CHAPTER 10

4 2 1
                                    

[CHAPTER 10]

TIM ALVAREZ POV

"Tinining si Tim ay may tililing"

Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock ko. Tsk panira ng tulog e!

Rule number 1! Bawal istorbohin ang sleeping pogi!

"Bimbim!! Ano na?! Wala kang balak pumasok?! Tanghali na oh!" Magandang goodmorning saakin ni mama. Sweet nya diba?

"Baban-"

"Alam mo?! Nung kabataan namin ng ama mo?! Apakasipag naming pumasok! Maski dagat tinatawid namin makapasok lang! Tas ikas?! Tatamad tamad lang? Aba! Hindi namin pinupulot ang pera pampaaral sainyong magkakapatid!" Sermon saakin ni mama. Shala? ano nanamang ginawa ko? Kakagising ko lang e. Tinignan ko yung oras sa wall clock ko at 5:30am palang naman.Si mama naman, masyadong atat mag  tanghali

Inilapag ko nalang yung uniporme ko sa kama at pagkatapos ay dumeretso ako sa banyo para maligo.
______

Proud akong tinitignan ang sarili ko sa salamin pero teka, bakit parang may kulang saakin?

Ayos naman ang suot ko. Maayos din naman ang buhok ko. Plantsado naman ang uniporme ko at higit sa lahat, maputi ang ngipin ko at mabango ang amoy ng bibig ko? So anong kulang? Baka si Hamara lang! HAHA CHOUR.

"Bim bim! Ano na?! Di ka talaga papasok?! Bumaba kanajan at para sabay sabay na tayong makapag almusal dito!" Tawag saakin ni nanay mula sa baba. Yes po, opo, may 2nd floor any bahay namin! At isa pa pong yes po, opo, bimbim ang nickname ko dito sa bahay. Si nanay kase e nambubuking e.

Sa ibabaw ng study table ko, may napansin akong something na sticky note doon.

"To bimbim baby ng imong pamili (family),

  'Tol, umuwi na ako kaninang 1:05am, kase baka hanapin ako sa bahay, sa may bintana mo ako dumaan, malapit sa study table mo.'
__

Pinagmasdan ko ang study table ko at talagang gumulo yung mga gamit ko at mayroon pang bakas ng alikabok mula sa tsinelas ni kian yung table ko. Muli akong nagpatuloy sa pagbabasa ng mala talambuhay nyang liham sa sticky note ko.

"ngapala,kinain ko yung marshmallow mo tas ininom ko nadin yung chuckiebabes mo. Salamat at nabusog ako!"

                                                     Nagmamahal,
                                                     KianSobrangPogi

Aba?! Pambihira! Agad konh tinignan yung mini ref ko dito sa kwarto at talagang ubos na yung mga marshmallow at chuckie ko! KAKABILI KO PALANG NG MGA YUN E!!-.-

kinuha ko nalang yung crescent moon kong necklace at isinuot ito sa sarili ko. Hay! Heto lang pala yunh makakapuno ng kulang saakin.

Napatingin ako sa  clock ko and sheesh!! Halos 15 mins nalang ay magsisimula na ang first subj ko! Nakoo di ako pwedenh malate dahil baka bigyan nanaman ako ng punishment! And ang malupit, baka mas mahirap pa ito sa unang punishment na ibibigay saakin.

Bumaba nalang ako mula sa kwarto ko at kunuha ng hotdog at kinain ito habang nag nag mamadaling mag mano kina mama at papa.

"Oh ano ka ngayon? Ang pagong mo kase kumilos! Mana ka sa ama mo!" Sermon ulit saakin ni mama .

"Oh ako nanaman sweetie?" Nakasimangot na tanong ni papa kay mama.

"Aba malamang!! Kanino paba mag mamana yang si bimbim?! Edi sa'yo! Ikaw lang naman ang pagong kung kumilos saating dalawa!"

Hindi ko na pinansin ang pag tatalo nina mama at papa dahil malelate na ako. Nag abang agad ako ng masasakyan papunta sa school namin. Kaso kunh minamalas nga naman ay laging puno ang mga dumadaan.Napag desisyonan ko na lakarin nalang papunta sa school ko.

The Last CrepusculeWhere stories live. Discover now