Chapter 20

185 6 3
                                    

Masaya at nakangiti akong umalis sa bahay nila Erika ngunit ang saya at ngiting iyon ay mabilis na inagaw ng maalala ko ang kaninang aking pinoproblema. Naging madiin ang paghawak ko sa manobela.

Paano kung malaman niya? Tatanggapin parin kaya niya ako? Mapapatawad pa kaya niya ako sa ginawa ko? Matutuloy pa kaya ang kasal na ito? Gusto ko! Pero paano kung malaman niya? Paano na ako?

Napahinto nalang ako sa tabi ng kalsada at napahampas sa manobela ng maalala ko ang bunga ng ginawa kong kasalanan. Ang gago ko. Napakagago.

*FlashBack*

Habang masaya kaming namamasyal ni Erika ay biglang nagring ang phone ko. Pagkabukas ko ay nakita kong tumatawag si Ramona nagtaka ako kung bakit pero hindi ko nalang pinansin at sinabing wala lang yun dahil kasama ko siya.

Pagkatapos ko maihatid si Erika sa bahay nila ay kinuha ko yung phone ko at nakita kong puro kay Ramona ang mga text na iyon na gustong makipagkita sa akin. Nagtaka ako kung bakit kaya agad ko siyang tinawagan. Nang sagotin niya iyon ay narinig kong umiiyak siya at sinabing.

"Josh, may problema tayo. Kaya kailangan nating magkita at mag-usap." Sabi niya na nasa kabilang linya.

"Bakit?" Pagtataka kong tanong.

"Basta, magkita tayo please! Hihintayin kita sa restaurant nyo at hindi ako aalis dun hanggat dika darating." Ang sabi niya at binabaan ako. Kaya napaisip ako at nakaramdam ng kaba, matagal ko na siyang iniiwasan at hindi kinokontak matapos ang nangyari sa amin at nagulat nalang ako ng tumawag siya kaya dahil naisip kong baka nga may mahalaga siyang sasabihin at totohanin niyang hindi siya aalis dun ay dumiretso na ako kahit gabi na.

Pagkadating ko at pagpasok ko ng restauran ay nakita ko siyang nakatikod kaya nilapitan ko siya.

"Bakit? Anong kailangan mo?" Tanong ko.

"May dapat kang malaman!" Seryoso siya.

"Ano?"

"Josh, nagbunga ang ginawa natin. Buntis ako." Deretsahang sabi niya na ikinagulat ko ang mga narinig sa kanya na halos bumagsak ako sa kinatatayuan ko at narinig ko nalang ang paghagulhol niya iyak.

"I'm pregnant! Nalaman ko lang kanina ng magpatingin ako sa doktor dahil sa masama kong pakiramdam ng mga nakaraang araw. At hindi ko alam kung ano ang gagawin ng mga magulang ko kapag malaman nila ito."

"Hindi pwedi to! Alam mo namang mahal ko si Erika." Sigaw ko.

"Josh, daddy kana at ayokong walang maging ama ang anak mo."

"Pe-pero , may magagawa pa naman tayong paraan diba? Ipapalaglag natin, para walang problema at maging maayos na ulet ang lahat." Ang sabi ko na halos lumuhod na nagmamakaawa sa kanya.

"Josh!" Madiin niyang sabi. "Ganito ako, pero hindi ako kasing sama tulad ng iniisip mo. Parehas tayong nag enjoy ng ginawa natin to pero ngayon, gusto mo ipalaglag ko ang bata? For what? Natatakot ka? Duwag ka pala! Sana inisip mo muna bago ginawa yun. Kaya kung ayaw mo, so diba gusto mo ipalaglag ko ang bata? Ayaw mo? Pwes, magsama kaming dalawa. Magpapakamatay na rin ako." Bigla nalang siyang tumayo at iniwan ako. Nagulat ako sa sinabi niyang iyon. Hindi ako makapagsalita. Nanlamig ang buong katawan ko.

Paano kung gagagawin niya? Baka hindi rin ako papatahimikin ng konsensya ko. Kaya sinundan ko siya at dahil sa takot ko kaya napapayag ako at sinamahan ko siyang umuwi sa kanila at pinaalam namin iyon sa mga magulang niya na ikinabigla din nila.

Ang dad niya ay isang sundalo kaya bigla akong nakaramdam ng takot ng magalit siya. Kailangan ko daw panagutan ko ang ginawa ko. Kaya naguguluhan akong umuwi ng bahay at dahil sa takot kong posibleng reaksyon ng mga magulang ko ay hindi ko muna sinabi.

Bakit Ba Minamahal Kita? (*COMPLETED*)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon