Chapter 24

188 4 2
                                    


Buwan, linggo, araw, oras, minuto at segundo ang lumipas ngunit hanggang ngayon ay masakit parin sa akin ang katotohanan na wala na si Josh. Ang lalaking muling bumuo sa nadurog at nawasak kong puso noon. Hindi tumigil si Josh na muli akong suyuin at nagmakaawa na balikan ko siya.

Masakit! Masakit na pigilan ang puso na alam naman naming parehong mahal pa namin ang isa't isa na hanggang ngayon. Pero naging matigas ako at hindi na pinaglaban siya. Isinuko ko siya kahit alam ko sa sarili ko na nasasaktan ako. Pero yun kasi ang alam kong  tamang gawin. Ayoko namang maging selfish. Kaya naging mapagbigay ako dahil na rin sa bata.

Kung alam lang niya na isinuko ko siya dahil ayaw kong mawala siya. Papatayin siya ng daddy ni Ramona kung hindi papakasalan ni Josh ang anak nila. Kaya kahit dalawang buwan na ang lumipas, nasasaktan parin ako na iniisip kung tama nga ba ang pagsuko ko sa kanya kahit na siya'y lumalaban pa. Bakit Ba Minamahal Kita kahit na alam kong hindi na tayo para sa isa't isa.

"Erika, mag-isa kana naman." Napalingon ako ng marinig iyon. Nakita ko si Adrian na lumapit at umupo sa tabi ko. Nandito na naman kasi ako sa park ng university kung saan ang tambayan ko. Kung gusto kong mapag-isa.

Hindi ko alam kung bakit. Kung ano o sinasadya dahil lagi nalang dumadating si Adrian sa oras ng kailangan ko ng kausap at sa oras na malungkot ako. Siya ang lagi kung kasama at nagpapasaya sa akin nung panahong masakit pa sa akin tanggapin ang nangyari. Siya ang umunawa at nagpapaintindi sa akin hanggang sa ngayon na unti onti ko naring natatanggap ang mga pangyayari pero nanatili parin sa puso ko ang sakit at pagmamahal ko kay Josh. Sa totoo lang, sumasaya at napapangiti ako kapag kasama ko si Adrian na hindi ko alam kung bakit.

"Tama na yang pag-isip. Sumama ka nalang sa akin."Bigla siyang umakbay sa balikat ko. Napatingin ako sa kanya.

"Saan?" Tanong ko.

"Mamasyal nalang tayo!"

"Mamasyal? Saan naman?"

"Kahit saan. K-kahit saan mo gusto!" Nakangiti niyang sagot sa akin ng tingnan ko siya.

"I-ikaw! Ikaw nagyaya e." Balik ko sa kanya.

"Mag Star City nalang kaya tayo? Ano? Good idea?" Itinaas niya yung dalawang kilay niya para tanongin kung sumasang ayon ako.

"Good idea! Tara!" Ang sabi ko at hinila na siya patayo.

Sa paglalakad namin ay nakasalubong namin si Joshua. Napahinto kami. Tiningnan ko siya. Matagal tagal nadin ng huli ko siyang nakita. Siguro higit isang buwan nadin ng tuluyan na niya akong sinukuan. Kumusta na kaya siya? Mukha naman siyang okey.

"Maiwan ko na muna kayo." Sabi ni Adrian at naglakad papalayo sa amin. Tiningnan ko si Josh at nginitian.

"Hi." Ang nakangiting sabi niya.

"Kumusta!" Na sabay naming nasabi. Napangiti kami pareho. Tahimik at sabay na naglakad.

"Uuwi kana ba?" Tanong niya. Tumango lang ako."Yayain sana kitang kumain."

"Salamat. Pero may lakad kasi kami ni Adrian." Sabi ko.

"Ow? Kayo na ba ulet ni insan?"

"Huh?" Napahinto ako ng magulat  sa tanong niya. "Hindi ah. Magkaibigan lang kami." Tanggi ko.

"Ikaw? Kayo ni Ramona? Kumusta kayo?" Pag-iba ko ng usapan at nagsimula na ulet maglakad.

"We're fine. We're going good. Maybe, time will come and I will learn how to love her." Bigla akong natahimik sa sagot niya. Hindi nakasagot agad dahil hindi ko rin naman alam kung ano nga ba ang sagot. Kung ano ang dapat kong sabihin.

Bakit Ba Minamahal Kita? (*COMPLETED*)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon