Chapter 23

190 5 2
                                    

-Erika POV-

Masaya akong gumising. Napapangiti habang tinitingnan ang picture frame na may larawan namin ni Josh ngunit ang saya't ngiting iyon ay agad ding binawi na napalitan ng lungkot at luha ng maalala ko ang nangyari kagabi. Hindi ko inaasahang magawa sa akin ni Josh iyon dahil lubos na pinagkakatiwalaan ko siya. Ang akala ko na hindi siya kagaya ng iba ay nagkamali ako. Ang tanga tanga ko. Masyado ko siyang minahal at pinagkatiwalaan ng lubos. Grrr!

Pare pareho lang sila. Kahit na gusto ko mang kausapin siya at piliting intindihin ang paliwanag niya dahil mahal na mahal ko siya ngunit hindi na pwedi. Para saan pa? Ayoko namang maging dahilan na mawalan ng ama ang anak niya. Baka hindi ko naman kakayanin iyon dahil nasanay ako na may kompletong pamilya.

Ewan, kung bakit. Pero imbes na magalit ako sa kanya e, gusto ko parin siyang makita't makasama. Siguro dahil mahal ko lang siya at gayundin din ay puro pagmamahal ang nadarama ko at ipinapakita niya sa loob ng ilang buwan namin. Ewan, bakit. Pero naguguluhan ako.

Napayakap nalang ako sa unan ko na lumuluha. Tulad ng nangyari sa akin dati, hindi ko alam kung kakayanin ko ulet ito. Hindi ko alam kung makakabangon pa ako ulet. Minsan ng nangyari ito pero ngayon umulit sa taong inaakala kong siya na. Na handa na akong papakasalan siya. Siya na ang lalaking mamahalin at makakasama ko habambuhay. Hahaist!

"Anak, kumusta na?" May pag-alalang tanong ni mama ng pumasok siya sa kwarto ko at umupo sa tabi ko tsaka niyakap niya ako.

"Tahan na anak! Ganyan talaga ang buhay. Ang akala nating, siya na ayun pala'y hindi pa. I know that God has purpose on it. Siguro hindi pa dumating ang para sa'yo or we can say their's someone for you at hindi siya iyon. Tahan na! Makakaya mo rin ito. Kung dati nga, kinaya mo, ito pa kaya."

"Ma, hindi ko alam kung kakayanin ko pa ulet. Ma, ang sakit sakit!"

"Kaya mo yan, alam ko. Nagawa mo nga dati diba? Kaya sisiw nalang sayo ito. Nalaman narin ng papa mo ang nangyari at galit na galit siya."

"Ma, hindi ko kayang mawala siya."

"Ipaglaban mo."

"Pero . . ."

"Pero paano yung bata? Oo, kawawa yung bata. Wala naman siyang kasalanan sa ginawa ng mga magulang niya pero may ibang paraan naman ata na pweding gawin na hindi kayo maghiwalay ni Josh."

"Hindi ka galit kay Josh?" Tanong ko.

"Nung narinig ko sayo kagabi iyon, oo nagalit ako. Pinagsisihan kong binigay yung approval ko para magproposed siya sayo. Pero naisip ko din naman na wala namang masamang pinakita sa amin si Josh. E ambilis nga namin siyang nakasundo diba. Tsaka kong ako tatanongin ay gusto ko siya narin para sayo. Mabuting bata si Josh kaya alam ko na may dahilan ang lahat kong bakit niya nagawa iyon sa iyo."

"Kaso ma, baka hindi ko rin naman kakayanin iyon. Hindi ko rin alam, kung makakaya ko ring makasama siya habang may nasasaktan."

"E kung ganun. Gawin mo ang tama. Alam kong masakit pero yun ang tama. Sundin mo ito at ito." Turo ni mama sa isip at puso ko. "Pagsabayin mo, makakabuo ka ng tamang desisyon."

"Ewan! Ewan ko ma , kung ano ang tama!" Napahagulhol nalang ako ng iyak at niyakap si mama.

Pero ayoko nang magtago at magmukmok sa kwartong ito dahil lalo lang akong nasasaktan at nalulungkot sa tuwing naiisip ko iyon. Ituloy ang buhay kahit na magulo at problemado. Kaya tumayo na ako, naligo, nag ayos ng sarili at pilit na kumain kahit walang gana.

"Ate, si ate Angie andito." Sigaw ni Ariel at nakita ko si bestfriend. Nakwento ko na rin kasi sa kanya kagabi ang lahat ng nangyari ng tinawagan ko siya dahil gusto ko lang may mapaglabasan ng sama ng loob.

Bakit Ba Minamahal Kita? (*COMPLETED*)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon