[ CHAPTER 1 ]
Madilim.
Literal na madilim ang aking paligid maliban sa daan na dinadaan ko. Mag isa at lakas loob kong tinahak ang madilim at nakakatakot na daan na ito. Ano ngaba talaga ang nangyayari? Bakit ganito? Bakit wala akong ibang nakikita? Hindi naman ata ako bulag dahil nakikita ko pa naman ang lumang kalsadang ito.
Gusto kong huminto sa paglalakbay ngunit naghari saakin ang kyuryosidad na syang nagbigay buhay sa mga paa ko upang magpatuloy sa pag lalakad.
Madaming rason para huminto ako ngunit gusto kong makita kung ano ngaba ang nasa dulo ng nilalakbay ko.
Ano ngaba ang mayroon?
Bakit mag isa lang ako?
Hindi naman ata haunted house ang nasa dulo nito diba?
Ano iyon?
Ano yung naririnig ko?
Boses ng batang umiiyak?
'shhh...'
Boses ng isang ina na pinapatahan ang anak nya.
Lumingon ako sa paligid ko ngunit wala akong nakikita na kahit anong anino ng mag ina.
Unti unting bumibilis ang paglalakad ko hanggang sa narealize ko na tumatakbo na ako. Sino sila?
Dahan dahang pumapatak ang mga luha ko at may matinding kirot akong nararamdaman sa dibdib ko pero bakit?
Bakit ang sakit?
Ilang beses ko pa bang mararamdaman ito?
Kailan ba ito titigil?
Paulit ulit nalang at nakakasawa na.
Mas binilisan ko ang pag takbo nang masilayan ko na parang may maliwanag doon sa dulo at na syang dahilan kung bakit mas lalong umiiyak ako ngayon at mas kumikirot ang dibdib ko.
Heto na.
Malapit na ako,
Sino sila?
Tama nga, mag ina. Pero sino sila?
Dahan dahang lumingon saakin ang babae na may hawak na bata ngunit...
Hindi..
Hindi maaari!!
Bakit ganoon?!
Bakit ganoon ang wangis nila?!
Mag ina nga ngunit parehong walang mukha!!
Nang dahil sa takot at gulat, dahan dahan akong umatras ngunit biglang parang may patibong akong naapakan na syang sanhi ng pagkahulog ko.
Nahuhulog ako.
Kabaligtaran nito ang nakita ko kanina dahil puro ito puti.
Ano ba talaga ang nangyayari?
Bumagsak ako sa isang lugar na puro salamin at halos sarili ko lang ang nakikita ko.
"Sino ka?" Sabi ng tao na nasalikuran ko. Pamilyar saakin ang boses nya.
"Sino ka?" Pag uulit nya. Tama! Pamilyar talaga saakin ang boses nya! Dahan dahan akong lumingon upang makita sya ngunit..
S-sya?
Para akong nabuhusan ng napakamalamig na tubig dahil sa nakita ko.
Oo puro salamin ang nasa paligid ko ngunit paano nangyari iyon?
Saan sya nang galing?
"Sino ka?"
---
Bigla akong napabangon mula sa hinihigaan ko dahil sa panaginip nanaman na iyon.
Ilang beses na din akong nagpakonsulta sa psychiatrist ngunit ang lagi lamang sinasabi saakin nito ay "Hamara,masyado ka kasing nag o-overthink." Or "Hamara, masyado ka nanaman kaseng nag iisip ng kung ano ano." Hindi naman kase nya ako naiintindihan e.
Pumunta ako ng kusina para kumuha ng tubig dahil masyadong nanuyo ang lalamunan ko dahil sa panaginip na iyon.
Halos ilang minuto nalang din pala ay tutunog na ang alarm clock ko.
Naligo nalang ako at nag ayos. Hindi na ako nag almusal dahil wala ako sa mood kumain. Kinuha ko nalang ang gamit ko at umalis na ng bahay papuntang school.
------
Pag kababa ko ng sasakyan ay rinig na rinig ko agad ang ingay ng mga istudyante mula sa loob ng paaralan. Dahil nga mabilis akong mairita sa maiingay, naisipan ko nalang na mag earphone at mag soundtrip.
Sa tuwing nag lalakad ako papunta sa classroom ko, hindi na bago saakin na ituring nila ako na parang wala lang.
Heto yung buhay na tahimik at payapa pero mag isa. May kulang. At hindi ko alam kung saan ko hahanapin yung kulang saakin.
"Oy tol! Tingin ka dito sa Camera!! HAHA ayan!! Pogi ko talag- Hala shet!! "
Napatigil ako sa paglalakad nang nakita ko na puro spaghetti ang puti kong uniporme. Sht naman.
"Sorry po talaga!! Sorry!" Pag hihingi ng tawad saakin ng lalaking kaharap ko ngayon kasama ng kaibigan nya.
"Arigato po! Huhu arigat- aray ko naman! Bakit ka nambabatok?!" Sigaw nya sa kasama nya.
"Bonakid kaba?! Anong arigato?! Tanga!" Sigaw din sa kanya pabalik.
" Eh hindi ha sorry ang meaning non?"
"Bonakid ka talaga!!"
Umalis nalang ako sa harapan nila at napag desisyonan na pumunta ng cr para mag palit ng uniform. Wala din naman akong mapapala kung sisisihin ko sila sa pag mantsa ng bago kong uniform. Buti may dala akong extra. Hays.
[END OF CHAPTER 1]

YOU ARE READING
The Last Crepuscule
Fiksi RemajaIn love stories, after they overcome the problem, it always has a happy ending. But what happened to my love story? She sacrifice everything just for my own sake and her own beliefs.