[ CHAPTER 16 ]
TIM ALVAREZ POV
Nakatitig ako ngayon sa mata ng babaeng mahal ko pagkatapos kong banggitin ang mga katagang iyon.
"Ahmm tara na." Sabi nya at nag lakad na papuntang playground. Kaunti nalang din naman ang lalakarin namin at andoon na kami sa playground. Pagkadating namin doon, umupo kaming dalawa sa swing. Tinignan ko sya habang may kinukuha sa bag nya. "Anong hinahanap mo? May nakalimutan kaba sa school?" Tanong ko.
"Wala naman." Sabi nya. "Heto o." Inabutan nya ako ng chuckie.
"Tss ang hilig mo talaga sa chuckie Hamara.Paano ka? May natira paba jan para sa'yo?" At agad syang tumango at inilabas ang isa pang chuckie. Naks prepared.
"Hindi naman halatang pinag handaan mo Hamara. Hindi halata." Natatawang sabi ko at natawa lang din sya.
"Shunga. Alam mo namang mahilig ako a chuckie diba? Kaya lagi akong may baon. Iniinom ko ito pag umuuwi na ako mag isa." Sabi nya at tumingin saakin at ngumiti. Narinig ko ang pagbuntong hininga nya kaya napatingin ako sakanya. Nakaramdam ako na may gusto syang sabihin pero hindi nya magawang sabihin.
"Alam mo, minsan ay may mga bagahe tayo na kailangang bitawan para makapagpatuloy tayo sa journey ng buhay natin ng maayos. Hindi ka makakausad ng maayos kung dala dala mo ang mga bagahe na alam mong hindi kailangan mahal." Mahaba kong paalala sakanya at sinalubong ang mga mata nya. "Sige na, ilabas mo na 'yan. Makikinig ako mahal."
"Ilabas ang alin?" Natatawa na tanong nya. Pero tinitignan ko lang sya.
Pinagmasdan muna nya ang mga naggagandahang bituin at buwan sa langit at muling bumuntong hininga.
Hindi pa sya nag sisimula pero ramdam ko na ang bigat na dinaramdam ng mahal ko..
HAMARA POV
Tumingala ako upang pagmasdan ang naggagandahang mga bituin at buwan. Sa tagal naming nasa simbahan kanina hindi namin namalayan na dumidilim na. Napabuntong hininga ako tumingin sa kanya na halatang nag hihintay sa sasabihin ko.
" Ilang taon ako nasa orphanage. Ni wala nga akong maalala na nangyari saakin bago ako mag 6 years old. Hindi ko din alam kung bakit ako andoon." Panimula ko at muling bumuntong hininga para makakuha ng lakas para magpatuloy pa sa mga sasabihin ko.
"Lagi kong tinatanong sakanila kung asan ang mga magulang ko at bakit ako andoon sa lugar nila. Pero ang laging sinasabi saakin ng mga madre ay ' umalis lang sila, babalik din sila hija, babalikan ka nila.' lumipas ang apat na taon at ganoon padin lagi ang binabanggit nila sa tuwing nag tatanong ako. Nakakasawa na din kasing pakinggan. Paulit ulit nalang nakakaumay na. Bakit hindi nalang nila sabihin saakin na iniwan na ako ng mga magulang ko at wala nang balak balikan pa?" Pumiyok ang boses ko simbulo na naiiyak na ako.
" Hinahanap hanap ko ang pagmamahal nila Tim.. Gusto ko sila ang kasama ko hindi yung mga taong hindi ko kadugo sa orphanage. Gusto ko sila ang mag aalaga saakin hindi yung mga madre na hindi naman ako dinala sa loob ng siyam na buwan. Sila ang gusto ko hindi yung ibang tao." At dahil sa mga sinabi ko ay tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko na kanina pa gustong kumawala. Sa tuwing naaalala ko ang mga panahon naiyon, daan daang karayom at pako ang itinutusok sa puso ko. Masakit.. sobra... Naramdaman ko na niyakap ako ni Tim at ang pasimple nyang pag halik sa noo ko.
"Shussh Mahal... Magiging okay kadin. Maaaring hindi ngayon pero soon. Mag tiwala kalang okay? Andito ako.. andito na ako.. hayaan mong ako ang mag bigay saiyo ng pag-ibig at kalinga na hinahanap mo.. hayaan mo na ako ang mag bibigay saiyo non mahal.." mahabang litanya nya at ramdam ko na hinalikan ulit nya ang noo ko at mas hinigpitan ang pagkakayakap saakin. Mas lalo akong naiyak dahil sa sinabi nya. Tumingin sya saakin at pinunasan ang mga luha sa mata ko. Lumuhod sya sa harapan ko at hinawakan ang dalawang kamay ko habang nakaupo padin ako sa swing. Hinalikan nya ang dalawang kamay ko at inilagay ang kaliwang kamay nya sa pisnge ko and slowly rubbing it with his thumb. Hinawakan ko ang kaliwang kamay nya sa pisnge ko habang patuloy padin ang pag tulo ng mga luha ko.
YOU ARE READING
The Last Crepuscule
Teen FictionIn love stories, after they overcome the problem, it always has a happy ending. But what happened to my love story? She sacrifice everything just for my own sake and her own beliefs.