~
Kinabukasan ay nagpunta kami sa UP nina Jaiah at Jovina para asikasohin ang enrollment namin for next sem. Scholar ako at kaya naman ay sinamahan ko sina Jaiah at Jovina sa cashier para magbayad ng tuition fee. Mabuti nalang at maaga kami pumunta kaya hindi pa ganun kahaba ang pila sa cashier para magbayad ng tuition fee.
Pagkatapos ay pumunta kami sa caffeteria para mag shake. Nakita ako ng manager ko. Akala nyang babalik ako sa trabaho. Pero hindi. Umalis na ako mag iisang buwan nadin ang nakaraan ng sabihin ni papa na huwag ko na ipagpatuloy dahil nakikita nilang lage akong pagod at gabi na umuuwi. Dilikado din daw. Nakatulong din naman ng malaki ang pagtatrabaho ko dito sa caffeteria.
Humanap kami ng pwesto at umupo. Umorder na kami at bumalik sa pwesto namin. Nagulat nalang ako ng bigla nalang nabanggit ni Jaiah si Adrian.
"Girl, sa sama ka ba sa reunion daw?" Tanong ni Jaiah.
"Kelan daw ba yun?"
"Ewan, wala pa daw sinabi si Adrian sabi ni Wayne. Busy padaw e. May inaasikaso daw dito sa Pilipinas. Sabi daw, baka dito na mag-aaral. Hindi pa ba kayo nagkita?"
"Huh? Ba-bakit naman kami magkikita? Tsaka teka, ayaw na ba nya sa US?"
"Ewan ko. Tanong mo kaya pagnagkita kayo."
"Baliw." Binato ko sya ng tissue at natawa kami.
"Girls, hindi ako relate." Natawa nalang kami ng magsalita si Jovina. "Akala nyo naman wala kayo kasama noh?" Dugtong nya na nakasipsip sa straw ng shake nya na nakatingin sa amin.
Lumabas na kami ng mag-aya si Jaiah na mag-mall. Nang may sasakyang huminto sa tapat namin. Sasakyan ni Joshua. Bumukas ang bintana. "Baby, may lakad ba kayo?" Tanong ni Joshua.
"Oo, punta sana kami ng mall. Bakit?" Pagtataka ko dahil wala naman kaming usapan ngayon.
"May pupuntahan sana tayo."
Napatingin ako kina Jaiah at Jovina. "Sige lang ka, sumama kana. Next time nalang." Sabi ni Jovina.
"Oo girl, baka magalit pa yan si Joshua sa amin. Haha. Joke." Sabay peace sign ni Jaiah.
"Thank you girls." Sabi ni Joshua at bumaba sya sa kotse. Pinagbuksan ako ng pinto.
"Sure kayo ah? Sige girls, ingat kayo. Next time nalang." Sabi ko. Kumaway ako sa kanila bago pumasok sa loob.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Joshua.
"Sa bahay."
"Huh?" Nagulat ako. "Bakit? Anong meron?"
"Gusto kang makilala ni mommy. She prepare a dinner for us."
"Bakit hindi mo sinabi kagabi? Hindi maayos ang suot ko." Sabi ko at napatingin sa suot ko. Naka tshirt lang ako tsaka naka pants. Sa school lang naman kasi ako pupunta.
"That's not a problem. May oras pa tayo." Sabi nya at nginitian ako.
Huminto kami sa tapat ng isang parlor. Pumasok kami at may isang bading na lumapit sa amin. Pinaupo ako sa upuan sa harapan ng salamin habang naiwan si Josh sa may upuan na hinihintay ako. Nginitian ko sya ng makita ko sa salamin na tumingin sya sa akin.
Bigla akong kinabahan. Paano paghindi ako magustuhan ng mommy ni Joshua? Paano kung ayaw nya sa akin? Haist.
Pagkatapos akong ayosan ay humarap ako kay Joshua. Napangiti sya ng makita ako. Lumapit sya sa akin. "Baby, you are so beautiful. " Sabi nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/3763239-288-k172151.jpg)
BINABASA MO ANG
Bakit Ba Minamahal Kita? (*COMPLETED*)
RomantizmI hate waiting. But if waiting means being able to be with you, I'll wait for as long as forever just to be with you. . . . ║▌█│║▌║│█║▌║▌ All Rights Reserved ║▌█│║▌║│█║▌║▌ Copyright © 2013 - 2014 by Mart25