Chapter 21

168 4 2
                                    

-Erika POV-

Ang ganda ng gising ko sa umagang ito habang inaalala ang nangyari kagabi at pinagmamasdan ang singsing na nasa daliri ko. "Mrs. Erika Anne Pabalate Tagalog. " Kinikilig ako habang iniisip iyon na malapit na akong maging Mrs. Tagalog. Hindi parin ako makapaniwala sa ginawa ni Josh. Mabilis man pero masaya ako na ang gusto ko na sana siya na ay malapit ng matupad.

Sinagot ko siya hindi dahil gusto ko. Oo mabilis. Naisip ko din yun. Pero bakit naman ako tatanggi kahit na alam kong ilang buwan palang kami kung sigurado ako sa nararamdaman ko sa kanya na mahal ko siya. Mabilis. Ngunit sa tingin ko ay si Joshua na ang para sa akin at napatunayan na niya iyon ng ilang beses kahit sa sandaling panahon.

Bakit naman ako tatanggi kung pati mga magulang ko ay boto sa kanya. Mahal ko si Josh at alam ko, ramdam ko na mahal din niya ako.

Kaya masaya akong nag-ayos ng sarili at kumain pero tulad kahapon ay hindi nagtext si Josh at hindi na naman ako sinundo ngayon kaya mas minabuti ko nalang sumabay kay papa at nagpahatid sa school.

"Talaga?" Ang sigaw nina Jovina, Jaiah at bestfriend Angielyn na hindi makapaniwala ng kweninto ko yung nangyari. Kaya pinakita ko yung singsing na binigay ni Josh sa akin kagabi.

"Sabi ko naman kasi sayo girl, may pinaplano yun kahapon. Ayiieh! Magiging Mrs. Tagalog kana." Ang kinikilig na sabi sa akin ni Jaiah.

"Basta best ah, dont forget na ako yung maid of honor sa kasal mo. Hehe." Ang sabi ni besfriend.

"Oo naman best. Basta kayo, lahat kayo mga friends ko kasama sa abay. Basta, tsaka na kapag masisimulan na namin ni Josh ang plano. " Nakangiting sabi ko.

"Asahan ko yan ah! Walang bawian!" Sagot naman ni bestfriend. Gusto din nila na sana balang araw, ikakasal din sila sa lalaking mahal nila.

"Pero ang bilis namn ata girl. Sigurado kana bang handa kanang magpakasal? 2 months palang kayo magpapakasal kana? Hindi kaba nahihiwagaan sa ginawa ni Josh?" Sabi ni Jovina na napaisip ako.

Saglit kaming natahimik. Nag-isip. "Ang nega mo girl. Engage palang sila. Pwedi naman next year o sa pagkagraduate na nila sila magpapakasal. Pwedi pa ngang hindi matuloy." Sagot ni Jai.

"Ah basta. I smell something fishy." Sabi naman ni Jov na naunang tumayo at iniwan kami. Tumayo narin kami at sumunod sa kanya.

Sa klase ay hindi ako makapagpokus sa pag-aaral ko. Iniisip ko parin ang sinabi ni Jovina kanina. Naguguluhan ako. May point siya. Ewan. Hanggang sa mag-uwian na kami.

"Ka, sige mauna na kami. byebye!" Ang paalam sa akin nina Jaiah at Jovina para umuwi na dahil dumating na ang kanilang mga sundo. Ang boyfriend ni Jaiah na si Wayne at ang manliligaw ni Jovina na si Kenneth.

"Sige, ingat kayo!" Ang sabi ko pagkatapos makipagbeso sa kanila.

"Sige, ikaw din! bye!"

Nang makaalis sila ay hindi na muna ako umalis at naghintay kay Josh sa lugar ng hintayan namin. Sa park na ito. Natawagan ko na siya ngunit hindi niya sinasagot ang tawag ko maging mga text ko kaya inisip ko nalang na baka may ginagawa lang. Kaya hihintayin ko nalang siya dito, baka sakaling dumating dahil maaga pa naman.

Pinagmamasdan ko nalang ang mga estudyanteng masayang nagkukwentuhan habang naglalakad at gayundin ang ilang mga couples na naglalambing. Meron ding ilang mga estudyanteng natanaw ko sa hindi kalayuan na naglalaro at sigurado ako na hindi iyon mga atleta.

"Sino to?" Nagulat ako ng wala akong makita ng may biglang tumakip sa aking mga mata.

"Josh?" Napangiti ako ng maisip si baby iyon.

Bakit Ba Minamahal Kita? (*COMPLETED*)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon