Chapter 4

595 11 2
  • Dedicated kay Mary Ann Velasco
                                    

Nang mag-uwian na ay dinaanan muna namin si bestfriend sa klase nya dahil sabay kaming uuwi. Nang madaan kami malapit sa may Gym ng University ay hindi namin inaasahang muli namin syang makita. Yung lalaki kanina. Si Kuya. Hindi ko kasi nakuha yung pangalan nya. Yung lalaking nakabangga sa akin.

"Ka, si Mr. Pogi yun diba?" Ang sigaw ni Jovina sa akin ng makita si kuya. Akala naman nito hindi ko nakita. Baka ako pa nga ang naunang nakakita e.

"Ooooy,!" Ang pang asar ng mga kaibigan ko. Tsk. Kanina pa talaga to sila. E hindi ko nga kilala tong lalaking to. Tsaka hindi kami close para asarin nila ako sa kanya. Haist!

"Tara, gusto mo puntahan natin?" Ang sabi naman ng baliw kong bestfriend. Pang-asar? Lalapitan namin e hindi nga namin kilala.

Puntahan? Para ano? Magpakilala? Tanongin ang pangalan nya? Magpapapansin? Para saan? Para mapansin? E kung ayoko nga. Hindi ako ganung babae na, nagpapapansin sa mga lalaki. Hindi ko ugali yun. Tss.  Hindi ko nga nagawa yun kay Adrian.

"Tara girl, tanong natin pangalan nya." Dagdag mo pa itong isa kong baliw na kaibigan. Si Jaiah. Sarap paguntogin e noh?

Haist! Mga kaibigan nga naman. Kaya rin kasi gusto nila makilala ko si kuya ay gusto daw nila magkaboyfriend na ako ulet. May mga lalaki silang minsan na pinapakilala sa akin. Kaso wala pa akong nakikitang mas higit pa kay Adrian. Tsaka hindi pa ako handa. Para muling umibig. Siguro. Siguro kapag mahanap ko na sya. My destiny.

"Tss. Uwi na nga tayo." Ang sabi ko at iniwan ang tatlo. Sumunod naman sila sa akin.

Sinundo ni Wayne si Jaiah at kaya ay nakisabay narin kami ni bestfriend dahil sa may sasakyan si Wayne. Sa La Salle sya nag-aaral ngayon ng kursong IT.

Unang bumaba ay si bestfriend dahil bahay nya ang unang madaanan namin. Kasunod ay sa amin. Nagpaalam na ako sa dalawang lovers at bumaba na.

Pagkabukas ko ng gate ay napansin kong patay ang ilaw ng bahay namin. Nakita ko si papa sa may pinto na nakaupo at nakasandal sa dingding. Kinabahan ako. May problema ba? Anong nangyari? Nasaan si mama? Si Ariel?

Nilapitan ko si papa. "Pa, bakit?" Pagtataka ko at umupo ako sa tabi nya.

Nagulat sya ng makita ako at agad na nagpunas ng luha. "Ikaw pala anak. Kumain kana ba?"

"Pa, bakit? "Ulet ko. "May problema po ba? Nasaan si mama? Si Ariel?"

"Anak,  nasa hospital si Ariel," Bigla nalang napahagulhol ng iyak si papa.

"Huh? Bakit po?" Nagulat ako sa narinig ko.

"Nabundol sya ng sasakyan kanina at tinakbuhan ng may-ari." Naluluhang kwento ni papa na pinipigilan ang kanyang pag-iyak.

Diko naiwasang mapaluha sa narinig ko. Ano ang nangyari sa kapatid ko? Napatingin ako kay papa. Saan kukuha ng panggastos si papa? Alam ko na hirap na hirap sila mama at papa ngayon.

Si papa Nath, ay isang employer lang sa isang kompanya. Sapat lang din ang kanyang kinikita para may makain kami. Mapag-aral kami ni Ariel, ang bunso kong kapatid.

Si mama  Marigold naman, ang aking ina ay walang trabaho dahil sa umalis sya sa dating tinatrabahuan nya ng ipinanganak nya si Ariel at hindi na sya bumalik para maalagaan kami dahil sa disisyon din ni papa.

"Pa, kumusta si Ariel?" Pag-aalala ko.

"Ooperahan sya anak at kailangan natin ng malaking pera. "Teka, kumain kana ba?"

"Hindi pa po." Sagot ko. Pumasok na kami sa loob ni papa. Pinaghandaan nya ako ng makakain pero sabi ko ako na. Wala akong ganang kumain. Gusto ko makita ang kapatid ko. Abala naman si papa na may tinatawagan sa telepono.

Bakit Ba Minamahal Kita? (*COMPLETED*)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon