CHAPTER 25

2 1 0
                                    

[ CHAPTER 25 ]

Wala ako sa sariling tinungo ang kwarto ni Tim. Until now hindi pa rin sya nagigising. Paulit ulit kong sinisi ang sarili ko sa nangyari kahit na sabihin pa nila tita na hindi ko  kasalanan ang nangyari, hindi maiwasan na hindi ko sisihin ang sarili ko dahil kung alam ko lang na ganoon ang mangyayari sana hindi nalang kami tumuloy.


Habang naglalakad ako, naalala ko ang pinag usapan namin ng doctor ni Tim.


" Sigurado ka na ba sa desisyon mo miss Agustin?" Paninigurado ng doctor at tanging tango lang ang naitugon ko. Pinermahan ko na yung mga dapat kong permahan bago ko nilisan ang silid na iyon.


Kahit kailan hindi na mababago ang nasa isip ko


Sa lalim ng iniisip ko, hindi ko namalayan na nakarating na ako sa tapat ng kwarto ni Tim. Pumasok ako sa loob at walang bago, matamlay na mukha ng mga magulang ni Tim ang sumalubong saakin at ang tulog na Tim Alvarez.


"Tita.." tawag ko sa kanya.

"Hm? Anak? Bakit? May problema ka ba? May masakit ba sa iyo? Nagugutom ka ba anak?" Sunod sunod na tanong ni tita at umiling kang ako at pekeng ngumiti.

"Okay lang po ako." Tanging nasabi ko at tipid syang ngumiti.

"Galit ka pa rin ba saamin anak?" Naiiyak na tanong nya at umiling ako.

"Sorry.." halos wala nang boses na sabi ni tita at umiyak ng tuluyan.

I hugged her tight at hinaplos ang likod nya. Pati ako napapaiyak na rin.

"Okay lang po ako. Okay lang. Hindi nyo po kasalanan nagtatampo lang po ako sa anak nyo dahil hindi man lang nya po sinabi pero naiintindihan ko." Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at nagkatinginan kami ng diretso sa mata.

Bumuntong hininga ako bago ulit mag salita

"Tita.. may heart donor na raw po si Tim." Nanlaki ang mga mata ni tita at tuwang tuwa akong niyakap ng mahigpit.

"Praise the Lord!! Thank you Lord! Anak mabubuhay na ulit si Tim! Mas makakasama na ulit natin sya ng matagal! Hindi na tayo dapat mangamba!" Sobrang saya na sabi ni tita kaya napangiti rin ako.

"Oo nga po e! Nakakatuwa" masaya kong sabi.

"Kung sino man ang mabuting tao na iton nawa'y pagpalain sya ng MayLikha!" Tuwang tuwa pa rin na sabi ni tita.

Nag paalam muna ako na uuwi lang ako saglit dahil kukuha lang ako ng damit at mga kakailanganin ko sa pag i-stay sa hospital. Iilang damit lang din naman ang kinuha ko. Dinala ko na rin yung fav kong notebook at ballpen. 

Bago ako tumungo ng hospital, dinaanan ko muna yung mga lugar na kung saan kami unang nag kita ni Tim, lagi naming pinagkakainan at pinag tatambayan.

Bumalik saakin lahat ng alaalang iyon. Hindi ko namamalayan na tumulo na pala ang aking mga luha. Napaluhod at napahagulhol ako dahil sa sakit na nararamdaman ko at walang sawang binabanggit ang pangalan nya.  Wala akong pake kung pinagtitinginan na ako ng mga tao sa paligid ko! Pagod na akong magkimkim ng sakit na nararamdaman ko.

At huli kong dinaanan ay ang simbahan kung saan umamin saakin ang lalaking mahal ko.  Umupo ako sa upuan kung saan kami umupo dati ni Tim.  Nakatitig lang ako sa altar kung saan sya umamin saakin.

"Nawa'y gabayan mo po ako at sya. Sana maging success po ang kakalabasan nito." Dasal ko sa isip ko

Pagkatapos non, dumeretso ako sa playground kung ko sya pinayagang manligaw saakin. Kung saan kinuwento ko sa kanya ang background ko.  Nangyari lahat ng iyon sa ilalim ng buwan at mga tala.
Pinunsan ko ang mga luha na walang tigil sa pag tulo at dito ko isinulat ang mga nais ko sabihin sa kanya.



______________

[ END OF CHAPTER 25 ]

The Last CrepusculeWhere stories live. Discover now