Wala na akong nagawa. Ilang sandali lang ay ibinaba na ako ng mga humawak sa akin sa sasakyan. Nanghina ako dahil sa pagwawala ko. Nagpupumiglas parin ako sa takot ng posibleng gawin nila sa akin.
Ipinaupo nila ako sa isang silya. Tahimik ang paligid. Bigla nalang kung anu-ano ang pumasok sa isipan ko na masamang pweding gawin nila sa akin. Kaya natakot ako at nagwawala. Pinigilan nila ako. Naramdaman ko nalang na may nagtanggal ng pagkagapos ko.
Napahinto ako. Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko. Tahimik ang paligid. Wala akong naririnig na ingay. Tinanggal ko ang blindfold ko. Nanlabo ang paningin ko. Ginusot ko ang mga mata ko at muling iminulat.
Nagulat ako. Bakit ako andito? Nagulat ako ng makitang nasa paboritong restaurant ako ni Joshua. Yung pinuntahan namin nung kumain kami noon. Walang tao. Wala akong nakitang ni isang tao. Bakit ? Naguguluhan ako. Nasaan ang mga tao dito? Palingon lingon ako pero wala akong makita.
Tumayo ako. Nang ihahakbang ko na sana ang isang paa ko ay napahinto ako ng biglang may tumugtog. Napalingon ako at nakita ko si...
Si Joshua.
" Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling,
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo
Ang awit ng aking puso
Sana'y mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin
Minamahal kita ng di mo alam
Huwag ka sanang magagalit
Tinamaan yata talaga ang aking puso
Na dati akala ko'y manhid "
Napahinto sya sa pagkanta ng makalapit sya sa akin. "Erika?" Napalingon ako sa likuran ko ng may tumawag sa akin. Nakita ko sina Jaiah, Jovina, si bestfriend at mga ka team mate ni Joshua sa basketball na nakangiting may hawak na tig isang letra.
" I F O U N D . . . "
I FOUND, ang salitang nabasa ko. Bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Joshua noon. "I think I found her." Ang sabi nya noon. Napangiti ako. Napalingon lingon at hinanap ko ang babae niya.
Napalingon ako muli kay Joshua at nagulat nalang ako ng makita syang nakaluhod at may hawak na salitang ' YOU. '
Ang sabi nya noon ay dadalhin nya ulet ako dito kapag nahanap nya ang perfect time para magtapat sa babaeng gusto nya. Nasaan na ang babaeng yun?
"I FOUND YOU, Erika Anne Pabalate." Ang sabi nya.
"Huh? A-ako? A-akala ko ba . . a a . Na-sa-sa.an sya?" Nabubulol kong sabi.
"Oo, Ikaw. Diba ang sabi ko noon na dadalhin ulet kita dito, sa lugar na ito kapag na hanap ko na ang perfect time?" Seryoso sya. "Erika, una palang kitang makita ay iba na ang nararamdaman ko." Biglang nagflashback sa isipan ko ang panahong una ko syang nakita sa may Starbucks ng mall na pinuntahan namin ni bestfriend nun, nung nagbanggaan kami at sa may caffeteria. "I tell myself na, Ikaw na. Ikaw na ang hinahanap ko. I found you. Kaya umasa ako na muli tayong magkita but it happen. Nagkita tayo ulet. I can't say that it was just an accident because if it was an accident bakit muli tayong pinagtagpo? Oo may aksidenteng nangyari but I taught it was just a destiny way para makalapit pa tayo. " Napaisip ako. Bakit? Bakit pareho kaming naniniwala sa destiny? Is he the one?
May kinuha sya sa bulsa nya. Isang box. "ERIKA, I love you. I mean it. Can you give me a chance to be your man?" Binuksan nya iyon at nakita ko ang isang singsing.
BINABASA MO ANG
Bakit Ba Minamahal Kita? (*COMPLETED*)
RomanceI hate waiting. But if waiting means being able to be with you, I'll wait for as long as forever just to be with you. . . . ║▌█│║▌║│█║▌║▌ All Rights Reserved ║▌█│║▌║│█║▌║▌ Copyright © 2013 - 2014 by Mart25