~
Nagising akong masakit ang ulo. Nakatulalang nakatingin sa may kisame. Umaga na pala? Ano ba nangyari kagabi? Napalingon ako sa may bintana. Napansin kong umuulan sa labas. Kaya naman pala napasarap ang tulog ko. Nakakatamad tuloy tumayo. Anong araw ba ngayon? Napansin ko na lang na pumasok si mama sa kwarto ko na may dalang mga damit ko.
"Good Morning ma!" Ang magandang bati ko sa kanya na naghihitad sa kama habang nilalagay niya sa cabinet ko yung mga nilabhan kong mga damit.
"Masaya ka ata ngayon anak? Wala ba kayong pasok?" Nakangising tanong ni mama.
Huh? Napaisip ako. Anong araw ba ngayon? Anong oras na ba? Nasaan ba yung phone ko? Mabilis kong hinagilap ang phone ko.
"Anong araw ba ngayon ma?" Tanong ko ng hindi ko makita yung celfon ko.
"Lunes! Bakit may lakad ka? Umuulan." Para bang nabuhayan ako sa narinig ko.
O.O
" Wha..............the ? "
Lunes? Seryoso? Hindi ba quiz namin sa Lab class? Shit. Anong oras naba? Tsk.
"Bakit anak? May pasok kaba?"
"Oo ma, anong oras na ba ? " Ang natataranta kong sabi sabay tayo at ayos ng sarili.
"Oh,bakit hindi mo sinabi? Nang ginising sana kita. Alas onse na anak."Ang sabi ni mama ng tingnan yung relo niya. Nakabihis din si mama. May lakad ata. May date kaya sila ni papa? Ayiieh. Mga matatandan na, may date pang nalalaman. Haha. Pake ko ba? Pero gusto ko rin sana sa pagtanda ko tulad nila mama at papa. Na kahit matanda na. Tumatanda na. May oras parin sa isa't isa.
Pero teka. Seryoso yun? Napatingin ako sa alarm clock ko. Alas tres palang. Kaya naman pala hindi tumunog. Tsk. Late na ako sa 1st subject ko na 10:30 am. Ang kasunod ay 1:30 na. Kainis naman. Bakit ba kasi ngayon lang ako nagising? Kainis. Grr.
Kasi, ikaw kasi eh. Kaya di ako nakatulog kagabi dahil sa kakaisip sayo. Dahil sayo to. Bakit ba kasi, tagal ako nakatulog kagabi. Bwesiieeeeeeeeeeet naman oh! Kainis! Grrrrrrrr! Nagmamadali akong pumasok ng banyo.
Pero napalingon ulit ako. "Si Josh ma? Hindi ba dumaan?" Tanong ko kay mama.
"Hindi! Kaya nga akala ko, wala kayong pasok eh!" Napaisip ako.
"Ouch!" Napahilamos ako sa mukha ko. "Oh nga pala may laban sila mamayang alas 3:00 nagpaalam na pala sa akin yun kagabi kasi pinatawag sila ng coach nila!" Andami kong nakalimutan! What a fucking day! -.-
"May pasok ka pala, dimo sinabi!" Madiin na sabi ni mama." Sa next subject ka nalang pumasok! Pagkatapos mo dyan, bumaba kana ng makakain kana." Ang sabi niya at lumabas na siya ng kwarto ko.
--____________________--
Mabilis na akong kumilos. Ilang minuto lang naligo at nag-ayos na ng sarili. Bumaba na ako at nagmamadaling nagpaalam kay mama at hinanap si papa para magpahatid na ako sa university.
"Ma, si papa?" Tanong ko pagkababa. Na nakita ko si mama na naglagay ng pinggan sa mesa.
"Nasa trabaho niya! Bakit?" Sagot niya.
"Ay! Oh nga pala!" Napasampal nalang ako sa mukha ko.
Ano ba nangyari sa akin? Bakit pati trabaho ni papa, nakalimutan ko? Diba sabi ko yung kagabi lang ayaw ko maalala, bakit pati to. Nakalimutan ko? Tsk.
"Wala po! Sige ma, alis na ako! anong oras na kasi." Ang paliwanag ko kay mama. Dagdag mo pa na hindi pa ko nakapagreview. Nakalimutan ko kasi. Sabi ko naman na maaga kami uuwi kagabi para makapag review kaso nakita namin sila. Kainis naman oh! Manghuhula nalang ng sagot mamaya, kung hindi mahulaan? Edi NGANGA!
BINABASA MO ANG
Bakit Ba Minamahal Kita? (*COMPLETED*)
RomanceI hate waiting. But if waiting means being able to be with you, I'll wait for as long as forever just to be with you. . . . ║▌█│║▌║│█║▌║▌ All Rights Reserved ║▌█│║▌║│█║▌║▌ Copyright © 2013 - 2014 by Mart25