-Joshua POV-
"Baby!" Ang sabi ko ng maiwan kami ni Adrian. Hindi ko alam kung alam na ba niya ang nangyari kaya nandito siya na umiiyak at makipaghiwalay na sa akin o kung ano. Wag. Wag naman sana.
"Bakit? Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Nagulat ako sa sinabi nyang iyon habang napaiyak siya. Alam na nga ata niya. Paano na ang kasal? Kung makipaghiwalay na siya sa akin ngayon? Paano na ako? Hindi ko kayang mawala siya. Ang babaeng mahal na mahal ko. Ayoko. Hindi pwedi.
"Aahm... So-sorry! Hindi ko sinasadya. Ha-hayaan mo sana ako magpaliwanag." Natatakot kong sabi na pinipilit kong makatayo sa kinahihigaan ko. Pero nasasaktan at napa-aray lang ako.
"Huwag ka muna tumayo. Humiga kalang." Pag-alalang sabi niya na biglang lumapit sa akin at tinulungan ako para makabalik sa paghiga ko.
"So-sorry! Patawarin mo ako! Hindi ko sinasadya! Baby, huwag mo akong iwan." At hindi ko na napigilang mapahagulhol ng iyak at agad na niyakap siya ng lumapit sa akin. Hindi ko kayang mawala siya. Hindi.
"Sssh! Tahan na! Okey lang yun! Nag aalala lang naman ako kung bakit hindi mo sinabing na Hospital ka. Hinihintay pa naman kita sa school." Nagulat ako sa sagot niya. Hindi pa pala niya alam. Akala ko alam na niya ang tungkol sa nangyari sa amin ni Ramona.
"Salamat!" Ang nasabi ko.
"Ano ba kasi nangyari sa'yo? Nabigla ako ng malaman ko kay Adrian na nasa hospital ka. Kaya sumabay na ako sa kanya para puntahan ka dito." Pag-aalala niya.
"Nahilo lang ako." Pagsisinungaling ko na nahihiyang tumingin sa kanya.
"Nahilo? Bakit? May sakit ka ba? Nakita ka daw ng mommy mo na nawalan ng malay kaninang umaga?"
"Wala! Wag muna isipin yun. Ang mahalaga okey na ako at matutuloy na ang kasal natin." Ang sabi ko at pilit na ngumiti habang nakatingin sa nag alala nyang mukha.
"Teka! May hindi ka ba sinasabi sa akin?" Nagulat ako ng tanongin niya iyon. "May problema ka daw sabi ni Adrian. Pero ayaw nyang sabihin sa akin. Ikaw na daw ang magsabi. Ano yun?"Pagtataka niya. Alam na din pala ni Ian.
"Problema? Wa-wala ah!" Pagsisinungaling ko ulet pero sumimangot lang siya na para bang hindi naniniwala sa sinabi kong iyon.
"Seryoso! Ano yun?" Nabigla naman ako ng biglang sumeryoso ang itsura niya.
Hindi ko alam kong papaano ko sa sabihin sa kanya. Hindi ko alam kung papaano ko sisimulan at kung papaano ko ipaliwanag sa kanya ang nangyari. Gayundin ay natatakot ako, na masaktan siya. Natatakot din ako na baka makipaghiwalay siya at higit sa lahat ay natatakot akong iwan niya ako. Hindi ko alam pero ang tanging alam ko'y, mahal ko siya. Mahal na mahal at ayoko mawala siya sa akin.
"Oy,ano yun? Ang lalim ng iniisip mo." Pinitik niya ang daliri niya sa mukha ko.
"Baby, paano pag malaman mong nagkasala ako sayo? Iiwan mo ba ako?"
"Nagkasala?" Napakunot ang noo niya ng sabihin ko iyon. "Tsaka ano ba yang sinasabi mo. Alam ko namang hindi mo magagawa iyon dahil sabi nga natin diba? Magtiwala lang? At may tiwala ako sayo." Ang seryosong sagot niya. "Bakit baby?"
"Ahmm... wala baby! Natanong ko lang. S-salamat sa tiwala!" Ang nasabi ko.
Hindi ko na nasabi kay Erika ang gusto kong ipagtapat sa kanya dahil sa sinabi nyang iyon. Nagtiwala siya sa akin ngunit sinira ko lamang iyon. Paano kapag malaman niya? Paano?
"Basta tandaan mo baby, mahal na mahal kita. Kahit ano pa man malaman mo. Sana mapatawad mo ako." Bigla siyang nagtaka sa sinabi kong iyon. Nang bumukas ang pinto at sabay kaming napalingon. Nakita naming pumasok si mommy at kasunod niya si Ramona na may dalang prutas.
BINABASA MO ANG
Bakit Ba Minamahal Kita? (*COMPLETED*)
RomanceI hate waiting. But if waiting means being able to be with you, I'll wait for as long as forever just to be with you. . . . ║▌█│║▌║│█║▌║▌ All Rights Reserved ║▌█│║▌║│█║▌║▌ Copyright © 2013 - 2014 by Mart25