Chapter 18

136 3 2
                                    

"Adrian?" O.O

"Erika?" O.O

Sabay naming nasabi na may pagtataka at pagkagulat.

"Sorry!" Sabay ulet naming  nasabi habang nakahiga parin ako sa damuhan at sabay kaming napangiti.

"I-ikaw pala!" Ang sabi niya at nagsimula na ang awkward moment. Inabot niya ang kamay niya para tulungan akong makatayo.

Nang makatayo ako ay pinagpagan ko yung damit ko sa mga damong nakadikit dito at pinulot yung bag ko at yung scrap book na agad kong tinago sa loob ng bag ko.

"Sorry!" Ang nahihiya niyang sabi. " May tinakasan lang kasi ako. Peace!" Ang nakangising sabi niya sabay naka peace sign .

"Sorry din at hindi kita nakita." Ang nahihiyang sabi ko at napayuko sa hiya sa nangyari na hindi makatingin sa kanya.

"By the way, bakit hindi kapa umuuwi?" Tanong niya. "May klase kapa ba?"

"Ahmm. Wala na. Hinihintay ko kasi si Joshua kaso wala siya." Sagot ko.

"Hindi ba siya pumasok?"

"Hindi daw!" Ang malungkot kong sabi habang nagsimula na kaming maglakad at nakatingin lang ako ng deretso habang siya ay nasa gilid na kasabay ko maglakad.

"May lakad ba kayo?"

"W-wala naman!" At napaisip ako na wala naman siyang sinabing may lakad kami pero para bang nakalimutan ata niya ang isa sa mga importanteng araw namin.

"I-ikaw? Sino ba tinatakasan mo?" Nahihiya kong tanong para ibahin ang usapan.

"Eh kasi, nakita ako ng prof ko sa Management. May pinapapasa kasi siya na hindi pa ako nakapagpasa. Haha."

"Hindi ka parin talaga nagbago e noh? Ang tamad mo parin magpasa ng mga requirements mo. Lagi nalang late." Napangiti ako ng maalala yung high school namin dahil sa ganun din siya. Tamad magpasa. Kung magpapasa man ay laging late.

"Lagi ko kasing nakalimutan e. Pero magpapasa naman ako kapag natapos ko na." Nakangising sagot niya na napakamot sa ulo.

"Oh nga pala, si Aziel? Nasaan?" Pag-iba ko ng usapan.

"Umuwi na! Bumalik sa States! Biglaan nga e. Nagsinungaling lang pala iyon na nagpaalam sa dad niya na pumunta dito. Yun pala hindi! Kaya pinagalitan siya kagabi pag-uwi namin ng malamang nandito siya na kausap niya sa telepono."

"E bakit naman kasi siya nagsinungaling?" Pang-intriga ko.

"Kasi sa totoo lang, pareho lang tayo ng sitwasyon."

"Pareho?" Pagtataka ko na hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin.

"E kasi hindi naman kami kagaya ng sa atin dati." Huh? Sa atin? "  Tulad nyo rin kami na ayaw sa relasyon nyo si aunte Mary Ann. Ayaw din ng dad niya sa relasyon namin ni Aziel pero okey lang sa mommy niya na tanggap ako. May gusto kasi ang daddy niyang iba para kay Aziel at hindi ako iyon. Akala ko okey na kasi napayagan siyang pumunta dito. Yun pala hindi." Natahimik ako ng biglang lumungkot ang tono ng boses ni Adrian ng sabihin iyon.

"Mahal mo talaga siya noh?" Bigla kong naitanong na ikinabigla ko rin.

"Oo naman! Mahal na mahal" Seryoso siyang nakatingin ng deretso sa mga mata ko. Ilang segundo siyang napatigil. " .  . . namin ang isat isa, kaya kahit na ayaw ng daddy niya pinaglaban ko siya. Pero akala ko okey na. Hindi pa pala! Kaya ikaw, kung talagang mahal mo si Josh, ipaglaban mo tulad ng ginagawa niya kahit ayaw pa ni aunte."

"Oo naman, ganun ko siya ka mahal." Mahinang sagot ko.

" Ang swerte ni Josh." Ang nasabi niya habang sinisipa sipa yung bote ng tubig na nadaanan namin. "Sana ako nalang siya."

"Huh?" Napahinto ako at napatingin sa kanya. "Maswerte din si Aziel sayo!" Ang sabi ko na napatingin siya.

"Salamat!" Ang sabi niya at ngiti lang ang tanging naisagot ko sa kanya.

"Oh nga pala, lumampas na ata tayo. Saan kaba? May kasama kaba?" Tanong niya ng mapansin niyang napalayo na kami na hindi namin napansin dahil sa masaya naming usapan.

"Uuwi narin ako. Hindi daw kasi ako masundo ni Josh." Pagsisinungaling ko.

"Gusto mo ihatid na kita?" Tanong niya.

"Wagna! Sige salamat nalang! Magco-commute nalang ako." Tanggi ko.

"Seryoso ka?"

"OO naman!" Ang sabi ko at nginitian siya.

"Oh sige, saan ka ba?"

"Sige dito na ako! Salamat!"

"Sige! Bye! Ingat!" Ang paalam niya at naglakad na siya papalayo sa akin pero bago siya tuluyang makalayo ay nakangiting nilingon niya ako ulit habang pinagmamasdan ko siya na papalayo sa akin.

Nang tuluyan na siyang makalayo at hindi ko na siya matanaw ay bigla nalang akong napangiti at napahawak sa aking labi ng maalala ang aksidenteng nangyari kanina.

~

-Adrian POV-

Pagpasok ko ng kotse ko at ng makaupo ng maayos ay bigla akong napangiti at napahawak sa aking mga labi ng maalala ang nangyari sa amin ni Erika. Hindi ko inaasahang mahalikan ko siya muli sa kanyang mga labi.

Nang matauhan ako ay umalis na ako at dumiretso na sa bahay nina mamo dahil nandoon daw si mommy. May problema daw. Kaya nagtataka ako kung ano iyon kaya naisipan kong dumaan.

Pagkadating ko sa mansyon ni mamo ay agad kong napansin ang isang kulay puting Van na nakapark sa labas ng gate. Kaya bumaba na ako at pumasok na sa loob ng pagbuksan ako ng security guard.

Pagkadating ko sa sala ay agad kong napansin ang pamilyar na babae na umiiyak na naka upo sa may sofa at katabi niya si insan at yung dalawang matanda na isang babae at isang lalaki at nasa kabilang upuan naman si mamo na malungkot na kaharap sina mommy at aunte Mary Ann.

"Adrian, anak. Bakit ka nandito?" Tanong ni mommy ng mapansin ako kaya napalingon sila sa direksyon ko na nakita ko ang pagkagulat ng mukha ni insan at ng babaeng katabi niya. Tumayo si mommy at nilapitan ako. Humawak siya sa braso ko at hinila papasok sa kusina.

"Mommy, anong nangyari?" Pagtatakang tanong ko.

"Tita, pwedi bang makausap si insan?" Nang mapalingon kami ni mommy at nakita namin si Josh na nkatayo. Sumunod pala si Josh sa amin.

"Oh naman dude. Bakit?" Tanong ko.

"Oh sha, maiwan ko muna kayo." Ang sabi ni mommy at umalis na siya.

"Insan, may problema ako!" Nagulat ako ng sabihin iyon ni insan.

"Anong problema?" Pagtataka ko "Oh nga pala, nakita ko si Erika sa school. Hinihintay ka! Hindi ka daw pumasok. Anong problema?"

PS: FOLLOW AUTHOR, VOTE AND LEAVE YOUR COMMENTs.

 

Bakit Ba Minamahal Kita? (*COMPLETED*)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon