Chapter 3

659 11 1
  • Dedicated kay Joshua Tagalog
                                    

TRINGGGGGG . . . .

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Ngunit pinikit ko ulet ang mga mata ko dahil gusto ko pang matulog. Inaantok pa ako. Ilang minuto din muna akong nakahiga parin sa kama bago tumayo na parang robot at pumunta sa cr para maghilamos at magtootbrush.

Pagkabalik ko ay napansin ko ang nalaglag kong unan sa kama kaya inabot ko ng kamay ko ngunit ng mapasilip ako sa ilalim ng kama ko ay may nakita akong isang bagay. Isang bagay na napakahalaga sa akin noon. Bagay na pinagmulan ng pangako at pangarap namin sa isa't isa. Isang singsing.

Isang singsing na ibinigay sa akin noon ni Adrian noong first Anniversary namin.

Dumapa ako sa sahig at inabot ko ng kamay ko yung singsing. Nang mahawakan ko ito ay kinuha ko at inilabas. Saglit akong napangiti at muling nagflashback sa akin ang mga pangyayari.

Feb. 14.

Araw ng mga puso. Araw ng mga taong nag-iibigan at nagmamahalan. Araw ng mga magkasintahan at mag-asawa. "Love is in the air." eka nga tuwing sasapit ang araw na ito na isang beses lang sa isang taon nangyayari. Ngunit alam mo ba kung ano pa ang meron sa araw na ito?

Feb. 14, JS Prom namin noon ng sagotin ko si Adrian Leyco. Ang lalaking mahal ko at mahal ako. Isang taon na pala ang nakaraan ng sagotin ko sya. Isang taon na kaming nagmamahalan. Isang taon na kaming magkarelasyon. Isang taon na kami. Today, is our first anniversary.

Sabado at wala akong pasok. Nagtext sa akin si Adrian na magbihis ako at lumabas ng bahay. Ayaw nyang sabihin kung anong meron basta lumabas daw ako. Nataranta ako at kaya naman ay nagmadali akong lumabas.

Pagkalabas ko ay nagulat nalang akong makita sya sa harapan ng gate namin na nakatayo. May dalang mga lobo at bulaklak. Nagulat ako sa nakita ko. Kaya agad akong napasilip sa loob ng gate at nakita ko si papa na palabas kaya dali dali kong hinila si Adrian para magtago.

"Oh teka. San tayo?" Sabi nya habang hawak ko ang kamay nya at hila sya papalayo ng bahay namin.

"What are you doing here? Diba sabi ko wagkang pabigla biglang pumunta sa bahay? Magagalit si papa." Nasabi ko sa kanya ng makalayo kami.

"Sorry. I'm just here to greet you. Happy Anniversary bape." Nakangiti syang inabot sa akin ang bulalak at tatlong pirasong lobo na may nakasulat na letrang I Love You sa bawat isa.

"Salamat. Happy Anniversary." Ang sabi ko at mabilisang idinampi ang labi ko sa pisngi nya. Napangiti sya.

"Now, it's my turn." Sabi nya. Ang akala kong gaganti sya ng halik ay hindi pala. Hinawakan nya ang kamay ko, kinuha sa akin yung bulalak. Ngumiti sya at sinabing "Tara!" bago nya akong hilain. Tumatakbo kami na hindi ko alam kung saan kami pupunta basta ay nakasunod lang ako sa kanya. Wala narin akong pakialam kung saan kami pupunta basta't kasama ko sya.

"Ano ginagawa natin dito?" Natanong ko ng makarating kami sa isang plaza na maraming tao. May iba't ibang booth kaming nadadaanan na nagtitinda ng mga bagay na may kinalaman sa araw ngayon.

Nagulat nalang ako ng huminto kami. Napatingin ako sa isang booth na nasa harapan namin. 'WEDDING BOOTH." Ang salitang nakapaskil dito. Napatingin ako sa kanya at ngumiti lang sya.

"Ano? Handa kabang pakasalan ako?" Masayang tanong nya. Napatango lamang ako at hinila sya.

Parang totoo. Naglalakad ako sa gitna na may hawak na bulaklak at nasa unahan si Adrian na hinihintay ako at may pari sa gitna. Nagpalakpalakan ang mga tao sa gilid na sinasabuyan ako ng mga pulang petals ng rosas. Nang makarating ako sa harapan ay hinawakan ni Adrian ang kamay ko at humarap kami sa paring magkakasal sa amin.

Bakit Ba Minamahal Kita? (*COMPLETED*)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon