala namang utak!"

"Nagsalita ang hampaslupa na, wala pang utak."

Napapikit ako ng mariin nang tamaan ako ng papel sa ulo. Hinanap ko kaagad kung sino ang nagbato at parang gusto kong magwala nang makitang si Reese ang may gawa.

Mas lalo ko pang ikinainis ang nakangisi niyang mukha. Nalapirot ko tuloy ang papel na hawak ko saka ibinato sa kanya.

"Tangina talaga..." Napamura ako sa isip nang hindi naman siya ang tamaan. Si Blake ang tinamaan ko na noon ay payapang natutulog sa lamesa niya.

Nakita ko pa ang pagkunot ng noo niya saka nilibot ang paningin. Napahinga ako ng maluwag nang umiling lang siya at bumalik sa pagkakatulog. Sinamaan ko ng tingin si Reese na noon ay nakikipag-batuhan na sa iba pa naming kaklase.

Tsk. Immature, amputa.

Hindi ko na lang sila pinansin sa kaguluhang ginagawa nila. Hindi ko din tinangkang makisali dahil baka makasapak pa ako.

Natigil ang lahat nang dumating ang teacher. Kanya-kanya silang balik sa upuan na akala mo'y prim and proper na estudyante. Napangisi ako sa isipin.

"Lahat ng kasama sa kaguluhan kanina, tumayo." Ang malamig na boses ng aming guro ay mas lalong nagpatahimik sa classroom. "Walang tatayo? O gusto niyong lahat kayo patatayuin ko?"

"Hoy, tumayo na kayo. Madadamay pa kaming nananahimik lang dito, 'e."

"Ang plastik mo, Myka, isa ka naman sa mga nagsimula."

"Si George ang nagbato sa'kin! Gumanti lang ak-,"

"At least, nakisali ka din tapo-,"

"Sinong hindi gaganti kung binat-,"

"'E di sana nanahimik ka na lang-,"

"Uy, santo ka?"

"Tama na!"

Natahimik ang dalawang panig nang sumigaw si Ma'am. Umalis siya pagkaka-upo. Napahinga ako ng maluwag nang tumalikod siya.

Kapag ako nadamay dito, lagot talaga sa'kin si Reese.

HS3: Bestfriend Rule No. 1Where stories live. Discover now