CHAPTER 21

5 1 0
                                    

[ CHAPTER 21 ]

HAMARA POV

"Teka bababa lang kami!" Sigaw nina Kian mula sa taas.

Nanatiling nakayakap saakin si Tim mula sa likuran ko kaya humarap ako sa kanya. Naramdaman ko ang paghalik nya sa noo ko.

"Ang saya ko ngayon mahal." Nakangiti nyang sabi saakin kaya niyakap ko lang sya.

"Ayan nanaman ang love birds na hindi mapaghiwalay! Sakit nyo sa atay!" Sigaw nila Kian mula sa likod namin kaya napakalas ako ng yakap agad kay Tim.

"Nako naman talaga! Sarap pag umpugin ng dalawa! Parang dati lang hindi ka makaamin ah?" Mapang asar na sabi ni Sheina kay Tim.

"H-hoy!!" Sigaw ni Tim kay Sheina at natawa nalang ako.

"May pagka torpe naman pala" pagpaparinig ko. Tumingin ako kay Tim at ngumisi. Nanlaki ang mga mata nya saakin at napasabi ng "wow ha?"

"Ang manhid naman pala!" Pag paparinig nya rin at napa laki ang mata ko sa gulat dahil sa sinabi nya.
"Ta's medyo bulag pa hays!" Dagdag pa nya kaya hinila ko buhok nya.

"Aray! Mahal naman!"  Sigaw nya

"Oh ano? Ha? Mag sasalita ka pa?" Banta ko

"Hindi nanga pero totoo naman kasi e!" Mas hinila ko pa yung buhok nya dahil sa huling sinabi nya. "Mahal hindiii na!! Masakit!" Pagmamakaawa nya. Binitawan ko ang buhok nya at tumalikod sa kanya. Naramdaman ko ang mga braso nya sa bewang ko at ang halik nya sa likod ng ulo ko. "I love you." Bulong nya.

"Ehem!!! Oo ehem!" Sigaw ni Sheina at si Kian naman ay umaakto na parang naduduwal. "Sakit nyo sa atay gago" sabi ni Sheina.

"Guys." Tawag ni Kian saamin at napatingin lang kami sa kanya. "Tara sa play ground?" Pag aaya nya at tumango kami.

--

Andito na kami sa playground at habang sina Tim at Kian ay nag hahanap ng Karton na pwedeng upuan habang kami naman ni Sheina ay bitbit ang mga pagkain na pinamili namin kanina sa may Convenient store.

"Kamusta kana Hamara?" Biglaang tanong ni Sheina saakin at napatingin ako sa kanya

"Ayos naman." Nakangiti kong sabi sa kanya. "Ikaw ba? Kamusta kana?"

Narinig ko pa ang pag buntong hininga nya bago sumagot. Hmm ang lalim non a.

"May problema ka ba? Pwedeng pwede ka mag open saakin, saamin." Sinalubong nya ang tingin ko sa kanya at tipid syang ngumiti. "Ayos lang ako Hamara." Pagkakasabi nya no'n ay umiwas agad sya ng tingin saakin. "Magiging ayos din ako."  Inilagay ko ang kamay ko sa braso nya. "Hindi ka nag iisa okay? I know na hindi tayo ganon ka close pero andito ako, pwede mo'kong tawagan o puntahan kapag may problema ka." Ngumiti sya at dahan dahang tumango. Mula sa malayo, nakita namin sina Tim at Kian nag tatawanan pabalik sa pwesto namin habang may bitbit na mga karton na uupuan namin. Napansin ko na biglang umiwas ng tingin si Sheina at hindi mapakali mula ng makita nya si Kian sa malayo.

"Ikaw ha!" Siniko ko pa sya.

"Ano nanaman?" Medyo nag taray na sya this time.

"Aysus Sheina!gusto mo sya noh?" Natawa ako.

"Sinong sya?" Maang maangan nya.

"Sya." Sabi ko

"Hindi a!" Pagtanggi nya

The Last CrepusculeWhere stories live. Discover now