CHAPTER 17

5 1 0
                                    


[CHAPTER 17]

TIM ALVAREZ POV

Nakangiti akong umuwi ng bahay. Kala mo nanalo sa  palaro no? HAHA. Syempre sino ba naman ang hindi matutuwa doon hindi ba? And that was the thing that all of us wanted. Ang mahalin tayo pabalik ng taong mahal natin. Sa ibang story kase, dadaan muna kayo sa isang mahirap o mabigat na pagsubok bago kayo magkaroon ng happy ending. Sana ganoon din kami.

"Aba aba! Nakangiti ang binata namin ngayon a? Nanalo ka sa lotto?" Nakangiting salubong saakin ni papa. "Pa, kung alam mo lang, higit pa sa lotto ang napanalunan ng anak mo" nakangiti kong tugon.

"Aba eh mukhang inlove ang anak ko pa! Halatang halata sa mata at sa ngiti. Talagang binata na ang anak namin" emosyonal na sabi ni mama.

"Ma, pa.." lumapit ako sa kanila at hinawakan ang kamay nilang dalawa. "Kahit may nagugustuhan na akong magandang dalaga, baby nyo pa din ako."

"Ay so meron nga anak? May nagugustuhan kana?" Gulat na tanong nilang dalawa at dahan dahan akong tumango. Umupo ako sa upuan at nilabas ang cp ko at in-stalk si Hamara.

"Ma, pa halika po kayo dito." At umupo silang dalawa sa tabi ko.

"Sya po yung babaeng gustong gusto ng anak nyo" pare-pareho kaming napangiti mula nung ipinakita ko sa kanila yung picture ni Hamara.

"Aba e kay gandang babae nga naman." Nakangiting sabi ni papa.

"Binata na ang toto namin ayiee" napatingin ako kay mama dahil sa pang aasar nya.

"Ma naman" natawa lang sya.

"Kapag pareho na kayong handa, dalhin mo sya dito anak ha? Gusto namin syang makilala ng mama mo." Nakangiting sabi ni papa kaya tumango nalang ako.

Pagkatapos naming magkwentuhan tungkol kay Hamara ay umakyat agad ako sa kwarto ko. Nagpalit ako ng damit at nahiga sa kama. Kinuha ko yung phone ko at tinignan ulit ang picture ni Hamara.

"Tsk tsk tsk mahal ang ganda mo." Bulong ko sa sarili at nag paggulong gulong sa kama.
_____

HAMARA POV

"I'm home" sigaw ko sa loob ng bahay kahit alam ko naman na walang sasagot sa sinabi ko dahil mag isa lang ako dito. Binuksan ko yung ref ko. Pansin ko na wala na pala itong laman kahit anong pagkain. Kinuha ko yung wallet ko. Mag g-grocery nalang ako para kahit papaano may laman ang ref ko.

--
Andito ako ngayon sa part ng sm kung saan nakalagay yung nga sabon, shampoo, lotion and etc.

Kumuha ako ng sabon at mga shampoo. Inalala ko lahat ng mga bagay na kailangan kong bilhin and mukhang andito nanga lahat. Akmang papunta na ako sa counter ng bigla akong may nakabanggaan na lalaki. Matangkad at nakahoodie jacket. Pareho kaming napatingin sa mata ng isa't isa. Bigla akong nakaramdam ng panlalamig sa buong katawan kasabay din ng pagkanginig nito. Nabitawan ko yung basket na kung saan ay puro mga bibilhin ko sana ang mga laman. Tumakbo ako palabas sa sm at nag abang agad ng taxi dahil wala nang masyadong dumadaam na jeep dito kapag ganitong oras na. Sa hindi kalayuan, nakita ko agad ang paparating na taxi at agad itong pinara. Pagkapasok ko sa taxi naiyon ay bumuhos agad ang mga luha na kanina pang gustong kumawala.

THIRD PERSON'S POV

  It's nice to see her again. Pero mas okay sana kung nakangiti syang sumalubong saakin, pero hindi e. She face me with scared and hatred on her face. Hindi ko naman sya masisisi kung bakit ganoon ang naging reaction nya. Marahil ay nakilala nya agad ako sa pamamagitan ng mata ko. Kung maibabalik ko lang ang dati,gagawin ko ang tama at hindi mag papasilaw sa mga bagay na pansamantala lang naman dito sa mundo. Gusto ko syang mayakap muli at itrato na parang prinsesa.


Kung maibabalik ko lang talaga, mas mamahalin ko sya higit sa pagmamahal ko sa sarili ko..

___
[END OF CHAPTER 17]


The Last CrepusculeWhere stories live. Discover now