Prologue

2.6K 32 16
  • Dedicated kay Erika Anne Pabalate
                                    

Sa PAG-IBIG, may mga taong nagmamahal, naghihintay, umaasa, nasasaktan at sinusubukang makalimot at ipagpatuloy ang buhay na nasimulan.

Isang bagay na nadarama ng tao. Isang bagay na hindi mo alam kung kailan darating. Hindi ito kayang diktahan lalo na ang pigilan. Isang bagay na maaring magpabago sa iyo. Sa iyong pagkatao. Sa iyong paniniwala. Hindi lahat ng tao ay swerte sa larangan ng pag-ibig. Meron taong pinagsakluban ng langit at lupa sa kamalasan. Hindi lahat ng love story ay merong "and they live happily ever after" sa huli.

Sabi nga nila "Love can wait." Kaya wagkang magmadali. Darating din yan.

Sa mundo ng pag-ibig dapat iniisip ng mabuti ang mga gagawin mong desisyon. Kung pipiliin mong maging matino ay baka maiwan ka. Kung pipiliin mo namang magpakatanga ay masasaktan ka. Kung matutunan mo, natin na maghintay malay mo ikaw pa ang magkaroon ng magandang love story. Wag tayong mainip sa love story natin, malay mo inaayos pa ng Diyos ang plot ng kwento ko. Kwento mo. Ayaw mo nun, ginagawa nyang perfect.

There's no such thing as perfect relationship. Ang alam kong meron ay yung mga babaeng tulad ko na kapag nagmahal ay ibinibigay ang lahat at ginagawa ang tama kahit na sa huli ay nasasaktan.

Ngunit bakit kaya kailangan pa nating masaktan kung tayo ay magmahal? Hindi ba ang salitang PAG-IBIG ay ibig sabihing magmahalan? Ewan. Hindi ko rin alam.

Ang tanging alam ko lang ay may mga bagay na kailangan nating bitawan para sa isang bagay na mas maganda. Bagay na maaring dulot ay kalungkutan ngunit maaring bagong kasiyahan. Isang bagay na mahalaga ngunit hindi na pwedi. Bagay na kailangang ipaubaya para sa ikakabuti din ng taong mahal mo.

Ngunit tulad din sa mga fairytale at mga librong aking nabasa ay umaasa parin ako na may 'Happy Ending'. Hindi man ngayon ay siguro bukas, sa makalawa, sa isang buwan, sa isang taon o sa susunod na taon ay makilala ko ang taong magbibigay sa akin ng happy ending.

Ako nga pala si Erika Anne Pabalate. Isang simpleng babae. Magaling pagdating sa Akademiks. Babaeng matapang, palaban at walang kinatatakotan at galit ako sa mga lalaki. Bakit? Siguro dahil narin sa NO BOYFRIEND SINCE BIRTH. In short, NBSB. Walang karanasan sa pag-ibig. Babaeng birhen pa ang labi. Galit ako sa mga lalaki dahil tingin ko na sa edad kong ito ay wala pang seryosong lalaki. Minsan narin akong nagtapat ng nararamdaman  ko sa isang lalaki na akala kong pareho kami ng nararamdaman. Pareho ang sinasabi ng aming damdamin.

Umamin ako sa kanya na mahal ko sya. Pero ang ginawa lang nya ay pinahiya at pinagtawanan lang ako. Masakit. Feeling ko na busted ako na parang ganun na nga. Kaya simula nun, na wala yung pagkagusto ko sa mga lalaki. Naging man hater ako.

But it's all change when I met this guy. The guy who change me at  nagpawala sa pagiging man hater ko. Nang makilala ko sya, ang lalaking una kung tunay na minahal. Ewan ko ba, kung bakit ako biglang lumambot. Binago ako ng pagmamahal ko sa kanya. Ang dating babaeng walang kinatakotan, ngayon ay takot na mawala sya at naging iyakin.

Nakilala ko sya lagpas isang taon na ang nakalipas. Ngunit tanda ko pa at hinding hindi ko makakalimutan ang sakit na idinulot nito sa akin. Akala ko kakayanin ko ng iwan nya ako. Akala ko na makakalimutan ko din sya. Iniisip ko nalang na siguro ay bata pa kami. Siguro hindi kami ang itinadhana. Iniisip ko na hindi siya ang lalaking para talaga sa akin. Ngunit para bang nagkamali ako. Sinayang ko ang pagkakataon. Oras at panahon. Para paniwalaan ang sarili ko. Nagpadala ako sa aking damdamin. Ngayong wala na sya. Paano ko ibabalik ang lahat kung huli na ito? Hindi ko alam kung mahal pa nya ako. Ang lalaking minsan kong pinangarap na sana sya na ang una't huli. Ngayon ay nagharap sa akin ng matinding kalungkotan.

Hanggang ngayon ay napapaluha parin ako sa tuwing naiisip ko na kasalanan ko kung bakit kami nagkahiwalay. Kung bakit nya ako iniwan. Kung bakit ako nasasaktan ngayon. Lumuluha at umaasang mahal parin nya ako. Tulad ng pagmamahal ko sa kanya na hindi parin nagbabago.

Bakit Ba Minamahal Kita?

Bakit Ba Minamahal Kita? (*COMPLETED*)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon