[ CHAPTER 26 ]
TIM ALVAREZ POV
FLASHBACKS
"Hamara ikaw na ang taya!" Sigaw ko sa kanya.
"Ayaw ko na! Pagod na ako! Taympers na!" Hinihingal nyang sabi.
"Madayaaa ka!" Pinuntahan ko agad sina Sheina at Kian. "Saynaaaa! Kian! Wag natin bati si Hamara! Madaya sya!" Agad na sinuntok ni Sheina ang ulo ko
"Anong sayna?!!" Sigaw nya saakin at umiyak naman ako. "Hindi nga sayna ang pangalab ko! Sheina!! S-h-e-i-n-a! Sheina!! Atska anong hindi natin bati si Hamara?! Ikawww nga itong madaya e!!" Dugtong nya pa at sinuntok ulit ako kaya mas napaiyak ako lalo.
"Ang bad mo sayna!!! Hindi tayo bati!!" Umiiyak kong sabi " mag sama kayo! Pareho kayong bruha!" Dagdag ko pa. Mas nagalit si Sheina sa sinabi ko at sinuntok nanaman ako kaya mas napalakas ang iyak ko. Tumakbo ako papalapit kay mama at niyakap sya.
"Oh bakit umiiyak ang baby ko?" Tanong ni mama saakin
"Niaaway po niwa atho!" Naramdaman ko ang halik ni mama sa noo ko at ang mainit nyang yakap. Idagdag mo pa ang himig nya na nakakapagpakalma saakin. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa mga braso nya. Nagising nalang ako na nasa kwarto ko na ako.
Bumangon ako at pinuntahan si mama sa sala at niyakap sya mula sa likod nya.
"Mama!" Tawag ko. Natawa lang saakin si mama at niyakap ulit ako at hinalikan ulit sa noo.
"I'm home!" Masayang sigaw ni papa mula sa pinto at lumuhod para salubungin ang mga yakap ko.
"Papaa!" Masayang sabi ko.
"Aba! Mukhang kakagising lang ng baby ko a?" Natatawang sabi ni papa at napapout ako. "Papa binata na po ako!"
"Ah binata na ang anak ko? Eh sino ang nililigawan mo ngayon? Si Sheina o si Hamara?"
"Ewwww papa! Kahit kailan hindi ako magkakagusto sa dalawang bruha naiyon!" Iritableng sabi ko at napatawa ng husto sina mama at papa.
"H'wag kang mag sasalita ng patapos anak" nakangising sabi ni papa "ha?" Nalilito kong tugon ng biglang naririnig nanaman namin ang malakas na sigawan sa kabilang bahay namin which is bahay nila Hamara.
Magkakapit bahay lang kase kami. Like katabi ng bahay namin ay ang bahay ni Hamara tapos ang katapat ng bahay namin ay ang bahay nina Sheina at ang katapat din ng bahay nina Hamara ay ang bahay nina Kian.
"Mabuti pa Joseph, maghiwalay na tayo! Sawang sawa na ako sa pag uugali mo! At sa sobrang kapal ng mukha mo nagawa mo pang mambabae!! Nakakahiya ka!!!" Sigaw ng nanay ni Hamara.
"Ah talaga ba Chezka? Nahiya naman ako sa'yo na unang nagloko saating dalawa?! Kaya pala nakita kitang kahalikan si Jean na best friend ko!" Sigaw pabalik ng tatay ni Hamara.
"Wait hon let me explain!-"
"Wala ka ng dapat ipaliwanag pa Chezka! Dahil tinatapos ko na ang mayroon saating dalawa!" Pagpuputol ng papa ni Hamara sa sinasabi ng mama nya.
Makalipas ng sandali na iyon, umalis na ng tuluyan ang nanay ni Hamara at naiwan sya sa kamay ng tatay nya.
Hindi na namin sya magawang ayain sa laro dahil palagi syang binubugbog ng tatay nya.
Hindi naman palainom ang tatay ni Hamara pero dahil sa pangyayaring iyon, napapadalas ang pag inom nya. Minsan panga habang nag lalaro kami nina Sheina at Kian nakita namin na ihinampas sa hita ni Hamara yung bote ng alak at sobrang lakas ng iyak ni Hamara that time. Kung sino sino ring babae ang inuuwi ng tatay nya. Dahil sa pangyayaring iyon sinabi agad namin sa mga magulang namin ang ginagawa kay Hamara at pinakiusapan namin sila na sabihin ito sa mga pulis and ginawa naman nila para na rin sa kapakanan ni Hamara.
Makalipas ng ilang araw na pag poproseso ng kaso ng tatay ni Hamara for child abuse, hinuli sya ng mga pulis sa tapat ng bahay nila. Akala namin magiging okay na lahat mula nung araw na iyon pero hindi. Mas lumala ang sitwasyon. Maybe akala ni Hamara isa sya sa mga huhulihin ng pulis sa bahay nila kaya tumakbo sya ng mabilis palayo saamin. Sinubukan namin syang habulin pero nahihirapan kami hanggang sa tumigil ang mundo naming magkakaibigan dahil sa susunod na nangyari.
Nabangga si Hamara ng isang 6-wheeler na truck. Hindi ko na nagawang ihakbang ang mga paa ko dahil sa nangyari. Napaiyak ako ng malakas dahil sa aking nakita. Naramdaman ko nalang ang yakap ni mama habang abala ang iba sa pagtawag ng ambulansya para madala agad si Hamara sa hospital.
Gusto sana naming ampunin si Hamara pero pinaliwanag nila mama at papa yung sitwasyon ng buhay namin saakin. Na yung perang kinikita ni papa ay sapat na para dito sa gastusin sa bahay, pangkain sa araw-araw at mga gastusin sa pag-aaral ko. Wala pang trabaho si mama noon dahil gusto nyang may magbabantay daw saakin. Si Sheina naman aalis na sya. Pupunta sya sa United States para mag aral. Mula no'ng araw na iyan, wala na kaming balita kay Hamara.
Makalipas ng ilang taon, Grade 9 na ako. Habang naglalakad ako papuntang school, may nadaanan akong orphanage. Actually bagong lipat lang kami dito nitong nakaraang buwan dahil gigibain na raw yung bahay namin doon. Kasabay ng paglipat namin sa lugar na ito ay sina Kian kaya same school pa rin kami. Then yun nga may nadaanan akong orphanage. Storage room ito ng orphanage if I'm not mistaken. Luma na e. Diba kadalasan sa mga horror stories pag storage room kadalasan luma na? Or inaamag na? Hala gagi baka may multo dito a?
At habang naglalakad ako palagpas sa orphanage naiyon, may nakita akong babae at lalaki na papasok sa storage room. And familiar saakin ang mukha ng babae to be honest.
Hanggang sa makalipas ulit ng ilang taon senior highschool na ang Timbabe nyo. Tim-babe = team babe. Gets nyo? Heheh oo na alam kong korni.
And sa school na pinapasukan namin ni Kian ay may shs daw so napag isipan namin na dito nalang din kami mag shs. Bali-balita dito na may new students daw. Actually block sections talaga rito sa school namin. So malalaman agad namin kung sino ang new students naiyon.
Habang nag haharutan kami ni Kian sa harap ng camera, accidentally kong nabunggo yung babae at natapon yung spaghetti sa uniform nya. Oh sht!
Pagkatingin ko sa mukha nya napaisip ako. Bakit parang familiar sya?
"Tol familiar sayo?" Tumango lang ako "haha same." Tugon ulit nya.
Nagsimula na ang introduce yourself at hinihintay ko lang talaga yung name ng transferee kase napakafamiliar talaga as in! Hanggang sa nagulat nalang ako na Hamara ang pangalan nya.
Hamara Agustin ang kaibigan namin dati and nung sinubukan kong lumapit ang lamig at patay ang pag katao nya. Ibang iba na sya sa sobrang masiyahin na Hamara na nakilala namin noon.
Minsan nakakaramdam ako ng sintomas na sobrang sakit ng dibdib ko and aaminin ko bata palang ako may sakit na ako sa puso. Namana ko ito kay mama. Minsan habang kasama ko si Hamara, bigla nalang sumasakit ang dibdib ko pero tinitiis ko nalang. Idinadaan ko nalang sa ngiti para hindi mag alala si Hamara.
Hanggang sa dinala nya ako sa simbahan at sabay kaming nag dasal. Napaisip ako ng ito na ang perfect time para mag confess sa kanya and ayon nga dinala ko sya sa Altar at doon mismo sumumpa at umamin sa kanya pagkatapos non ay pumunta kami sa may playground at ikinuwento nya saakin ang buhay nya. Nagtaka ako kung bakit wala na syang ibang maalala at naalala ko yung panahon na nabangga sya ng truck na syang nagsilbing dahilan kung bakit nawala ang alaala nya.
_______
[ END OF CHAPTER 26 ]

YOU ARE READING
The Last Crepuscule
Fiksi RemajaIn love stories, after they overcome the problem, it always has a happy ending. But what happened to my love story? She sacrifice everything just for my own sake and her own beliefs.