Chapter 5

504 13 2
  • Dedicated kay Dindi Gonzales
                                    

Naging mas malalim pa ang pagkakaibigan namin ni Joshua. Naging mas malapit pa kami at naging komportable sa isa't isa. Hindi ko alam kung bakit nya ginagawa na puntahan ako sa klase para magkasama kami kumain. Sinusundo pauwi at minsan ay lumalabas.

Masaya ako kapag kasama sya. Masaya ako na nakilala at naging kaibigan sya. Hindi na ako nahihiyang magkwento at magtanong din sa kanya na ganun din sya. Ewan. Pero magaan na ang loob ko at alam kong ligtas ako kapag andyan sya.

Nang dumating din sya ay mas lalo kong nakalimutan ang nakaraan. Hindi na ako nalulungkot at napapaisip sa mga bagay na tapos na. Masaya na ako ngayon. Sumaya ako ng dumating si Joshua sa buhay ko na naging kaibigan.

"Erika?"

Napalingon ako ng may marinig akong tumawag sa pangalan ko. Pagkalingon ko ay nakita ko si Joshua na nakangiting papalapit sa akin.

"Kumain kana ba?" Tanong nya at nagulat nalang ako ng kunin nya sa akin ang mga dala kong libro.

"Ako na." Tanggi ko ng kunin nya ngunit nagpumilit sya. "Sa bahay nalang siguro ako kakain."

"Let's go." Ngumiti syang tumingin sa akin. Ewan. Pero napapangiti din ako kapag nginitian nya ako. He has a different smile. Ngiti palang nya, nawawala na ang stress ko.

"Huh Sa-san?" Nagulat nalang ako ng hawakan nya ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya, sa kamay ko na hawak nya habang hawak nya ako na hindi ko alam kung saan nya ako dadalhin.

Umiba kami ng daan ni Joshua. Hindi na papunta sa parking lot. Tumawid kami sa kalsada. Tahimik lang sya at nakasunod lang ako. Napahinto nalang kami sa tapat ng isang restaurant.

Pumasok kami at pinaupo nya ako. May waiter na lumapit sa amin at binigyan kami ng Menu. Nilagyan din kami ng tig isang basong tubig.

"Bakit tayo dito? Pwedi naman sa iba." Tanong ko. Mukhang mamahalin kasi. Wala akong perang pambayad. Na-advance ko na ang sahod ko.

"Cause this is different among others." Sabi nya habang nakatingin sa menu. "Ano sayo?"

"Huh? Hnmm. Ikaw na bahala." At inilapag ko sa mesa yung menu. "Bakit? Anong meron dito? Anong pinagkaiba nito sa iba?"

Napatingin sya sa akin. "Cause, it became my favorite place when I found my taste of food in this restaurant."

"Favorite?"

Tinawag nya yung waiter. "Yes sir, what's your order sir?" Tanong ng waiter.

"Dalawa dito." Turo nya sa may menu. "Drinks mo?" Napatingin sya sa akin.

"Huh? Ahm. Sige, ice tea nalang." Sabi ko at umalis na yung waiter.

"Oh by the way. Ano nga ulet yung tanong mo?"

"Ahmm. Ilang babae na ang nadala mo dito?" Naitanong ko sa kanya. Bigla nalang syang napangiti. "Why?"

Napalingon lingon sya sabay ngiti."Isa and now, Ikaw. " Huh? Ako?

"Sino?" Naintriga ako. Siguro dating girlfriend nya. Bakit kaya sila nagkahiwalay?

"My grandma." Napaisip ako. Lola? Akala ko girlfriend nya. "Only special person I brought here."

"Girlfriends mo?"

"I don't have yet a girlfriend."

"Huh? Di nga?" Hindi ako makapaniwala. Sa itsura nya, sigurado akong madaming umaaligid na mga babae sa kanya.

"Yes. I'm serious."

"Sa itsura mo? For sure.. babae pa ang nanligaw sayo." Sabi ko na hindi makapaniwala.

Bakit Ba Minamahal Kita? (*COMPLETED*)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon