[CHAPTER 7]
TIM ALVAREZ POV
"Hay! Bitin!!" Sigaw ni Hamara at ngumiti.
"Bitin pa sa'yo yan? Eh nakaapat na mangkok kanga!" Natatawa kong sabi at tumawa din sya. Grabe mas bagay talaga sa kanya ang nakangiti.
"Eh ang sarap e!" Nagagawang sabi nya."anong oras na Tim?"
"5:50pm na" sabi ko
"Hala! Halos isang oras din pala tayo dito?" Gulat nyang tanong.
"Oo, pero ayos lang, sulit naman e" nakangiti kong sabi. "Yieee napapadalas na ang pag ngiti nya!" Pang aasar ko at inirapan lang ako sabay tawa.
"Yan, ngumiti ka naman at tumawa. Mas bagay iyon sa'yo." Sabi ko sa kanya at tumawa. Napagdesisyonan namin umalis na sa kainan naiyon.
"Hamara" tawag ko sa kanya habang naglalakad kami palabas ng eskinita.
"Hm?" Tugon nya at tumingin saakin.
"Alam mo ba kung ano ang pinakaayaw ko sa lahat?"
"Malamang hindi. 'di mo pa sinasabi e."
"Tch pilospo" natatawa kong tugon. "Pero seryoso, alam mo ba kung ano?"
Umiling sya. "Hindi nga"
" Pinakaayaw ko sa lahat yung taong nakasimangot lagi." Sabi ko habang hindi tumitingin sa kanya
"Hm? Bakit naman?"
"Kase napakaikli nangalang ng buhay natin, tas mag mumukmok kapa sa isang tabi, sisimangutan mo pa? You have a many reasons to smile kahit na may problema ka but you still choose na sumimangot." Paliwanag ko sa kanya at dahan dahan syang tumango.
"Naiintindihan kita. Pero what if nawalan na sila ng reason para ngumiti?" Tanong nya saakin at agad naman akong napatingin sa kaniya.
Bumalik sa dinadaanan namin ang tingin ko at ibinulsa ang mga kamay ko. "Hindi totoo na wala tayong rason para ngumiti. Naiintindihan ko na minsan ay kailangan nating umiyak dahil may mga oras na alam natin na pagod na pagod na tayo, but wala namang masamang mag pahinga diba? Mag pahinga ka, and after non sumubok ka ulit ng may ngiti sa iyong mga labi. Hindi masamang ngumiti Hamara. Hindi rin masamang tumawa. At lalong hindi rin masama ang maging masaya. Ipahinga mo ang sarili mo mula sa mga bagay na syang nagbigay ng matinding pagod saiyo." Mahabang paliwanag ko sa kanya.
HAMARA POV
Natigilan ako dahil sa mga sinasabi nya. Para bang bawat salitang binibigkas nya ay tumatagos saakin.
Nag sisimulang pumatak ang nga luha ko kaya tumalikod ako agad sa kanya."Hey? Okay kalang?" Nag aalalang tanong nya.
"Oo" pinipilit ko na huwag humikbi para hindi nya mahalata kaso nabigo ako.
Ramdam ko na hinila nya ang braso ko paharap sa kanya at bigla akong niyakap. "Ilabas mo lang 'yan, Hindi masamang umiyak." Bulong nya saakin at hinahaplos yung buhok ko" tuloy padin ako sa paghikbi.
Para bang daan daang malalaking pako ang ibinabaon sa dibdib ko. Napakasakit.
Gusto kong sumigaw ng malakas at itapon sa malayo ang sakit na nararamdaman ko. Kaso wala e. Tanging sa iyak ko lang talaga mailalabas at minsan hindi pa sapat.
"Sige lang, ilabas mo lang. Andito lang ako." Hindi nya padin inaalis ang pagkayakap saakin.
Dahil sa pangyayaring ito. Sobra akong naaawa sa sarili ko.
TIM ALVAREZ POV
Pansin ko na bigla syang tumalikod. "Hey? Okay kalang?" Nag aalala kong tanong sa kanya.
"Oo" sabi nya. Parang naiiyak sya base sa tono ng pagkasabi nya. I grabbed her arms and pull her closer to mine at bigla ko syang niyakap. Bigla syang umiyak. Ewan ko ba, kahit hindi sya magsabi, ramdam ko yung pain na dinaranas nya. Kaya ba naitanong nya saakin yung mga bagay na hindi naman dapat kanina dahil sa dinaranas nya?
Gusto ko syang makalaya mula sa mga sakit na dinaranas nya. Kaya ang first mission ko sa buhay nya ay mapalaya sya. Sunod non ay mapangiti sya ng walang halong pagpapanggap.
[END OF CHAPTER 7]

YOU ARE READING
The Last Crepuscule
Teen FictionIn love stories, after they overcome the problem, it always has a happy ending. But what happened to my love story? She sacrifice everything just for my own sake and her own beliefs.