Kung babalikan ko ang nakaraan . . . ayoko ng isipin at alalahanin pa sapagkat napapaluha ako sa tuwing sasagi sa isipan ko kung bakit ko sya pinakawalan. Kung bakit ko sya hinayaang umalis . Kung bakit hindi ko sya pinigilan.
Hinayaan ko syang iwanan ako. Hindi ko rin sya masisi dahil ang lahat ng ito'y kasalan ko din. Ngunit nagbabakasakali ako. Umaasa na isang araw ay magkita kami muli. Magkausap at muling magkasama. Sana sa araw na yun ay nahintay pa nya ako. Sa araw na yun ay wala pang bagong dumating. Ngunit papaano kung may mahal na syang iba? Paano kung nagbago sya? Paano kung ayaw na nya sa akin? Masisi ko ba sya?
Isang magandang umaga ang bumungad sa aking paggising. Napatingin ako sa maliit na alarm clock na nakapatong sa maliit na mesa katabi ng kama ko. Pasado alas dyes na ng umaga. Bumangon na ako at nagpunta sa banyo para maghilamos. Inayos ko na rin ang aking sarili. Mabuti nalang at linggo ngayon kaya wala kaming pasok. Ano kaya ang magandang gawin? Parang trip kong maggala ngayon. Para naman mapahinga ang utak ko dahil bukas ay pasokan na naman at makikita ko na naman ang teror naming prof sa Science. Hay. Tawagan ko kaya si best, para samahan ako. Siguro naman walang date yun. Kasi kagabi lang ay magkasama sila ng boyfriend nya. Sana naman libre sya ngayon.
Pagkalabas ko ng banyo ay agad kong pinuntahan yung celfon ko na nakapatong sa ibabaw ng cabinet ko para tawagan si bestfriend ngunit imbes na ang celfon ko ang dadamputin ko ay ang isang nobel book na regalo ni bestfriend sa akin kahapon sa bff day namin ang nadampot na nakakuha ng atensyon ko. Alam ni bestfriend na mahilig akong magbasa ng libro na nakasanayan ko na simula nung iwan nya ako. Siguro dahil tulad sa mga novel at pocket book na binabasa ko ay umaasa ako na may happy ending. Kaya naman ay isang nobel books ang niregalo nya sa akin. Kagabi ko pa sya gustong basahin ng buksan ko ang pinaglalagyan nito dahil pamagat palang ng libro ay nakaagaw na sa akin ng atensyon ngunit natatakot ako dahil pamagat palang ng kwento ay sya na ang naiisip ko. Ang naalala ko. "The First Time We Met"
Nasa ikatlong taon na ako ng hayskul noon at nag-aaral sa isang pribadong eskwelahan sa Makati. Nasa star section at isa sa mga panglaban ng writing compitation sa eskwelahan namin. Suplada, masungit, mataray, lion, tigre, yan ang kadalasang naririnig ko na sinasabi tungkol sa akin ng mga estudyanteng hindi ako kilala. Siguro dahil narin sa ugali kong prangkadura, matapang, aminadong makapal ang mukha at walang kinatatakotan. But I know my limitations and to respect others if they also know how to respect me too. Pero kung bastusan, hindi kita titigilan.
Aminado rin ako na totoong galit ako sa mga lalaki dahil narin sa minsan akong napahiya ng magtapat ako ng nararamdaman ko at pinagtatawanan lang ako. Kaya kahit kapatid kong lalaki ay napag-iinitan ko minsan. Sabi nga ng mga kaibigan ko, para daw akong araw araw may regla kasi minsan kahit sila ay napagsusungitan ko. Kaya rin siguro ako NBSB, No Boyfriend Since Birth dahil sa ugali kong ito.
But everything was change when I met him. When he came into mylife. He change me, my life, and everything. He did it. Ang bato kong puso ay napalambot nya na parang keso. "LOVE" change me.
Maaga namin natapos ang ginagawa naming assignment sa library, at maaga pa kaya naisipan naming kumain at tumambay muna sa canteen kasama ko ang mga maiingay kong mga kaibigan, ang aking mga chicka girls.
Na sina Lyssa Camacho, ang pinaka maingay sa amin na madaming kwento at palabiro. Si Dindi Gonzales, ang pikonin at ang aming maria clara. Si Jaiah Lazaga, ang kaibigan kong aminado akong may pagka malandi. Babaeng madaling ma in love. Kaibigang laging trip ako at itinutulak sa mga lalaki dahil gusto nyang magka boyfriend na ako. At si Angielyn Abesada, ang aking bestfriend at kasangga simula pa nung kami'y nasa elementarya. Mga kaibigan kong laging nariyan kung isa sa amin ay may problema.
![](https://img.wattpad.com/cover/3763239-288-k172151.jpg)
BINABASA MO ANG
Bakit Ba Minamahal Kita? (*COMPLETED*)
RomanceI hate waiting. But if waiting means being able to be with you, I'll wait for as long as forever just to be with you. . . . ║▌█│║▌║│█║▌║▌ All Rights Reserved ║▌█│║▌║│█║▌║▌ Copyright © 2013 - 2014 by Mart25