CHAPTER 4

10 2 0
                                    

[CHAPTER 4]

TIM ALVAREZ POV.

Tahimik lang akong kumakain kasama si Hamara, nag iisip pa ako ng pwedeng maidaldal e. HAHA.

"Ahm, so new student kalang dito diba?" Pagbabasag ko ng katahimikan.

Pansin ko na medyo kumunot ang noo nya at binigyan nya ako ng 'nakahithit-ka-ba-look'. Ang sungit naman nya! Masungit nanga snobera pa! Tsk

Pansin ko na kakaiba sya sa mga babaeng na-encounter ko, i mean, bakit sya ganyan? Kase diba mga kamarecakes? Kadalasan sa mga babae ay madaldal? Tapos sya i-snob-in lang ang gwaponh kagaya ko? Ay hindi pwede yon!

"Ahh sabi ko nga transferee ka." Sabi ko sabay nag kamot ng ulo with matching buntong hininga. Ang hirap nya daldalin.

"Wala kang sinabi." Malamig nyang tugon saakin.

"I mean sabi ng utak ko! Hehe"

"Nagsasalita pala utak mo? Hanep."

Napapahiya na talaga ako jusme.

" I mean! Naisip ko lang hehe. Heto naman 'di mabiro!" Nahihiyang sabi ko. Sino ba naman kase ang hindi mahihiya diba? Tsk!

"Mukha ba akong nakikipag biruan?" Seryosong tugon nya at tumingin ng diretso saakin. Ang ganda ng mga mata nya, para akong nahipnotismo dahil sa ginawa nya.

"A-ah eh! Sens-"

"Kung ako saiyo,simulan mo nang pag aralan yung mga element sa periodic table." Sabi nya at napanguso ako.

"Sabi ko nga e!" Nakanguso ko pading tugon at tinignan nya lang ako. "Pero gusto ko samahan mo'ko! Hehe."
__

Nauna akong natapos kumain kesa sa kanya. Pansin ko na apakabagal nya kumain. Ay grabe! Tinitipid nya ba pagkain nya? Pansin ko din na minsan napapatulala sya minsan.

Grabe! Kapag ba ang tao ay madaming napapansin, ang tawag na doon ay papansin? Okay sabi ko nga hihintayin ko nalang syang matapos kumain at mag aaral na.

"Hamara? Ayos kalang ba?" Pansin ko kase na natutulala nanaman sya. Tumango lang sya at tumayo.

"Bakit? San ka pupunta?" Tanong ko.

"Tara sa library." Sabi nya at nag simula na syang lumabas ng cafeteria. Medyo naguguluhan ako sa inaakto nya. But nvm.

Nakita ko sya sa labas ng cafeteria at dahan dahang lumapit saakin at para bang nag slow mo. Ang paligid ko! Chour! Ano movies at wattpad story  lang? Sus! Pero kahit weird, gusto kong maranasan iyon! HAHA

"Saan ba dito yung library?" Tanong nya saakin.

"Gagi dito ka nag aaral ta's 'di mo alam?" Natatawa kong tanong sakanya.

"Nang-iinis kaba Alvarez?" Medyo napipikon nyang tanong pabalik saakin.

"Haha ang cute mo mapikon!" Pang aasar ko.

"Osige, bahala kang mag aral mag isa jaan." Pikon nyang sabi saakin. HAHA pikon!

"Woy sorry na! Wala namang ganyanan Hamara HAHA" sabi ko at hinawakan ang wrist nya para hindi makalayo saakin.

"Tsk."

"Sorry na okay? Malay ko ba na mabilis kang mapikon? HAHAHA"

"Bitawan mo nga ako!" And because of that, i realized na nakahawak padin ako sa wrist nya! Nakakahiya HAHAHA

Binitawan ko ang wrist nya at sinamahan sya na pumunta sa library.
__

Pagkapasok namin sa library ay pumunta agad sya sa mga science books, sa may bandang chemistry! Yiii naway sana magkaroon din kami ng chemistry!

"Lika dito." Tawag nya saakin. Syempre lumapit naman ako sa kanya! Ikaw ba naman tawagin ng mapapangasawa mo? Este ng magtuturo saiyo? HAHA. ang harot ko na tsk.

"Ikaw ang mag hawak ng mga libro." Sabay bigay saakin ng apat na makakapal na libro. Muntik na akong mapaupo sa sahig dahil aa bigat ng mga libro na ito! Jusko paano nya nagawang bitbitin ang ganitong kabigat na mga libro?!

"Bakla ka pala e." Pang aasar nya.

"H-hoy!! Anong bakla ka jan?!!" Medyo pikon kong tugon.

"Shh!!" Saway saamin ng librarian.

"Ingay mo kase e." Sabi nya sabay bigay nanaman saakin ng panibagong makapal na libro.

"Aba aba naman Hamara!"

"Tanga! Para sa'yo din yan! Tsk."

"Andami naman neto? mukha bang mababasa ko ito agad lahat?" Pag rereklamo ko.

"May sinabi ba ako na basahin mo agad lahat?" Sabi nya at dinagdagan nanaman ng libro itong mga hawak ko. Teka nga! Ambigat!

"Bakit kase hindi mo muna ilapag?"

"Eh?"

"Anong eh? Talagang mangangawit ka kung hindi mo ilalapag yan sa sahig tsk." Masungit na sabi nya.

Inilapag ko muna ang mga libro at umupo sa tabi neto. Pinag mamasdan ko lang sya habang pumipili ng mga librong babasahin ko. Ang ganda nya

I want to know her more.

[END OF CHAPTER 4]

The Last CrepusculeWhere stories live. Discover now