Dalawang linggo. Isang araw. Dalawang po't isang oras at labing dalawang minuto na kaming magkarelasyon ni Joshua. Sa loob ng dalawang linggong iyon ay naging masaya ako. Wala akong iniisip na problema. Walang gumugulo sa isipan. Puro pagmamahal ang nararamdaman ko kay Joshua. Sana hindi sya magbago. Masaya ako na natagpuan ko na sya. Sana sya na nga.
Sembreak. Wala kaming pasok. Nag-aya si papa na magswimming kami. Gusto ko isama si Joshua. Kaya ipinaalam ko sya kay papa. Pumayag si papa at kaya kasama namin si Joshua magswimming.
Pagkadating namin sa resort ay kumain muna kami. Pagkatapos ay iniwan namin sila papa at naglibot kami ni Joshua sa resort. Maganda. Ang ganda ng mga nakikita ko. Malinis at maayos. Pumunta kami sa tabing dagat ni Joshua. Naglalakad sa tabi. Nagkukwentuhan at masayang namamasyal. Nagtatawanan habang magkahawak ang aming mga kamay.
"Sana hindi na matapos ang araw na ito." Ang sabi ni Joshua na nakatingin ng deretso habang naglalakad kami.
Napatingin ako sa kanya. "Sana. Kung pwedi lang." Napahinto kami.
Tumingin sya sa akin. Inilagay nya sa likod ng tenga ko ang nililipad kong buhok na tumakip sa mukha ko. Hinawakan nya ang pisngi ko. "Baby, thank you that you came into my life. I love you so much."
"Salamat din at dumating ka. Mahal na mahal din kita Joshua. Sana hindi ka magbabago." Naramdaman ko nalang ang yakap nya. "Hindi. Hindi ako magbabago." Sagot nya.
Lumapit kami sa nagtitinda ng buko shake. Bumili si Joshua. Tumunog ang celfon ko kaya kinuha ko sa bulsa ko at tiningnan. Nakita kong nagtext si bestfriend at kaya binuksan ko.
Imposible. Hindi sya iyon. Nagulat nalang ako ng mabasa ang text ni bestfriend at bigla kong naalala yung nakita kong lalaking bumaba sa puting van na huminto sa tapat ng bahay nila Joshua nung pauwi na kami.
"Best alam mo bang andito na si Adrian sa pinas? Nalaman ko kay Jethro at dalawang linggo na pala syang andito. Nagyaya daw ng reunion natin. Paano kapag nagkita kayo?"
Nilapitan ko si Joshua. "Baby dito ka lang, cr lang ako. "Sabi ko habang nagbabayad sya sa binili nya. Kaya nagmadali akong umalis at naghanap ng banyo. Nang may makita ako ay agad akong pumasok at napatingin sa salamin.
Akala ko ba sa bakasyon pa ang dating nya. Bakit andito na sya. Kung dalawang linggo na syang andito, posibleng ngang sya yung nakita ko. Pero bakit? Bakit naman sya pupunta kina Joshua? Huh? Naguguluhan ako. Paano kapag magkita kami? Ano ang sasabihin ko. Ewan. Haist.
Bumuntong hininga muna ako. Naghilamos at inayos ang sarili. Napatingin muna ako sa salamin. Napaisip. Tsaka ako lumabas at pinuntahan si Joshua.
Ngunit ng makita ko sya ay nagulat nalang ako sa nakita ko. Isang pamilyar na mukha ang kausap nya. Isang pamilyar na tao sa akin. Hindi ko sya makakalimutan. Hindi.
Graduation Day.
Masaya ako dahil sa wakas ang paghihirap ko sa hayskul ay matatapos na. Masaya rin ako na ang pagtatapos na ito ay kasama ko si Adrian. Magkasama kaming parehong aakyat sa intablado para kunin ang aming diploma. Masaya rin ako dahil mabibigyan ko ng medalya ang paghihirap ng mga magulang ko para mapag-aral ako. Isa ako sa ten outstanding graduates sa batch namin.
Ngunit bakit ganun? Maramot ba ako kung ayoko nakikitang may kausap o kasamang ibang babae si Adrian? Sinasakal ko ba sya sa relasyon namin kung hindi ko sya pinapayagang sumama sa gimik ng mga kaibigan nya? Possessive ba ako e, mahal ko lang naman sya. Pero bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa kung kelan ako masaya?
Nakita ko si Adrian na inalalayan ang isang babae na makababa sa hagdan. Pero buti sana kung yun lang ngunit hindi. Nakahawak sya sa beywang nito at ang malala ay hinalikan sya ng umalis yung babae. Bakit sa harapan ko pa?
BINABASA MO ANG
Bakit Ba Minamahal Kita? (*COMPLETED*)
RomansI hate waiting. But if waiting means being able to be with you, I'll wait for as long as forever just to be with you. . . . ║▌█│║▌║│█║▌║▌ All Rights Reserved ║▌█│║▌║│█║▌║▌ Copyright © 2013 - 2014 by Mart25