[ CHAPTER 22 ]
"Oh gagi ba't ka umiiyak?" Natatawang tanong ni Tim kay Sheina.
"Eh gaga ka pala eh! Kung 'di mo sya tinanong ng gano'n edi sana hindi mabubuking sikreto nya!" Panenermon ko kay Tim.
"Ay ganon? Ba't ako nung binubuking nya ako dati na gusto kita hindi ako nagalit?"
"T*nga halata ka naman kase kaya kahit hindi ka umamin alam namin na may pagtingin ka saakin!" Sagot ko kay Tim at umirap pa ako.
"Lika nanga Sheina" hinatak ko pa si Sheina palayo sa lugar na iyon. Narinig pa namin na tinawag ako ni Tim at tinanong kung saan daw ba kami pupunta pero hindi na ako nag abalang sumagot.
Huminto kami malapit sa may Convenient store at iniupo ko sya sa may upuan sa labas ng store at tinignan nya ako.
"Anong ginagawa natin dito?" Luhaan na tanong nya saakin. Pinunasan ko ang mga luha nya at hinarap sya.
"Pagpasensyahan mo na si Tim a? May lahing marites kase bibig non." Hindi sya umimik. Pumasok ako sa loob ng store at binilhan sya ng tubig pagkatapos ay binalikan sya sa labas at iniabot sa kanya 'yon.
"Oh ano yan?" Tanong nya.
"Tubig"
"I mean para saan?" Tanong nya ulit
"Inumin mo. Napasobra ka sa iyak kanina." Kinuha nya yung tubig mula sa kamay ko at ininom iyon.
"Thank you." Tinanguan ko lang sya.
Ilang minuto rin pumagitnan saamin ang katahimikan. Magkatabi lang kami pero pakiramdam ko ilang milya ang layo nya saakin. Maingay naman ang paligid pero nabibingi ako sa katahimikan na meron saamin.
" Kamusta na pakiramdam mo? " Pagbabasag ko ng katahimikan.
" Medyo maayos na " rinig ko pa na napabuntong hininga sya. Kaya tumango nalang ako.
"Hindi ko na alam gagawin ko. Wala na ata akong mukhang ihaharap sa kanya." Panimula nya.
"Wala naman talaga akong balak umamin e. Hindi ko rin naman ginustong mahulog sa kanya. Sa una alam ko na hindi ako mahuhulog sa kanya. Kase you know? He's like a brother to me. Kaya malakas kutob ko noon na hindi ako mahuhulog." Dagdag nya at tahimik lang ako na nakikinig.
"Pero nitong nakaraang buwan hindi ko na alam ang nangyayari saakin. Like wth is happening? Yung puso ko nagwawala pag nagtatama mga mata namin, nanghihina mga tuhod ko pag lumalapit sya saakin. Like alam mo yon? Yung presensya na nya lagi ang hinahanap hanap ko? And ayon... Hanggang sa narealize ko nahulog na ang chakra na kagaya ko." Naiiyak sya habang binabanggit ang mga katagang yan.
"Ayoko ng gan'to e.. I mean ayaw ko mawala yung bagay na meron kami. Baka mamaya lumayo sya saakin dahil doon. Ayoko.. ayoko ng gano'n Hamara" umiyak na sya ng tuluyan kaya hinahaplos ko yung likod nya at napabuntong hininga ako. Aaminin ko nung una nag dadalawang isip pa ako no'n kung sasagutin ko ba sya o hindi kase kung sakaling hindi pala kami sa isa't isa, baka pareho lang namin mawala ang isa't isa
"Alam mo.." tugon ko.
"Hindi pa" pamimilosopo nya kahit umiiyak sya.
" Pilosopo ka talaga kausap tch!"
"Ikaw rin naman a!" Ngumuso sya at niyakap ang kaliwang braso ko at isinandal ang ulo doon.
"Alam mo kung saan pa nasusukat ang katapangan ng tao bukod sa pag amin nya sa taong gusto nya?" Napatingin sya saakin dahil sa tanong ko.
"Saan?" Nakanguso nya paring tanong saakin.
"Kapag nagawa nyang tanggapin ang rejection. Kahit saang aspekto, example nag apply ka sa isang company and you got rejected? That's sign of braveness. Why? Dahil sumubok ka e. And same jaan sa inyo kahit na dare lang saiyo ni Tim na umamin ka ginawa mo pa rin. Alam ko na natatakot ka rin jaan sa rejection na sinasabi ko bukod sa mawala yung kung ano ang mayroon sainyo ni Kian." Napansin ko na tumulo ang luha kaya pinunasan ko ito gamit ang thumb ko.
"Tahan na.." pagpapatahan ko sa kanya.
"Sheina.." pareho kaming napatingin sa lugar kung saan nanggaling ang boses na iyon. Nagulat si Sheina at isinubsob ang mukha sa braso ko.
"Teka Kian! I'm not ready na harapin ka! Kalimutan mo nalang ang nangyari kanina please? Please--" napahinto si Sheina sa pagsasalita nang hawakan ni Kian ang kamay nya na syang dahilan ng pag pula ng mukha ni Sheina.
"Ahm ano.." tumayo ako. "Puntahan ko lang si Tim kawawa naman kase mag isa lang doon" pag dadahilan ko para mabigyan sila ng privacy.
Pagkabalik ko sa pwesto namin binuka agad ni Tim ang mga braso nya sign na gusto nya ng yakap. "Mahalll koooooo!" Palapit na sya saakin at tuwang tuwa pa dahil nakita ulit ako kaya ayon kamay ko ang ipinansalubong ko sa mukha nya kesa yakap ko
"Aray ko mahal naman!" Napanguso sya dahil sa ginawa ko.
"Naiinis pa rin ako sayo" naramdaman ko ang mga braso nya sa bewang ko.
"Sorry na" malambing nyang sabi.
"Bahala ka jan"
______________
[ END OF CHAPTER 22 ]
YOU ARE READING
The Last Crepuscule
Teen FictionIn love stories, after they overcome the problem, it always has a happy ending. But what happened to my love story? She sacrifice everything just for my own sake and her own beliefs.