Oras nalang at magsisimula na ang gabi ko. Nakaupo akong nakatingin sa salamin habang naghihintay. Pinagmamasdan ang sarili. Naririnig ko na sa labas ang ingay ng tugtog at ilang mga boses. Kaya bigla akong kinabahan.
Napaisip ako habang nakatingin sa salamin. Hindi ko inaakalang magngyayari ito. Dati lang ay pangarap ko lang to. Iniisip kong ano kaya ang mangyari sa debut ko. Pero ito na. Totoo na ito at hindi na ako nananaginip.
Sa pag-iisip ko ay naagaw ang atensyon ko ng may kumatok sa pinto. Binuksan iyon ng make up artist ko at nakita ko si bestfriend na nakangiting niyakap ako. Lumabas yung make up artist ko at iniwan kami.
"Best, this is it! Birthday muna best." Naluluha niyang sabi. "Wala pa nga e."Sabi niya na pinipigilan yung luha. Napangiti naman ako. "Basta masaya ako. Happy birthday my bestfriend."
Bumukas ang pinto kaya napalingon kami ni bestfriend at nakita namin si Ariel ang bunso kong kapatid. "Ate, magsisimula na daw. Ready kana daw." Sabi niya at isinara ulit yung pinto.
"Best, this is it. Sige lalabas na ako ah." Sabi ni bestfriend at nauna na siyang lumabas ng pinto. At ilan pang minutong paghihintay ay tumayo na ako at lumabas.
Pagkalabas ko ng pinto ay nakaabang na pala sa akin si Josh. Napangiti ako at gayun din siya. Niyakap ako at humalik sa pisngi ko tsaka ako binati.
.
.
"Please welcome our debutant for her 18th Birth Day.... MS ERIKA ANNE Pabalate and her escort Mr. Joshua Tagalog ."
"Let's give them a big hand of applause!" Ang pagwe-welcome sa akin ng emcee. Habang ito ako nakatayo, nakahawak sa braso ni Josh at pababa kami ng hagdanan. Na hindi makapaniwala sa nakita ko. Sa nangyayari ngayon na akala ko joke lang ang lahat, pero I'm here totoo nga. Gising ako. Hindi pala ito panaginip. Kaya Erika gumising ka.
Pagkababa ko ay nag-aabang na si papa sa akin na may dalang isang red rose. Niyakap ko siya ng mahigpit at sinabi niya na "Happy Birthday anak!" At tumogtog ang kantang Dance With My Father.
First Dance: Papa Nath
"Happy Birhday anak! Enjoy your night!" Ang sabi ni papa habang sumasayaw kami at diko na rin napigilan ang luha ko dahil na rin sa nadala ako sa kanta.
Pagkatapos ng isang kanta na isinayaw ako ni papa ay nakita ko na papalapit ang kapatid ko na may dalang isang red rose.
2nd Dance: Ariel - ang bunso kong kapatid ang pangalawang kasayaw ko. Kahit mapang asar to minsan, love na love ko to. Nag-iisang kapatid ko. Ang pasaway na bunsong kapatid.
3rd Dance: Wayne Ibanez - si Wayne, na boyfriend ng kaibigan ko na si Jaiah, na isa sa mga B'Friends ko. Si Wayne yung tipo ng lalaki na napaka sweet at syempre napaka loyal, kaya nga sila nagtagal ni Jaiah.
"Happy Birthday Erika." Ang sabi ni Wayne.
4th Dance: Raymart Canete - si Raymart na boyfriend na ng kaibigan ko na si Dindi, na napaka torpe dati pagdating kay Dindi. Kahit na gusto niya yung tao, hindi tuloy napapasakanya kasi ang torpe. Pero mabait yan, at mapagbigay. Mas inuuna pa yung iba kesa sa sarili. Yan si Raymart ang isa sa B'Friends ko. Na isa sa mga malalapit sa akin sa mga lalaking barkada namin.
"Ang tanda muna. Happy Birthday." Pang-asar pa nito.
5th Dance: Jetty Abuel- Si Jethro na mahilig mang-asar at chickboy ng tropa pips. Kahit ganyan yan mahal yan ng bestfriend ko kahit ngayon break na naman sila. Ang gulo e noh? Ewan ko sa kanila. Isa din to sa b'Friends ko.
BINABASA MO ANG
Bakit Ba Minamahal Kita? (*COMPLETED*)
RomanceI hate waiting. But if waiting means being able to be with you, I'll wait for as long as forever just to be with you. . . . ║▌█│║▌║│█║▌║▌ All Rights Reserved ║▌█│║▌║│█║▌║▌ Copyright © 2013 - 2014 by Mart25