Chapter 14

216 9 2
                                    

Arf! Arf. Arf.

Nagising ako sa ingay na naririnig ko. Nagulat nalang ako ng imulat ang  aking mga mata ay may aso sa harapan ko at dinidilaan ang mukha ko. Napabangon ako at muntik ko na itong maitulak.  Nakita ko si Ariel na pinagtatawanan ako. Kinuha niya yung aso.

"Doggy dito kana, gising na si ate."  Sabi niya. Napakunot ang noo ko.

"San galing yan?" Pagtataka ko. Bakit may aso dito?

"Para sayo daw may nagdeliver kanina." Sa akin? Napaisip ako at naalala ko ang binigay sa akin ni Adrian kagabi. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang kulay puting Shih Tzu na may kulay pulang ribbon pa sa leeg nito at may nakasabit na letter. Nilapitan ko iyon. Kinuha at binasa.

"Happy Birth Day.

Ito na sya yung pangako ko sayo. Ikaw na bahalang magbigay ng pangalan.

Adrian. "

"Oh diyan ka muna sa amo mo." Sabi ni Ariel at lumabas siya ng kwarto.

Hinayaan ko lang itong naglalaro sa kama ko. Natutuwa akong pinagmamasdan ito habang nag-iisip ng pangalan. I really love dogs. Kaya noon pa man ay gusto ko na magkaroon at mag-alaga ng aso kaso dati ay hindi pwedi dahil ayaw ni mama. Ngayon, wala na siyang magagawa dahil ito na.

"Babae ba to?" Napaisip ako. Nilapitan ko siya at tiningnan. "May egg??? Haha." Natawa ako. "He's a boy. So, your name is Erian."

"Hi bebe Erian ko. Cute cute." Nilalaro ko siya.

Habang nilalaro ko ito na tuwang tuwa ako sa ginagawa ko ay narinig kong may kumatok ng pinto. "Ate!" Narinig ko si Ariel. Bumukas ang pinto at pumasok siya.

"Yes? kelangan mo?" Tanong ko.

"Si Kuya Joshua , nasa baba hanap ka!" Si Joshua? Bakit? Napatingin ako sa alarm clock ko. Alas onse na ng umaga. Napaisip. Wala naman kaming lakad ngayon.

"Bakit daw?"

"Ewan ko! Jowa mo yun eh! Ako tinatanong mo!" Lokong kapatid ah. Nagtatanong lang e.

*Tugs!*

"Aray! Sorry po! Diko alam eh!" Naiinis niyang sabi matapos ko siyang batokan.

"Ok! Bantayan mo si Erian, baba lang ako."

"Huh? Sino si Erian?"

"Yung aso ko." Sabi ko habang nagsusuklay.

"Bakit Erian ate?" Napaisip ako. Bakit nga ba?

"Ewan. Naisip ko lang."

Pagkababa ko ay nakita ko si Joshua na kumakain kasama nina mama at papa. Masayang nagkukwentohan. Mukhang napapalapit na si Josh ng husto sa pamilya ko. Napangiti ako.

Nang makita ako ni mama. "Oh nak, maupo ka dito at sumabay kana sa amin kumain." Napalingon si papa at si Josh sa direksyon ko.

Umupo ako sa tabi ni Josh. "Hi baby!" Humawak siya sa kamay ko at nakipagholding hands sa ilalim ng mesa.

"Kumusta naman pag-aaral niyo?" Tanong ni papa.

"Okey naman po tito. We're doing good in our study." Sagot ni Josh.

"Mabuti naman. Basta wag niyong pabayaan yung pag-aaral niyo."

"Opo tito." Sagot ni Josh na tahimik lang akong nakikinig sa kanila.

Kumakain kami ng bumaba si Ariel dala si Erian. "Ate, tumae sa kwarto mo si Erian?" Huh? Poop?

"Kanino ba kasi galing yang asong yan? " Tanong ni mama.

"Sa kaibigan ko, regalo niya sa akin." Sagot ko.

"Ang cute." Sabi ni Josh na napangiti.

Pagkatapos namin kumain ay umakyat ako sa kwarto ko para linisin ang tae ng alaga ko. Buti nalang sa may sahig tumae at hindi sa kama ko. Inis pray ko nalang ng pabango ang kwarto ko para hindi mabaho.

Bumaba na ako at nakita kong tuwang tuwa si Josh na nilalaro yung aso kasama ang kapatid ko. Nilapitan ko sila at umupo sa tabi ni Josh. Yumakap siya sa beywang ko. "Oy, makita ka ni papa." Bulong ko kaya agad niyang inalis. Natawa ako.

"Nga pala, may pinaabot si mamo para sayo." Sabi niya. May kinuha siya at inabot sa akin na regalo.

"WOW!" Napangiti ako. Naalala pa pala ako ni mamo. "Pakisabi kay mamo baby na thank you."

Na miss ko tuloy si mamo. Gusto ko mang pumunta sa kanila para makipagkwentuhan. Kaso umiiwas nalang kami sa gulo. Ayoko narin kasi ng away. Ewan ko ba , hindi naman ganun ang dating si tita Mary Ann. tsk! At dahil mahal ko si Josh. Kahit na ayaw ng mommy niya sa relasyon namin. Pinaglaban ko siya dahil sa nangako ako sakanya and beacuse I LOVE HIM. Siguro namang hindi mali ang ipaglaban ang taong mahal mo na hindi ko nagawa noon.

Kaya sana, hindi niya sasayangin o sirain tong tiwala't pagmamahal ko sa kanya. Tsaka ayoko narin umiyak. Nakakasawa na e. Sakit sa dibdib. Dito, sa may puso. Lalo na kung mahal mo talaga siya.

Like my past, kaya ayoko na sana maulit yun because if it will happened again. Diko na alam kung makakaya ko pa. Kung kakayanin ko. Diko na alam kung anong mangyayari sa akin. Diko na alam. Ewan ko ba, from strong person, I became weak  because of LOVE.

So totoo nga eh noh? Love can change who you are. Ang dating masama pweding bumait, ang dating tarantado, gago, pweding magbago. Ang dating matapang na kahit sino walang kinakatakotan ngayon takot na takot na beacause of love.  <3

Oo, ang LOVE ay para siyang isang horror situations. Kung pipikit ka nalang para hindi sila makita e, paano kung pagdilat mo ay tuluyan na nga silang mawala?

Kaya, gusto ko si Joshua na. Kung yayain niya akong magpapakasal ngayon. Hindi na ako magdadalawang isip na sumagot ng "Oo."

"Baby, uuwi ka ba agad ngayon?" Tanong ko sa kanya habang nakipagkulitan siya kay Erian.

"Hindi pa. Bakit? Yayain nga sana kitang lumabas." Sabi niya.

"Really? May bibilhin kasi ako. Para sa lab class namin bukas."

"Tara, samahan kita."

Kaya agad na akong nagbihis at nagpaalam na kami kina mama at papa para umalis. Dinala ko si Erian kaya ang ingay niya sa loob ng kotse. Tahol ng tahol. Pagkarating namin sa mall ay nauna kaming pumunta ng Pet Store dahil gusto kong damitan si Erian. Bumili kami ng gamit pang aso at mga pagkain.

Pagkalabas namin ay nag-aya si Josh kumain pero busog pa ako kaya lumabas kami ng mall at nagpunta sa malapit na park. Tuwang tuwa kaming pinagmamasdan si Erian na nauuna pang maglakad sa amin. Tinalian namin ito para hindi kami takasan.

Tuwang tuwa akong nakaupo habang pinagmamasdan si Josh na nakipaghabolan kay Erian. Hinihingal kasi ako sa ginagawa namin kaya naupo na lamang ako,. Nang biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Kung bakit ako kinakabahan. Anong meron at bigla akong natakot.

Hapon na rin ng mapagod kami kakalaro at pamamasyal kasama si Erian kaya nag-aya ng kumain si Josh bago kami pumuntang National Book Store para bilhin mga kailangan ko tsaka uuwi.

"Baby I LOVE YOU!" Ang sabi ni Josh na nakaakap sa beywang ko at hawak hawak ang kamay ko pagkatapos naming kumain. "I LOVE YOU TOO." Sagot ko.

Masaya ako ngayon na kasama ko si Josh. Sana lang ay palage kaming ganito. Yung wala kaming iniisip na problema. Yung alam namin parehong mahal namin ang isa't isa.

"Nga pala, dumating kanina yung girlfriend ni Adrian, dinala niya sa bahay pinakilala sa amin." Sabi ni Josh habang naglalakad kami.

Napatingin ako sa kanya. "Ganun? Sino naman kasama?" Bakit kaya? Bigla akong naintriga.

"Kasama si tita Jemina na sinurpresa kami sa pagdating niya." Para akong nabingi sa narinig ko.

O.O

Si Tita Jemina?

PS: FOLLOW AUTHOR and LEAVE YOUR COMMENTs

Bakit Ba Minamahal Kita? (*COMPLETED*)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon