Chapter 15

209 9 4
                                    

Si Tita Jemina?

Andito si tita? Alam na kaya niya ang tungkol sa amin ni Josh? Paano kung . . . Wag naman sana. Ang kaninang kaba na naramdaman ko ay bumalik. Kinabahan ako. Siguro ay kaya ako kinabahan kanina ay dahil dito.

"Baby? What's wrong? May problema ba?" Tanong niya ng mapansin siguro ako. "Gusto ka nga niya makilala eh." Makilala?

"Ahmmm.... w-Wala! Never mind baby! ahmm.. Ba-bakit daw?" Nautal kong tanong. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko.

"She wan't to meet you. The girl that I love!" Nakangiting sabi ni Josh. Kaya pilit ko siyang nginitian kahit na gulong gulo yung isipan ko. Andaming mga katanungan na diko maintindihan. Ewan ko ba bakit bigla akong kinakabahan ng ganito. What if, magkita kami ni tita?

KRING! KRING! KRING!

Napahinto kami ng tumunog ang celfon ni Josh. Napatingin ako sa kanya at pagkuha niya ay bigla nalang napakunot ang noo niya. What's wrong?

"Bakit mo pinatay? Baka importante yang tumatawag sayo." Ang sabi ko ng hindi niya iyon sinagot.

"Ah.. wala to. barkada ko lang!" Sagot niya at agad na binalik sa bulsa yung celfon niya.

"Baka may importanting sasabihin yan!" Sabi ko pa.

"Later nalang, kasi ayoko masira yung moment natin together eh!" Sagot niya. Bahagya akong napangiti.

"Asus may nalalaman pang ganyan ang boyfriend ko. Halika nga." Ang sabi ko at niyakap siya. Ewan. Pero sa pagyakap ko ay pareho kong naramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso namin.

Pumasok na ako ng National Book Store para bilhin ang mga kailangan ko at si Josh naman ay naiwan sa labas dahil kay Erian na  bawal sa loob.

Sa paghahanap ko ng mga kailangan ko ay may babaeng bumunggo sa akin. Napatingin ako. "Sorry." Sabi niya. "Okey lang." Sabi ko at nginitian siya.

"What are you saying?" Sabi niya with her american accents. Huh? Napatingin ako sa itsura niya. Napaisip ako.  FOREIGNER?

"I said , it's fine." Sabi ko. Nang tumunog ang phone niya ay agad naman niyang sinagot iyon.

Ngayon ko napatunayang foreigner nga dahil sa purong english magsalita kaya siguro hindi niya ako naintindihan. Maganda siya. Pweding pangmodel. Hindi ko na siya pinansin at naghanap na ng mga kailangan ko.Nang makita ko na lahat ng mga nakalista sa maliit kong notebook ay nagbayad na ako sa counter.

Ang mamahal pala nito? Prof na yun, dami kasi pinapabili buti sana kung mura lang. Halos isang libo din lahat ng binayaran ko.

Pagkalabas ko ay nakasabay ko yung babae kanina at may kausap parin siya sa phone. Nang mapahinto ako sa nakita ko. Si Adrian. Nakita kong lumapit si Adrian at hinalikan niya yung babae. Hindi kaya siya ang girlfriend niya?

"Hey dude!" Napatingin ako sa sumigaw at nakita ko si Joshua na papalapit sa kanila. "Hi ziel." Ngumiti yung babae at sabing. "Hello."

"Yeah dude. Ikaw pala. Sino kasama mo?" Tanong ni Adrian at napatingin siya kay Erian. Nang patingin sila sa direksyon ko ay agad akong nagtago.

Napahawak nalang ako sa dibdib ko habang nakatago sa likod ng isang shelves at pinakiramdaman ang mabilis na tibok ng puso ko. Enhale. Exhale.

Tapos ko ng bilhin ang mga kailangan ko. Pero naghahanap parin ako ng hindi ko alam kung ano dahil ang totoo ay gusto ko lang magtagal para pagkalabas ko ay wala na sila. Ewan. Pero ramdam kong ayaw ko silang makaharap.

Bakit Ba Minamahal Kita? (*COMPLETED*)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon