CHAPTER 18

6 1 0
                                    

[CHAPTER 18]

HAMARA POV.

Its been a while since I met him. Ang laki ng pinag bago nya. Pero kahit gano'n, hindi pa din mawawala ang galit sa loob looban ko dahil sa ginawa nila saakin! Mas lalong nag liyab saakin ang sama ng loob at kahit kailan alam kong hindi ko siya mapapatawad, sila! Mga dem*nyo sila!

Porque ba wala akong laban, gaganunin na nya ako?! Mga hayop!! Mga traydor!! Sa tuwing naaala ko ang nangyari dati, hindi ko nakokontrol ang galit na nararamdaman ko. Labis ko syang pinandidirian dahil sa kababuyang taglay ng ugali nya at lalong lalo na ang katawan ko na biktima ng pambababoy nya.

Bakit ako pa? Ano ba ang maling nagawa ko sa kanila para ganitohin nila ako? Naging mabuti naman ako diba? Bakit kung sino pa ang pinakapinagkakatiwalaan mo, sila pa ang mas may lakas ng loob na saktan at pagtaksilan ka? Bakit kung kailan ka naging mabuti sa kanila, tska ka nila gagaguhin? Bakit laging mababait ang biktima? Bakit kami pa na gusto lang mabuhay ng payapa at masaya?

Ganyan na ba talaga ngayon? Aabusuhin nalang ang mga mabubuti para lang sa sarili nilang kasiyahan? Paano naman yung mga nabiktima nila na gusto lang din sumaya? Pagiging madumi nangaba ang sukatan ng pagrespeto ngayon? Pagiging sikat? Hindi ba't parang baliktad naman yata? Napayakap ako sa sarili ko na para bang pinoprotektahan ito mula sa mga tao.

Sa ganitong problema, alam ko na sarili ko lang ang kakampi ko.

TIM ALVAREZ POV

Ilang beses ko nang tinatawagan si Hamara pero hindi nya sinasagot. Nag aalala na tuloy ako.

Hindi ko na mabilang kung ilang messages na ang naisend ko sakanya at kung ilang misscalls na ako sakanya. Why she's not answering my calls? Sa pag kakaalala ko okay pa naman kami a? Wala namang masamang nangyari I mean hindi naman kami nag away ni Hamara. Umiiwas kaya sya? Bakit? Anong problema?

Sinubukan kong gawing busy ang sarili ko. Nag review ako, nanood ako ng kdrama pero damn!! Hindi ko maiwasan na hindi icheck yung cellphone ko at umaasa na baka sakaling nag reply na sya. Hamara ko, asan kana ba? Mababaliw ako kakaisip sayo.

Wala ako sa konsentrasyong nanonood ng kdrama nang biglang nag ring ang cellphone ko. Nakailang Sign of the cross pa ako at umaasa na sana si Hamara ang tumawag. Tinignan ko ang cellphone ko at halos lumayas na ang puso ko mula sa katawan ko nang makita ko ang pangalan nya na tumatawag sa cp ko.

"Hello Hamara mahal ko!!" Sigaw ko

"Wag kangang sumigaw. Masakit sa tenga." Matamlay nyang tugon mula sa kabilang linya.

"Hm? Tamlay mo a? Okay kalang ba jaan? May sakit kaba? Dalhan kita ng gamot mahal?" Sunod sunod na tanong ko pero hindi sya sumagot.

"Mahal? Hamara."

"Okay lang ako." Tipid nyang sagot.

"Hindi ka okay. Pupuntahan kita jaan hintayin mo'ko" pinatay ko agad yung call.

Agad akong nag ayos at isinuot yung hoodie jacket ko kase malamig sa labas. Nag abang agad ako ng masasakyan papunta sa bahay nila at hindi din nag tagal ay nakarating agad ako. Kumatok ako sa pinto pero napakatagal bago nya buksan.Aaminin ko medyo nag alala ako doon kase akala ko kung ano na ang nangyari sakanya.

"Mahal" bumungad saakin ang namumugto't basang mga mata nya. Dali dali akong lumapit para punasan ang mga luha sa mata nya at doon ko nalang din naramdaman ang mahigpit nyang yakap saakin.

Tumingin sya saakin habang patuloy pa din ang pag bagsak ng mga luha sa mata nya. "Anong nangyari mahal?" Imbis na sagutin nya ang tanong ko, isinubsob nya lang ang mukha nya sa dibdib ko. Hinaplos ko ang likod nya at hinigpitan pa ng kaunti ang yakap ko sa kanya. Hinayaan ko lang syang umiyak hanggang sa tumahan sya.

Pumasok kami sa loob ng bahay nya at nag stay muna sa sala. Kinuhanan ko sya ng tubig at tumabi sa kanya.

"Mahal?" Tinignan nya lang ako.

"Anong nangyari?" Tanong ko sa kanya. Hinawakan ko ang kamay nya dahil pansin ko ay nanginginig ito. Bigla syang bumitaw sa pagkakahawak ko sa kamay nya at niyakap ang kanyang sarili na para bang ayaw nya na may ibang hahawak sa katawan nya. Akmang hahawakan ko ulit sya pero sya na mismo ang lumayo.

"Mahal? Ano ba ang nangyayari? Mag kwento ka, makikinig ako." Pero hindi pa din nya ako kinikibo.

"Okay lang ako." Paulit ulit nyang binabanggit yan habang muli nanamang tumutulo ang mga luha sa mata nya.

"Mahal, Hamara. Hindi ka okay e. Ano nga?" Ngunit tinignan nya lang ulit ako at mukhang ayaw pa ding mag salita

"Tumayo ka jaan, may pupuntahan tayo" sabi ko pero hindi pa din sya tumatayo. Hinawakan ko sya sa may pulsohan nya at dahan dahang inalalayang tumayo.

"Saan tayo?" Finally nakapag salita din. "Basta." Maikling tugon ko sa kanya.


Tutal wala nang masasakyan ngayon, nilakad nalang namin ito papunta sa lugar na kung saan ay gusto ko syang dalhin.

___________
[END OF CHAPTER 18]

The Last CrepusculeWhere stories live. Discover now