CHAPTER 8

6 2 0
                                        

[CHAPTER 8]

TIM ALVAREZ POV

Andito na ako ngayon sa kwarto ko. Pinapanood ko lang ang paggalaw ng kamay ng orasan sa wall clock ko. Tinatamad pa ako mag aral teka lang!

Tinignan ko yung mga libro na pinapabasa nya saakin. Shuta andami naman kase!

Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang fb acc ko. Sinubukan kong hanapin yung account ni Hamara pero shuta walang lumalabas. Ano ba kaseng surname non!

*New message requests!*
Hamara: Simulan mo nang pag aralan yung mga librong pinapabasa ko sa'yo.

Ayshets! Sadyang mabait talaga saakin ang mga anghel at mga bituin sa langit!

Tim: Ang dami naman kase nito! Mapag aaralan ko ba ito agad lahat?

'Hamara typing...'

Hamara: may sinabi ba akong lahat yan pag aralan mo agad?

Tim: eh sabi mo kasi! :<

Nakanguso ako kahit na sa chat ko lang sya nakakausap ngayon. Kase naman! Andami non!

'hamara typing'

Hamara: oh ano bang sinabi ko? -.-

Tim: opo! Pag aaralan na!:<

Sineen nya nalang ang chat ko. Pinindot ko yung profile nya sa chat namin and may lumabas na "profile" doon kaya sinubukan ko ding pindutin iyon. Lumabas yung account nya sa fb and inadd ko sya with matching kaunting stalk! Hehe yes po! Stalker na ngayon ang Tim nyo.chinat ko ulit sya.

Tim: Accept mo'ko!

'seen'

Tim: woy! Seenerist kana ngayon bhie? Accept mo'ko.

'seen'

Tim: Hamara!!!!

'hamara typing'

Hamara: sa susunod na pag nakapasa ka sa punishment ni sir saiyo.

Nako po!para bang binibiyak ang puso kong ginto at nag sisimula nang lumuha ang mabibigat na ulap mula saaking mga mata! Psh char lang! Ang oa pft!

Tim: ngi! Bilis naa:<

'seen'

Tim: sige! I'll take this as a challenge! Kapag nakapasa ako! You should accept me sa fb na!

At ayon nga! Nag-"like react"  lang sya sa message ko.

Tim: peymus ka ghorl?

Hamara: mag review kana.

Tim: yes po yamete kudasai!
Tim: ay gagi mali!

'seen'

Snobera talaga sya goiz:<

Dahil nga seenerist ang hamara ko, este hamara 'nyo', wala na akong choice kundi ang mag review nalang para sa fishteang punishment saakin ni jacollero.

"Eenie eenie minimo! Alin sa mga libro na ito ang unang itatapon ko?" Pagkanta ko. "Ay mali! Babasahin pala!" Sabi ko sabay kamot sa ulo.

"Fishtea naman kasee nakakatamad! Pero para kay Hamara mahlabs! Gagawin ko ito! Choz

Kumuha ako ng isang notebook at ballpen para kung sakaling may kailangan akong i-takedown notes at kinuha ko din yung pinaka makapal na libro na pinili ni Hamara-asawa ko at nag simula nang mag aral.
_____

"Ay himala ka-ginoo! Anong pinalamon namin saiyo at bigla kang nag review! Papa! Tignan mo anak natin oh! Nag rereview!Hindi na kami magugulat kung bigla kang nag karoon ng award na 'highest pa sa highest with honor'! O diba! Ang sharay naman!" Biglang sigaw ni mama na syang dahilan ng pagkagulat ko. Ay jusme hindi talaga uso kay mama ang kumatok.

"Aba oo nga anoh? Ay talaga namang napakabuting bata nire! Pagbutihin mo iyan a? Siguro may pinopormahan na itong dalagita kaya biglang naisipang mag aral? Pang dagdag points ba anak?" Pang aasar ni papa at lumapit sya saakin. "Eh aba! Kung meron halika at tuturuan kita manligaw! Hahaha" pang aasar pa nya lalo.

"Pa-"

"Ay hindi! Alam mo ba kung paano ko napahulog ang loob ng nanay mo?tanong ni tatay na syang dahilan kung bakit hindi ko natapos ang dapat na pag tutol ko sakanila.

"Paano ho?" Pakikisakay sa trip nila na tanong ko.

"Aba e hinulog ko lang naman sya sa building! O diba? Hindi lang loob nya ang nahulog saakin! Pati nadin katawan! Hahaha" pang aasar ni tatay na syang dahilan kung bakit sumama ang tingin ni mama saamin.

"Hoy papa! Anong hinulog? Ha?" Kinuha ni nanay yung unan sa tabi ko at inihampas kay tatay.

"Aray ko naman mahal ko! Biro lang e! Aray!" Pag mamakaawa ni tatay. Paano banaman ang lakas humampas ni mama.

Kinuha ni papa yung unan na pinanghahampas sakanya at ibinato saakin pagkatapos ay niyakap nya agad si mama.aray ha! So ganon iyon? Pag single ka babatuhin kalang ng unan?

"Sweetie ko, biro lang HAHA. Iloveyou mahal ko" pag lalambing nya kay mama.

"Ehem! Ehem! EHEM!!!" Kunwaring ubo ko with matching hampas sa dibdib ko! O diba! Galing ko um-acting!

"Anak mo panira ka naman ng trip! Ang bitter! Palibhasa ni-reject kasi!" Pang aasar saakin ni papa.ay wow? Hinahabol nga ako e! Ng mga aso ngalang. Pft! "Pero anak, seryoso, para manalo ka sa puso ng babae, irespeto mo sya, mahalin, at alagaan. Tignan mo sya sa mata na hindi lang parang isang magiging gf mo kundi para magiging isang asawa mo na. Sa pag handle ng isang relationship anak ay para ka lang din nag lalaro ng chess." Paliwanag ni papa.

"Paano naman po napasok ang chess sa usapan natin pa?" Natatawang tanong ko ngunit seryoso padin ang mukha nya.

"One wrong move, you can lose your queen." Sabi nya na syang dahilan ng pagka tameme ko.

"Pero!!" Biglang sigaw ni mama na syang ikinagulat namin ni papa.

"Sweetie naman! 'wag ka namang manggulat! Papatayin mo naman ata kami ni babyboy e!" Sabi ni tatay.

"Babyboy? Eh? Binatilyo na anak nyo oh" nakapout kong sabi.

"Eh basta babyboy kapadin namin! Baby timtim ko!" Pang aasar ni papa.

"Teka ngalang kase!" Suway ni mama.

"Ano ba iyon mahal ko?"

"Kain na tayo! Nagugutom na ako e." Sabi ni mama na syang ikinatawa ni papa.

"Eh mahal ko kakakain mo lang ng siomai kanina e!"

"Bitin pa iyon!" Nakapout na sabi ni mama kay papa.

"Osya! Kakain na tayo ay gutom nanaman ang mga dragon sa tyan ng mama mo." Sabi ni papa.

"Opo susunod ako." Sabi ko at nag fist bump lang kami ni papa at pinanood ko silang lumabas ng kwarto ko

Kung sakaling makakapag asawa ako soon? Ganyan din kaya kami kasaya ng mapapangasawa ko? Sana nga ganyan din. Iniligpit ko na yung mga gamit ko at inayos yung higaan ko bago ako lumabas ng kwarto.

[END OF CHAPTER 8]

The Last CrepusculeWhere stories live. Discover now