Chapter 9

258 10 0
  • Dedicated kay Erika Anne Pabalate
                                    

**

Nahinto ako sa pag-iisip at napatingin sa may pinto ng may kumatok. "Baby, okey ka lang?" Narinig ko si Joshua.

"Oo. Okey lang ako. Saglit na lang." Ang sabi ko.

Humarap muna ako sa salamin bago binuksan ang pinto at lumabas. "Masakit pa ba ulo mo?" Tanong nya.

"I'm fine. Okey na ako."

"Sir, excuse me po. Pinapatawag na po kau ng mamo nyo po. Paparating na daw ang mommy nyo." Ang sabi ng isang yaya na lumapit sa amin.

"Sige, yaya susunod nalang kami." Ang sabi ni josh. "Tara?" Napatingin sya sa akin. Tumango ako. Kaya sumunod nadin kami agad.

"Ijah maupo ka." Ang sabi ni mamo. Nahihiya akong umupo. Inilabas ni Joshua ang upuan at pinaupo ako.  Nakaupo si mamo sa kabilang dulo ng mesa. Nasa gilid naman nya si Joshua na katabi ako.

"Nga pala ija, bakit hindi kana bumalik dito? Na miss tuloy kita kakwentuhan. " Ang sabi ni mamo.

"Pasensya na po mamo medyo bussy lang po sa pag-aaral." Ang sagot ko naman.

"Mama, dito na pala sila di mo man lang ako tinawagan." Nagulat ako ng marinig ang  isang pamilyar na boses na dumating.

Tumayo si Joshua. "Oh mommy." Napalingon ako at nakita kong humalik si Joshua sa mommy nya. "Where is your girlfriend?"

Nagulat nalang ako ng magtama ang mga mata namin at nakita ko ang itsura nya. Sya nga. Si tita Mary Ann at ang mommy ni Joshua ay iisa.

"Erika?" Pagtataka nya. "Is that you?" Napatango ako. "Hello po tita." Nginitian ko sya.

"Magkakakilala kayo?" Pagtataka ni Joshua.

"Yes,." Lumapit si tita at nakipagbiso sa akin. "I met Erika a past years ago because of Ian. Right Erika?" Nakangiti syang tumingin sa akin at napatango ako.

"Why? Oh nga pala, na saan na yun?"

"Nasa bahay nila. Susunod nalang daw." Sagot ni tita. Umupo na si tita Mary Ann at si Joshua.

"Na miss kita Erika."

"Ako din po." Sagot ko at nginitian sya. Bigla akong naging kampanti dahil si tita Mary Ann ang mommy ni Joshua at hindi nagbago ang pakikitungo nya sa akin."

"Nagkita na ba kayo ni Adrian? Pupunta yun dito mamaya." Ang tanong ni tita. Nakakatuwa sya. Ramdam ko ang tuwa nya na nakita ulet na ganun din ako.

"Hindi pa po."

"Mukha nga kayong magkasundo ah." Sabi ni Joshua. "Paano pala nadamay si Adrian sa usapan nyo?"

Napatingin ako kay Joshua. "Adrian is my ex boyfriend. High school boyfriend." Ang sabi ko.

"Really? Kaya naman pala." Napangiti si Joshua. "But I taught, past is past. Right baby?" Huh? Napalingon ako sa kanya.

Hindi ako nakasagot kaagad. Nagulat ako sa tanong ni Joshua. "Aa-aam. Yes! Tsaka matagal na yun." Napasubo nalang ako ng pagkain at biglang natahimik.

Matapos naming kumain ay inaya ako ni Joshua sa may terace ng mansyon nila. Nakipagkwentuhan. Pinagmamasdan ang paligid. Nang bigla nalang nya akong yakapin sa likuran.

"I told you. Mom, would like you." Ang sabi nya na naka back hug sa akin at nakapatong ang ulo nya sa balikat ko. Tahimik lang ako at hindi sumagot.

"Baby?"

"Yes?" Sagot ko.

"Do you still love him?" Nagulat ako sa tanong ni Joshua. Bumitaw sya sa pagkayakap sa akin at hinarap ako. Seryoso ang mukha nya. Nakakailang ang mga mata nya. Bakit nya naitanong?

"Huh? Bakit mo naman naitanong?"

"Just answer my question. Do you still love him?"

Natahimik ako. Tinititigan ko lamang sya. "Ikaw ang boyfriend ko. Ikaw ang mahal ko." Ang sabi ko na iniwasan kong sagotin ang tanong nya.

Natahimik sya. Nang biglang may isang yayang lumapit. "Sir Josh, pinatawag po kaya ng mamo nyo." Ang sabi nito.

"Ah sige, sunod ako." Humarap sya sa akin. "Saglit lang ah? Puntahan ko lang si mamo."

"Sige." Ang sabi ko at pumasok na sa loob.

Napatingin ulet ako sa labas. Pinagmamasdan ang mga ilaw. Ang magandang gabi. Saglit akong napaisip sa kaninang tanong sa akin ni Joshua.

"Do you still love him?"

Love him? Ewan. Hindi ako sigurado.

"Erika?" Napalingon ako sa likuran ng marinig ko ang boses ni tita Mary Ann. Lumapit sya sa akin. "Can I talk to you?"

"Oo naman po. Ano po yun tita?" Masayang sabi ko.

"Maupo tayo." Nauna syang umupo. Napatingin ako sa kanya. Bigla nalang akong kinabahan. Kaya sumunod narin ako at naupo kaharap sya.

"Ano po yun tita?" Tanong ko.

"Erika, dideretsohin na kita. "

"Po?" Pagtataka ko.

"AYAW KITA PARA KAY JOSHUA."

Nanlaki ang mata ko sa gulat sa sinabi nya at napangangang nakatingin sa kanya. "Huh? Ba-bakit po?"

"Hindi ikaw ang nababagay para sa anak ko. Kaya kung pwedi lang habang maaga pa , habang hindi pa kayo masyadong committed sa isa't isa ay layuan muna sya. Ayoko masaktan ang anak ko dahil sayo. Nagawa muna ito minsan kay Adrian at ayoko matulad ang anak ko sa pamangkin ko." Natahimik ako at napayuko. Nakaramdam ako lungkot at gayundin ay pagkahiya sa sinabi nya.

"Leave my son alone. So that he could find something better than you. Money? I can give you that. Layuan mo lang sya." Napaangat ako ng ulo at napatingin sa kanya ng masama ng marinig ko sa kanya ang salitang iyon na kumurot sa dibdib ko.

Napatayo ako. Napabuntong hininga. "Anong akala nyo po sa akin? Mukhang pera? Alam ko pong mayaman kayo pero hindi nyo po ako mabibili. Mahal po ako ng anak nyo at mahal ko din po sya."  Nagsimula ng mamuo ang mga luha sa mga mata ko.

"MAHAL? KALOKOHAN! Eh ganun nga ata ginawa mo sa pamangkin ko."

Huh? Tuluyan ng bumagsak ang kanina ko pang pinigilang mga luha. How dare you to tell that to me. Do you know the story behind it? Tinitingnan ko sya. Iba na sya. Ibang iba na ang tita Mary Ann na nakilala ko noon.

Hindi ko kinaya ang mga narinig ko kaya agad kong dinampot ang bag ko at patakbong lumabas dala ang sakit. Hindi ko na pinansin pa ang mga taong nadaanan ko. Dirediretso ako sa paglabas at hindi na nagpaalam.

"Ma'am, okey lang po kayo?" Tanong ng guard. Pero hindi ko sya pinansin at agad na lumabas ng buksan nya ang gate.

Napahinto nalang ako sa tabi at napahagul ng iyak dahil sa mga salitang narinig ko na nasaktan ako ng sobra. Hindi ko akalaing mangyari ito. Ayaw ba nya na magkagirlfriend si Joshua o ayaw nya sa akin? Ang sakit.

Napalingon muna ako sa bahay nila bago tumalikod at tumakbong papalayo na umiiyak. Ang sakit. Nanghihina ang buo kong katawan.

Hindi ko na natingnan pa ang dinadaanan ko kaya bigla nalang may nakabanggaan ako. "Ay sorry miss."

Isang pamilyar na boses ang narinig ko. Boses na inaasam-asam kong muling marinig. Boses na kay tanggal ko ng hindi narinig. Boses na na mimiss ko. Boses ng isang taong nasaktan ko. Boses na hinihintay ko. Napaangat ako ng ulo. Nagulat nalang ako ng makita at  ang gulat na itsura nya.

"Erika?" Bahagya akong napangiti. Hindi ko napigilan ang sarili ko at agad na niyakap sya. Naramdaman ko nalang ang paghigpit ng yakap nya habang napahagulhol ako ng iyak.

PS: FOLLOW AUTHOR and LEAVE YOUR COMMENTs

Bakit Ba Minamahal Kita? (*COMPLETED*)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon