Chapter 12

281 9 4
                                    

Nagbalik siya. Sa hindi ko inaasahang pagkakataon. Nayakap muli at nakausap. Nagkasama. Naging okey at ngayon ay bumalik sa dati. Sa pagiging magkaibigan.

Si Adrian. Ang lalaking kay tagal kong hinintay ngunit dumating kung kailan na ako sumuko. Ngunit siguro ay tama lang dahil sa ngayon ay pareho na kaming may kanya kanyang taong minamahal. Ngunit bakit ganun siya magbitiw ng mga salita? Anong ibig niyang sabihin sa kanyang kinikilos at sinasabi?

Sa kanya ring pagbalik ay nabuo muli ang aming barkada. Muling nagsama na buo at kumpleto. Nagsaya. Na para bang bumalik sa dati. Ang dalawang linggong sembreak ko ay naging masaya at sulit.

Pasokan na naman at tapos na ang maliligayang araw naming mga estudyante. Balik eskwela na naman. Balik na naman kina ballpen, papel at libro. Ayan na naman si exam at mga nakakatakot na mga prof. Ganyan talaga. Estudyante e.

Pagkarating namin ni Josh sa unibersidad ay nauna siyang bumaba para pagbuksan ako ng pinto. Pagkababa ko ay kinuha na ni Josh ang bag niya sa loob at ng maisara ang pinto ng kotse ay nagpaalam na siya sa akin dahil pupuntahan pa niya ang kanyang coach.

"Baby, sige kita nalang tayo mamaya." Ang sabi ni josh at humalik siya sa pisngi ko tsaka umalis. Kumaway ako sa kanya habang naglalakad suya papalayo na nakatingin parin sa akin.

Nang hindi ko na siya makita ay nagsimula na akong maglakad. Nang may matanaw akong isang pamilyar na itsura na nakatayo sa hindi kalayuan na may kausap sa kanyang celfon. May pagkagulat ngunit may pagkatuwa rin akong naramdaman. Agad akong tumakbo para puntahan siya. Nang patawid na sana ako ay napahinto ako ng may  dumaang truck. Nang makalagpas na ito ay muli ko siyang tiningnan ngunit ngayon ay wala na ang kaninang taong nakita ko. Siguro nga ay namalik mata lamang ako. Kaya hindi ko nalang iyon inisip pa.

Dumeretso na ako sa klase ko at nakita ko sina Jovina at Jaiah na nagkukwentuhan. Masayang sinalubong ako at nakipagkwentuhan na rin sa kanila habang wala pa yung prof namin.

Lumabas kami ni Jaiah para mag-cr. Kaya ng maalala ko ang nakita ko kanina ay natanong ko siya.

"Jai, bumalik na ba si Adrian sa State?" Tanong ko habang nag-aayos siya sa harapan ng salamin.

"Abay ewan. " Sagot niya habang naglalagay ng pulang lipstick sa labi niya. "At bakit mo tinatanong? " Bigla siyang humarap sa akin na napataas ang kilay.

"Ahm. Wala. " Sabi ko at naunang  lumabas  ng cr.

"Oy teka lang. Hintay!" Ang sabi niya  na mabilis ding sumunod sa akin.

Nang uwian na ay sinalubong ako ni Joshua. Niyaya niya akong lumabas ng napaaga  ang uwi namin dahil sa unang araw ng klase. Sumama ako at tulad ng ginagawa namin ay kumain kami.

Dinala ako ni Joshua sa Ocean Park. Pagkatapos naming kumain ay pumasok na kami sa loob para makita ang iba't ibang isda na makikita mo sa ilalim ng dagat na makikita mo sa loob.

Nang makabili si Josh ng ticket ay pumasok na kami. Pagpasok ko palang ay namangha na ako sa makukulay na isda na nakita ko na nasa loob ng malalaking  aquarium. Mga kakaibang isda na sa palabas at sa mga larawan ko lang nakikita at napapanood na ngayon ay nasa harapan ko na.

"Baby, picture mo ako dito." Ang sabi ko. Sayang naman yung pagpunta namin kung wala akong remembrance. Pang status ko din sa facebook. May ipopost na rin ako sa instagram ko at may pang tweet na din ako sa twitter.

"Akin na." Inabot niya yung celfon ko tsaka kinuhaan ako ng litrato.

Pini-picturan ko siya kaso talagang ayaw niya. Hindi siya sanay. Pero pumapayag siya kapag kaming dalawa. Habang masaya kaming pinagmamasdan ang mga isda at iba't ibang hayop sa dagat tulad ng mga seahorse, jellyfish, shark at ewan ko kung ano pa ang tawag nung iba ay nagulat ako ng makita ko sila Dindi at Raymart. Are they dating?

Bakit Ba Minamahal Kita? (*COMPLETED*)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon