Chapter 25

202 5 2
                                    

~

Ang mga araw ay lumipas hanggang sa dumating ang araw na ito. Araw ng kasal nila. Nagising ako ng may kumakatok sa labas ng pinto ng kwarto ko. Napaupo muna ako at napatingin sa salamin. Nakita ko ang mukha ko na magulo ang buhok, malaki ang eyebags dahil siguro sa stress. Ganito ba ako ka apektado sa pag-ibig na iyon?

Sana bukas o sa susunod na araw, magising naman ako na mawala na itong sakit na nararamdaman ko. Yung gigising ako ng masaya at walang iniisip na problema. Tulad ng dati na nagising akong hindi ko na siya iniisip pa. Hahay! Bakit ko ba kasi pinagdaanan ko ulet ito? Minsan na ito nangyari. Hindi pa ba ako natoto?

Muling may kumatok sa pinto at ngayon ay may kasama ng salita at narinig ko si mama. Nakalimutan ko tuloy na may tao pala sa labas.Kaya bumangon ako para pagbuksan.

"Oh anak, bakit hindi ka pa nakaayos? Nasa baba sina Jaiah at si Angielyn. Hinihintay ka." Tanong ni mama.

"Bakit daw ma?" Pagtataka ko kung bakit sila nandito.

"E diba ngayon daw ang kasal ni Josh?" Ang sabi ni mama. Napaisip ako. ALAM KO. Pero kailangan pa ba akong pumunta dun?

"Kelangan pa ba ako pupunta dun? E matutuloy naman yun, kahit wala ako." Ang sabi ko na iniwan si mama at pumasok sa loob na napaupo sa may kama ko.

"Nasayo naman yun e. Kung ano nga ba ang sinasabi diyan sa puso mo." Sagot ni mama na tumabi sa akin. "Anak, tama na! Nasasaktan ka lang lalo e. Bumitaw ka na sa pagmamahal mo kay Josh. Have fun, para mas madali mo siyang makalimutan. Mamasyal kayo ng mga kaibigan mo. Kung ayaw mong pumunta sa kasal."

Napatingin ako kay mama. "Siguro nga ma! Kailangan kong mag-enjoy para tuluyan ko na siyang makalimutan at tuluyan ng mawala itong natitira kong pagmamahal kay Josh."

Kaya tumayo ako. Naligo. Nagbihis at inayos ang sarili. Gusto ko umalis at magpakasaya. Kesa nandito ako sa bahay na nakakulong. Maiisip ko lang sila. Si Josh. Kaya bumaba na ako at sinabi ko kina Jai at bestfriend na samahan nila ako. Pumayag naman sila at sinamahan akong namasyal kesa sa pumunta sa kasal ni Josh. Invited din sila pero mas pinili nila ako makasama.

Pinasaya nila ako. Pumunta kami ng timezone. Nagkantahan at nilibang ang mga, sarili. Kumain ng kung ano. Binusog nila ako. Ngunit ang kaninang saya't ngiti ay napalitan ng luha ng mapadaan kami sa isang store. Isang Wedding Store. Nakita ko ang magandang wedding gown na naging dahilan kung bakit ako napahinto at napatingin.

"Kasi kayo, sabi ko naman wag na tayo magpunta."

"Bakit alam ba namin?" Narinig kong nagsisihan ang tatlo.

"Best, okey ka lang?" Tanong ni bestfriend ng lumapit siya sa akin.

"Ano na kaya nangyari sa kanila ngayon?" Malungkot kong sabi habang nakatitig sa isang magandang gown.

Naramdaman ko ang kamay ni bestfriend sa balikat ko. "Gusto mo puntahan natin best?"

"Wagna! Baka masasaktan lang ako pag makita sila." Sabi ko. Inilayo ang tingin sa kaninang tinitingnan ko at naunang naglakad.

"Diba mas maganda na yun para may dahilan ka nang mag move-on?" Sabi niya na nakasunod sa akin.

"Ewan!"

Hindi ko alam! Pero para bang sinasabi ng puso ko na puntahan. Ngunit sinasabi naman ng isip ko. Para saan pa? Magulo. Ang gulo. Ewan. Pero siguro nga. Tama sila. Kailangan ko makita. Para tuluyan ko ng matanggap ang nangyari at makakapag move-on na ako.

Saglit akong napahinto. Napaisip. Napatingin ako sa kanila na ipinagtataka nila. "Tara!" Ang sabi ko at mabilis na hinatak ang kamay ng tatlo palabas ng mall.

Bakit Ba Minamahal Kita? (*COMPLETED*)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon