~
Maaga na ako gumising dahil ayoko na mangyari yung kamalasang nangyari sa akin ng mga nagdaang araw. Bago nadin ang alarm clock ko. Napangiti nalang ako na nakahiga sa kama ng maalala kong anong meron sa araw na ito.
? ?
Let it go, let it go
I am one with the wind and sky
Let it go, let it go
You'll never see me cry
? ?
Nadampot ko kaagad yung phone ko ng marinig kong tumunog ito ngunit ang inaasahan kong tao na magtext mabasa sa screen ng phone ko dahil sa special na araw na ito ay hindi pala siya. Nagkamali ako. Hindi si Joshua kundi si bestfriend Angielyn ang nagtext. Hay!
"Best, happy monthsary sa inyo ni Joshua. Ilang months na nga kayo? 2 months? Akalain mo yun. Haha! I just wish na maging taon pa yan ah. haha. See you later. mwahh :*"
Napangiti ako sa text na yun ni bestfriend. Mabuti pa siya, siya ang naunang bumati para sa amin ni Josh, samantalang yung taong inaasahan ko ay wala. tsk!
Kaya inayos ko na yung sarili ko, naligo, kumain, at pagkatapos ay napaupo ako sa sofa habang hinihintay si Josh. Pero halos kalahating oras na akong naghintay kaso hindi siya dumating kaya inisip ko nalang na baka busy siya para na naman e surpresa ako mamaya. Alam ko naman na mahilig sa ganun si Josh kaya sumabay na ako kay papa at nagpahatid na sa school.
"Oy ka, ang saya mo ata? Ganyan ba talaga kapag monthsary?." Pang-asar sa akin ni Jovina pagkatapos ko magreport.
"Loko! Hindi ah! Ewan! Pero ang saya ko lang. Sana magtagal pa kami ni Joshua."
"Magtatagal yan, tiwala lang. Kasi naman kung ikaw na naunang nagmoves nun e sana matagal na kayo."
"Huh? Baliw. Hindi ako ganun. Oh nga pala, kumusta na kayo ni Kenneth?" Tanong ko kay Jovina na bigla nalang lumawak yung ngiti niya na para bang kinikilig.
"Haha! Ka, nanliligaw na siya sa akin!" At sa sobrang kilig ni Jovina ay hindi na niya napigilan ang sarili at napalakas ang boses niya kaya bigla tuloy kami nahiya ng magtinginan yung mga kaklase namin. Buti nalang at nasa bandang likod kami nakaupo at hindi kami napansin ng prof namin.
"Haha! Talaga? I'm so happy for you girl. Dati pa naman crush ko din yan si Kenneth kaya push mo yan girl."
"Oy ingay nyo!" Nang lumapit si Jaiah sa amin matapos siyang magreport dahil siya yung kasunod pagkatapos ko dahil ka grupo ko siya.
"Oy ka, happy monthsary sa inyo ni Joshua. " Biglang bati ni Jaiah.
"Kayo ang tagal nyo na ni daddy Wayne. Hanggang simbahan na ba yan?" Biro ko.
"Sana!" Kinikilig din si Jaiah habang sinasabi iyon.
"Push nyo yan girl. Kasi malapit na rin ako!"
"Nanliligaw na si Kenneth sayo? Oh my Gosh! Ayiieh!" Ang tanong ni Jaiah na mas kinikilig pa sa niligawan.
Matapos ang klase na iyon ay hindi parin ako nakatanggap ng text galing kay Josh, gusto ko sana siyang etext ngunit gusto ko na siya mismo ang makaalala nun. Nakalimutan kaya niya? San kaya siya ngayon? Hnmm.
"Hindi pa tapos ang araw na ito!" lagi kong sinasabi sa sarili ko kaya hinayaan ko nalang at inisip na baka parte ito sa surpresa ni Joshua sa akin ang hindi magparamdam ngayon para mamaya papasayahin niya ako. Kaya hindi ako nawalan ng pag-asa at puro positibo ang nasa isip ko.
BINABASA MO ANG
Bakit Ba Minamahal Kita? (*COMPLETED*)
RomanceI hate waiting. But if waiting means being able to be with you, I'll wait for as long as forever just to be with you. . . . ║▌█│║▌║│█║▌║▌ All Rights Reserved ║▌█│║▌║│█║▌║▌ Copyright © 2013 - 2014 by Mart25