EPILOGUE: The Ending

385 8 3
                                    

Sa buhay, may taong darating na magpabago sayo.

Taong hindi mo akalaing darating sa buhay mo.

Taong, MAGPAPASAYA sayo.

Ngunit ang taong yun din ang MAGPAPALUHA sa iyo.

Aasa ka.

Na sana may Second Chance.

Na totoo ang destiny.

Na kung kayo talaga ay gagawa ang tadhana na muli kayong magkasama.

Pero hindi ba't kung may mga taong iiwanan ka ay may mga tao ring darating?

Siguro para tulungan kang tuluyang makalimot.

Para muling umibig.

Sumubok magmahal ulet.

Iibig ka.

Magmamahal muli.

Ngingiti at sasaya tulad ng dati.

Pero TANDAAN MO, sa PAG-IBiG hindi laging masaya.

Siguro ngayon ay nakakapagngiti ka. Nakakatawa.

Pero hindi mo alam na posibleng mamaya, bukas o sa susunod na mga araw ay ang ngiting iyon ay mapapalitan ng mga luha.

Dahil sa isang RELASYON ay laging nariyan ang PAGSUBOK.

Na sa iyo nalang kung susuko ka.

O lalaban.

Ang matindi pa ay kung malaman mo ang taong minahal mo noon ay may koneksyon sa mahal mo ngayon.

Ipaglalaban mo siya. Itatago ang tunay na laman ng puso dahil iniisip at inaakala mo na SIYA NA.

Pero paano kung daan lang siya para sa SECOND CHANCE na hiningi mo?

Because, some people are meant to fall in love with each other but not meant to be together.

Ang totoo ay may ibang nakatadhana sa kanya. At hindi ikaw iyon.

Masakit.

Babalik ang sakit tulad ng dati.

But that is the Cycle of Love.

Naging daan lang siya para madugtungan ang naputol na pagmamahalan noon.

Ngunit paano kung huli kana?

May mahal na siyang iba.

Pero sigurado kaba talaga na mahal niya iyon?

O paraan lang yun para pigilan niya ang tunay na naramdaman niya para sa iyo.

Minsan hindi natin kayang ipaliwanag ang sinasabi ng ating damdamin.

Kung ano nga ba ang ibig nitong sabihin.

Ngunit kapag nagkatagpo na ang dalawang damdaming naguguluhan. Nalilito. At kapag magkalapit ito ay mahirap ng itanggi ang parehong nararamdaman nito.

At kung may girlfriend kana o boyfriend na mahal ka.

Maging loyal ka.

Huwag kana gumawa ng kalokohan.

At maging masaya ka.

Kasi sila ang mga taong kayang magsakripisyo.

Wag kanang maghangad at wag ng maiinggit sa iba.

Piliin mo nalang kung saan gaganda at sasaya ang relasyon niyo.

Hindi man kayo ang Perfect Couple.

Bakit Ba Minamahal Kita? (*COMPLETED*)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon