Niyakap ko ng napakahigpit ang taong kay tagal kong hinintay. Dala ng aking pangungulila at pag-aasam na muli syang mayakap. Andito na sya. Nasa harapan ko na at kayakap ko. Ang lalaking unang nagparamdam sa akin ng isang kakaibang pagmamahal. Ang lalaking binago ako. Ang lalaking hinintay kong magbalik. Ang lalaking mahal ko. Si Adrian.
Inangat ko ang ulo ko at napatingin sa kanya. "Nagbalik ka. Kay tagal kitang hinintay." Bahagya syang napangiti at hinawakan ang pisngi ko. Nakatitig lamang ako sa kanyang mga mata. Pinunasan niya ng kanyang hinlalaking daliri ang aking luhaang mga mata.
"Hindi bagay sayo ang umiiyak. Gago ang taong gumawa nyan." Inayos niya ang buhok ko. Inilagay ang mga tumabong buhok sa mukha ko sa likuran ng tenga ko.
"Dapat sayo ay lageng naka ngiti." Hinawakan niya ang gilid ng labi ko at pinangiti ako. "Ganyan dapat." Nakangiti niyang sabi.
"Bakit ka nagbalik?" Tanong ko sa kanya habang nakatitig sa mga mata niya. Pinagmamasdan ng husto ang itsura niya na naanigan ng ilaw sa poste. Ang laki ng pinagbago niya.
Ang dating patpatin lang noon ay isa ng ganap na binata. Mas naging gwapo pa siya. Ibang iba sa noon. Ngunit kahit na malaki ang pinagbago sa pisikal na itsura niya ay hindi naman nagbabago ang kabog ng dibdib ko sa tuwing nariyan siya.
"Nagbalik ako dahil sa naiwang misyon. Misyon na hindi ko natapos dahil naging duwag ako." Sagot niya. "I miss you." Dugtong niya.
"Misyon?" Pagtataka ko.
Bumitaw siya sa pagkahawak sa akin. "Teka, bakit ka nga pala umiiyak? Tsaka bakit ka andito?" Pag-iba niya ng usapan na hindi sinagot ang tanong ko.
Bigla kong naalala ang pangyayari. Ang dahilan kung bakit ako tumakbo at umiyak. Tumalikod ako at naglakad. "Andito ako dahil sa taong natutunan ko ng mahalin na dinala ako dito para ipakilala sa isang taong parte ng buhay niya. Akala ko okey na ang lahat dahil ang taong iyon ay nakilala ko at naging malapit na sa akin noon dahil sa isang taong minahal ko din noon. Ngunit hindi. Nasaktan ako sa mga sinabi ng taong ipinakilala niya sa akin. Kaya mas pinili kong umalis para makalayo sa kanila." Naramdaman kong nakasunod lang siya sa akin.
May nakita akong park at kaya naglakad ako papunta dun at nakasunod lang sa akin si Adrian. Naupo ako sa swing. Umupo din siya sa kabilang swing. "Naalala mo pa ba yung araw na dinala mo ako sa isang park? Masaya ako nun."
"Ako din. Alam mo bang napapangiti nalang ako sa tuwing naalala iyon? Natatawa nalang. Napapaisip kung maulit kaya iyon. Pero ito na, kasama na ulet kita sa park. Nakaupo sa swing." Sabi niya habang dahan dahang dinuduyan ang sarili.
"Bakit mo ba ako iniwan? Bakit hindi ka man lang nagpaalam? Alam mo bang pinagsisihan ko ang nagawa kong pagkakamali noon? Andaya mo, nang iwan ka."
"Sorry at nabigla lang din ako sa desisyon ko at sumama kay mommy ng bumalik siya sa US. Pero alam mo bang pinagsisihan ko din yun? Gusto ko sanang bumalik kaso hindi pwedi."
"Mahal mo pa ba ako?"
Natahimik siya. "May mahal na akong iba Erika." Biglang may kunting kumirot sa puso ko ng marinig iyon. "At alam kong may nagmamahal narin sayong iba. "
"Sino?" Tumingin ako sa kanya na nakangiti na sa ngiting yun ay nakatago ang sakit na nararamdaman. "Ang swerte niya."
"Maswerte din siya sayo kung sino man ang lalaking iyon pero gago siya dahil pinaiyak ka niya." Para bang may galit sa tono ng boses niya.
"Kilala mo siya." Ang sabi ko.
"Sino?" Nakatingin siya sa akin.
"Si Joshua."
BINABASA MO ANG
Bakit Ba Minamahal Kita? (*COMPLETED*)
RomanceI hate waiting. But if waiting means being able to be with you, I'll wait for as long as forever just to be with you. . . . ║▌█│║▌║│█║▌║▌ All Rights Reserved ║▌█│║▌║│█║▌║▌ Copyright © 2013 - 2014 by Mart25