"Ms., is this yours? Naiwan mo ata sa table nyo." Napatingin ako sa isang kamay na may inaabot sa akin na panyo. Nang biglang may nagflashback na pangyayari sa isipan ko.
Uwian na nun at kaya naman ay naisipan kong dumaan muna sa locker ko para iwan yung ibang gamit ko. Nagpasama ako kay bestfriend pero iniwan din nya ako dahil nag cr sya.
Pagkabukas ko ng locker ko ay napatili nalang ako at napalundag lundag sa takot ng tumalon sa mukha ko ang isang maliit na palaka na galing sa loob ng locker ko. I hate frogs. Damn.
Halos mangiyak ngiyak na ako. Napahinto nalang ako ng may marinig akong tawanan sa likuran ko. Nang tingnan ko ay nakita ko sina Adrian kasama ang mga alalay nya at ilang mga estudyante na pinagtatawanan ako.
Alam ko na sila ang may kagagawan nun. Kaya gusto ko sana silang lapitan at pagsasampalin sa ginawa nila sa akin. Ngunit imbes na yun ang ginawa ko ay tumalikod nalang ako at patakbong umiyak. Nakasalubong ko si bestfriend at tinanong kung ano ang nangyari pero hindi ko na sya pinansin at nagpatuloy nalang ako sa pagtatakbo.
Napahinto ako ng makarating ako sa Garden. Napaupo nalang ako at umiyak. I hate frogs. At galit ako sa gumawa nun dahil pinahiya din nila ako sa ibang mga estudyante. Yung galit at inis ko ay iniyak ko nalang.
Ilang minuto din ng aking pag-iyak ay naramdaman ko nalang na may taong nakatayo sa harapan ko. Napaangat ako ng ulo. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kung maiinis ako o ano. Nang makita ko si Adrian na nakatayo sa harapan ko at inaabotan ako ng panyo.
"Sorry. Kunin muna to." Ang narinig ko sa kanya. Tinitingnan ko lang sya. "Malinis yan, wagkang mag-alala. Walang palaka yan o kung ano man." Dugtong nya.
Inabot ko ang panyo at pinunasan ang luha ko. Naramdaman ko nalang na umupo sya sa tabi ko.
"Sorry. Naiinis lang kasi ako sa ginawa mo kanina. Kaya gumanti lang ako." Hindi ako nagsalita, tahimik lang akong nakikinig sa kanya.
"Nagulat ako ng umiyak ka. Akala ko kasi, hindi ikaw ang ganung tipong babae. I hate girls crying, kaya nasaktan ako sa ginawa ko kaya sinundan kita. I'm asking an apology. Sorry. Sabihin mo lang kung paano ako makabawi sayo."
Ilang minuto rin syang hindi na nagsalita ng wala syang narinig na sagot ko ay tumayo na sya at naglakad. "Teka." Pigil ko.
Napalingon sya sa akin. "Sorry din." Ang sabi ko. Ngumiti sya bago tuluyang umalis.
Matapos ang pangyayaring yun ay nagbago ang lahat. Lage akong kinakamusta ni Adrian kapag nagkikita kami. Minsan pa ay umuupo din sya kasama ang mga alalay nya sa pwesto namin ng chicka girls ko kapag nakita nila kami sa canteen. Pinakilala narin nya sa amin ang mga kaibigan nya ganun din ako. Ilang araw pa ay mas lalo pa kaming naging okey at naging malapit sa isat isa. Hanggang sa umabot na naging okey na sa akin, kami ng mga kaibigan ko na kasama sila sa amin kahit na napapansin naming naiinis sa amin ang ilang mga babae. Na minsan pa ay nagpagsabihan kami ng hindi magandang salita.
Ang araw ay naging linggo, hanggang sa naging buwan. Mas lalo pa kaming naging malapit sa bawat isa. Lumalabas minsan na magkasama at laging kasabay sa pag-uwi. Kaya nagulat nalang ako ng malaman kong may namumuo na palang pag-iibigan sa iba. Hanggang sa nabalitaan ko nalang kay bestfriend na niligawan na sya ni Jethro na kalaunan ay sinagot din nya. Sumunod din sa kanila sila Jaiah at Wayne na naging magkarelasyon.
**
"Ms, are you okey?" Nagising ako sa pag-iisip ng magsalita sya. Napatingin ako sa kanya. Sa itsura nya. Adrian? Totoo ba to? Pinikit ko ang mga mata ko at tiningnan sya ulet. Hindi pala.
BINABASA MO ANG
Bakit Ba Minamahal Kita? (*COMPLETED*)
RomanceI hate waiting. But if waiting means being able to be with you, I'll wait for as long as forever just to be with you. . . . ║▌█│║▌║│█║▌║▌ All Rights Reserved ║▌█│║▌║│█║▌║▌ Copyright © 2013 - 2014 by Mart25